Chapter 6: I'm Sorry, I'm Dying

7.2K 127 15
                                    

Hindi ko napigilan ang sarili ko na hindi gawin ang bagay na iyon. Mahal ko pa nga si Katherine pero alam ko hindi na pwedeng maging kami dahil may asawa na siya at anak. Dapat ko pa nga siyang kamuhian dahil sa mga nangyari noon. Hindi biro iyon at sobra-sobra ang pagtitiis na ginawa ko pero sa huli ay wala rin namang kwenta. Hindi rin siya naging akin. At alam kong kahit kailan ay hindi naman niya ako mamahalin. At kahit na malaman pa niya ang totoo na ako nga si Nathan ay hindi rin naman siya hihingi ng tawad sa'kin sa mga masasakit ba bagay na ginawa niya sa'kin noon.

                Kinasusuklaman ko siya! Kinamumuhian kita Katherine! May asawa at anak ka na nga, pero kung umasta ka para kang single na pwedeng gawin lahat ng gustong mong gawin. Hindi ka na nahiya at binibiktima mo pa si Red. Isang pagkakamali ang pag-ibig na inalay ko sa'yo noon! Isang pag-ibig na sinayang ko lang dahil inalay ko sa maling babae! Napapakuyom ang mga kamay ni Nate habang sinasabi ang mga mararahas na mga salitang iyon.

                Hindi rin maitago ang galit na ekspresyon sa kanyang mukha. Tinungga niya ang alak sa kanyang baso pagkatapos ay kinuha ang susi ng kanyang kotse sa may bar counter ng kanyang bahay saka umalis.

            ILANG araw na rin ang nakalipas ng huling tumungtong si Nate sa hospital. Iyon pa ang gabing hinalikan niya si Katherine nang walang dahilan. Kaya malaking tanong sa dalaga kung bakit hindi na nagpupunta ng hospital si Nate. Hindi naman din niya magawang magtanong kay Red at baka kung ano pang isipin ng doctor.

                Nagpatuloy na lang si Katherine sa pag-aayos ng mga kama ng mga bata sa kanilang mga kwarto.

            "Bakit parang ang tahimik mo BFF?" Sita ni Charily na kasama niyang nag-aayos.

             "Wala lang. May iniisip lang ako" sagot niya.

            "Sa susunod na araw na yung reunion. Kinikilig naman ako sa'yo dahil kasama mo ang isa sa mga bachelor fresh from America," may kabakyaan na sabi ng kaibigan.

            "Hoy! Hindi ko siya sinasama para may ipang-display lang ako. Sinasama ko siya k-kasi..." hindi niya alam kung anong isusunod niya sa 'kasi' niya. Hindi pa rin kasi malinaw sa dalaga ang sitwasyon nila ni Red at isa pang gumugulo sa isip niya ay nang halikan siya bigla ni Nate at wala man sinabi kahit ano o kahit paliwanag man lang kung bakit niya ginawa iyon liban lang sa tinawag siya sa kanyang pangalan.

Wala sa isip niyang napapahawak na pala siya sa labi niya at napapatingin na sa kawalan.

             "Friend? Friend?" Yugyog sa kanya ng kaibigan.

            "Oh!" Napalunok pa si Katherine at biglang bumalik sa reyalidad ang kanyang utak.

            "Anu 'yang pahawak-hawak diyan sa labi mo? Naghalikan ba kayo ni Red noong nag-date kayo sa rooftop na sinasabi mong super romantic?" Saka parang naiihing kinilig pa ang gagang si Charily.

             "Super romantic?" Tanong ng kadarating na Red. Hinahanap niya talaga si Katherine para ayain sanang mag-miryenda.

Sabay na napalingon ang dalawa.

            "Dr. red ikaw po pala." Magalang na Charily.

            "Anong super romantic na pinag-uusapan niyo?" Nangingiting tanong muli ni Red.

            "Ah. W-wala-wala." Iwas naman ni Katherine pero nakangiti.

            "Okay." Patango-tango na lang si Red pero alam na niya talaga ang pinagku-kwentuhan ng dalawa. "Ah, kaya pala ako nandito kasi gusto kitang ayain mag-miryenda Katherine." Tapos ay napatingin siya kay Charily. "K-kung gusto mo sumama ka na din Charily," dagdag ng doktor.

As I Lay Dying [SOON TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now