LAST AUTHOR'S NOTE

2.3K 54 10
                                    

LAST AUTHOR'S NOTE:

Okay, last na ito na Author's note ko kaya please basahin niyo na. First time ko mag-aksaya ng isang part para sa isang Author's note. Gusto ko lang kaya pasalamatan dahil sa mainit na suporta niyo sa story na ito. Mapa-silent reader o active reader, thanks you! For me, isa ito sa mga successful kong story alongside Math Camp. Bawat update, 1K reads ang nadadagdag kaya maraming salamats. Laking pasalamat ko rin dahil may mga na-inspire raw ako sa story na ito. Ulit, ulit, Kamsahamnida! Arigato! She she! Th4nKzZ Bh3! Thank you!

Alam ko iba sa inyo ayaw ang last chapter. It's either boring or ayaw niyo yung killer. Ka please suportahan niyo ang Epilogue. Wag kayo, first time kong nag-update nang may 3.5K na words. Ahahahaha!

Hayaan niyo magkwento ako tungkol dito. Ehem. At first, hindi naman talaga planado ang story na ito. Humiga lang ako tas bigla akong naka-isip nang plot na mga sikat na celebrity magpapatayan. Bakit GG ang napili ko? LSS ako nun sa Run devil run at Genie eh. Tignan niyo yung Prologue at 1st chapter, sabaw-sabaw di'ba? Dahil nga hindi planado, hindi ko in-expect na rarami ang reads ng story na ito. 

Nagulat ako nung biglang nag 300+ na reads kaya lalo akong ginanado hangga't sa na-writers block ako sa Chapter 6 o 5 ba yun basta yung may Let it go. Dahil sa chapter na yun, muntikan ko na idelete ang story na ito. Pero may drama kasi ako bago mag-delete, binabasa ko ang mga comments. Tas nung binabasa ko na-touched ako. Sa buong stories ko, ito ang may mga active readers! Kaya yun ikinancel ko at ginawa ko muna itong HIATUS. 

Mga april or march bumalik ako sa pag-update nito. At nagulat ako, MAS RUMAMI ANG READS BAWAT CHAPTER NITO KAYSA DATI. Rumami rin ang comments at votes kaya tinuloy ko ito. Alam niyo ba dumating ito sa puntong I-hihiatus ko para tapusin yung isa kong story (Ang uncliche kong buhay) pero it turned out na iyon ang na-hiatus aside na ito. 

Nung nilagpasan nito ang reads ng iba kong book (except Math Camp), napatalon ako at kamehame wave sa ere. Personally, mas kinilig ako sa mga reads, comments at votes nito kaysa sa mga binabasa kong romance (Pero kinilig pa rin ako sa Mapapansin Kaya. Hihihihi Balahurang biglang nag-fanboy).

Ang dapat talagang killer ay si Sunny. Tas pinalitan ko naging Cinna. Tas si Yeonnie nalang ginawa kong killer. Tas dinagdag ko nalang na killer si Manager Dee tas voila, AYAN NA ANG MGA KILLER.

Trivia!: The 9 GODDESSES ended with 16 chapters. THE NINE GODDESSES has 16 letters.  

Peak position ng story na ito? #20 sa horror at #213 sa Mystery/Thriller as of now (Sana mag-one sa horror, dream come true yun!). Softcopy? Wait i-cocompile ko muna tsaka ko ipopost. Extra Chapter? SOON! Kasabay ng Extra Chapter ang softcopy.

Kaya ayun, CONGRATS at naka-survive ka anggang Epilogue. Kitakits nalang tayo sa mga iba kong stories. Thank you ulit ng maraming marami. Tsk, tama na nga satsat, ito na ang Epilogue, basahin niyo na guys. Kung mobile user ka, I-scroll down mo! Kung Web user ka, I-click mo ang Epilogue sa kaliwang baba! 

Special thanks kayna: GOD, CuteLittleMiming, ssf_07, CleoDonayre, ErickaLozendo, ilovesuju06, Airachi, xxlapizlazuli, iammokang at raggedyprncss.

PS: Hashtag niyo #9GoodbyesTo9Goddesses kung may twitter kayo, ifofollow ko kayo promise! Ahahahaha!

THE 9 GODDESSESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon