Previous Page of 5Next Page

As I Lay Dying [SOON TO BE PUBLISHED]

spinner.gif

Tahimik ang hospital dahil holiday ngayon, National Heroes Day. Wala gaanong emergency at tao. Kabilang sa mga malas na hindi pinayagan na mag-holiday si Katherine. Gusto man niyang umapila ay hindi na pwede dahil nahihiya na siya. Next month kasi ay isang linggo siyang mawawala kaya hindi na niya ipinagpilitan pa.

            Pa-ismid siyang bumalik sa storage room para kumuha ng mga gamot. Wala ngayon si Charily dahil nagkasakit daw, pero ang totoo tinatamad lang talaga siyang pumasok. Kaya si Katherine muna ang re-relyebo sa kanya para sa isang operasyon ng isang matandang  babae na may colon cancer. At mabuti na lang ay natoka ang surgery kay Red kaya kahit papaano ay komportable siya. Laking pasalamat niya na “General Surgeon” si Red.

            “Ready ka na?” Tanong ni Red habang papasok sila ng OR.

            “O-oo naman.” Tango niya pero halatang kinakabahan siya ng sobra dahil sa mga pawis na naglalaglagan sa kanya. Kahit gusto man niyang umalis ay di na niya magawa.

            Nurse ako! Nurse ako!  Paulit-ulit na sigaw niya sa utak niya. Sa totoo lang ay puno talaga siya ng takot dahil sa naging karanasan na hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa isip niya. Pagkatapos ng mahabang panahon ay ngayon na lang siya ulit papasok sa OR. Kailangan tatagan ko ang loob ko! Kailangan kalimutan ko na ‘yon! Iyon ang dahilan kaya ako nangangatog sa takot ngayon! Muling sigaw ni Katherine sa utak niya bago siya tuluyang pumasok sa OR. Pagkapasok niya ay agad silang nagkatinginan ni Red.

            “Sigurado ka ayos ka lang?” Tanong sa kanya nito.

            “O-oo. P-promise okay lang ako.” Atsaka isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ng dalaga. Ilang saglit pa ay inumpisahan na nila ang operasyon.

            Wala ng lunas ang sakit na colon cancer. Kaya lang naman ooperahan ang matandang ito ay upang makasama pa siya ng matagal ng kanyang pamilya. At sino ba namang ayaw mabuhay ng mahaba at makasama pa ang pamilya kahit na ilang buwan lang ang mabibili kapag inoperahan ka.

            “Clamps, Katherine.” Utos ni Red habang pinupunasan ng isang nurse ang kanyang pawis. Natutulala si Katherine habang tinitingnan niya ang  pasyente na buka ang tiyan at nililinis ni Red. “Clamps, Katherine.” Muling wika ni Red pero hindi pa rin gumagalaw si Katherine para kunin ang instrumento na kailangan ng doctor. Nataranta ang lahat nang biglang tumunog ang machine at hindi na stable ang vital signs ng pasyente.

            “Shit!” Napamura si Red at pati siya ay nataranta pero nahamig niya ulit ang sarili. “Clamps! Bakit ba kasi tatanga-tanga ka Katherine!”

            “P-po?” Utal-utal na ani ni Katherine habang natutulala at mangiyak-ngiyak.

            “Katherine yung clamps! Ang tanga mo! Mamatay na siya!” Biglang nag-init ang ulo ni Red dahil sa pagkatulala ng dalaga. Halata sa mukha ni Red na nagulat lang siya sa sinabi sa dalaga at gusto man niya agad humingi ng tawad ay hindi niya magawa dahil sa ngayon ay mas imporatante ang buhay ng kanyang pasyenteng nakikipaglaban kay Kamatayan.

            Nang matauhan si Katherine dahil sa sigaw ni Red ay mabilis niyang kinuha ang clamps at iniabot sa doctor.

            “Gumising ka nga Katherine!” Sermon naman ng isang  doctor na kasama nila.

            “Ano ba kasing iniisip mo!” Masungit naman na tanong ng head nurse.

Napapayukong lumayo si Katherine at kahit itanggi man niya ang pag-iyak ay isa-isang naglaglagan ang mga luha mula sa kanyang mga mata.

Previous Page of 5Next Page

Comments & Reviews (4)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Media

Chapter 5: A Night to Remember

Who's Reading

Recommended