Chapter 3: Invitation

6.8K 142 11
                                    

Nagulat pa si Katherine sa pagsulpot ni Charily sa kanyang likuran habang kumukuha siya ng mga gamot sa storage room ng hospital.

"Good news mare!" Ani nito na tila may magandang balita.

"Shh! Ang ingay mo naman. Bakit ano ba 'yon?" Kunot-noong hinarap ni Kath ang kaibigan.

"Guess what? Mag-pe-pre-reunion ang batch natin! Ang saya nun! Nagpadala na ng invitations si Mrs. Gonzales para sa ating dalawa. Ano gora tayo?" Bulalas ni Charily saka inilabas mula sa kanyang bulsa ang mga invitations na natanggap niya. Naglakad papalabas ng storage si Katherine at sumunod naman si Charily.

Hindi pa rin niya sinasagot ang kaibigan. Pupunta kaya si Nathan? Ka-batch pa din namin siya. Ika niya sa isip-isip niya.

"Huy! Ano na punta ba tayo?" Untag ni Charily sa kanya habang patulog sila sa paglalakad sa mahabang pasilyo ng fourth floor,

"E-ewan," matipid na sagot niya.

"Anong ewan?! Adik ka ba? Five years na rin ang nakakaraan! Ayaw mo bang makita ang iba nating mga kaklase?" Atsaka biglang may naisip si Charily. "Dahil ba ito kay Nate? Dahil ba sobrang kamukha niya si Nathan?" Natanong niya bigla dahil iyon lang naman ang isang bagay na alam niyang gumugulumihanan sa utak ng kaibigan.

"Hindi!" Mabilis na sagot niya.

"E bakit ayaw mo magpunta?!"

 "E k-kasi..." Hindi siya makaisip ng idadahilan. "W-walang magbabantay kay Jeboy," palusot niya sa huli.

"Si jose? Si Aling Choleng? Teka, magsabi ka nga ng totoo. Natatakot ka bang makaharap si Nathan pagkatapos ng lahat ng mga kamalditahan mo? Tama, si Nathan ang kinakatakutan mo 'no?"

"Charily!" Anghil niya saka nagkunot ang kanyang noo.

"Sige na BFF, punta na tayo?" Saka pa nagmagandang mata si Charily na tila bata." Kasama mo naman ako kaya wala kang dapat ipag-alalal."

"Pag-iisipan ko." Iyon lang at nagpatiuna ng maglakad si Katherine.

NAKANGITING pumasok si Katherine sa nursery room ng kanyang mga alaga. Halos tulog na lahat dahil gabi na. Nilipat sila ng graveyard shift ngayon pati si  Charily. Lumapit siya sa mga batang hindi naka-kumot ng tama kaya inayos niya ang mga ito. Sa duluhan ng kwarto ay nakatagilid si Julia at tila ayaw pang matulog dahil galaw pa rin ito ng galaw.

"Ba't gising pa si Cinderella?" Ani niya saka naupo sa gilid ng kama. Humarap naman si Julia at may ngiting kasama pa na ngayon lang nakita ni Katherine. "At ano 'yang mga ngiting 'yan? Alam kong may ibig sabihin 'yang mga 'yan."

"Ate Kath," malumanay na tawag ni Julia sa pangalan ng butihing nurse na dati ay hindi naman ginagawa ng bata na sadyang ikinagugulat ng dalaga ngayon.

"Bakit? May problema ba?"

"K-kamusta n-na po si," nahihiya pa rin siyang magsabi.

"Si Jeboy?" Si Katherine na ang nagdugtong sa sasabihin ni Julia.

Abot hanggang teynga ang ngiti ng anim na taon na batang umiibig.

"Ikaw talaga. Ayun panay ang kwento sa'yo kapag nasa bahay kami. Ang saya-saya daw niya simula ng makilala ka at nami-miss ka na nga daw niya."

"TALAGA PO!?" Tila napasigaw pa si Julia sa sobrang tuwa sa narinig mabuti na lang at walang nagising.

"Oo. Kaya nga bukas isasama ko siya kasi nagpupumilit. Ipapaalam ko nga kay Dr. Red kung pwede."

"Sige po ate Kath! Thanks!" At isang mabilis na yakap ang ginawa ni Julia at nahiga na sa kama. Natutuwa namang tumayo si Katherine at kinumutan si Julia saka na lumabas ng silid.

As I Lay Dying [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon