Chapter 2: Familiar Guest

7.2K 154 7
                                    

Nasa isang libreng medical mission kami kung saan lahat ng mga cancer patient ay binibigyan namin ng kakaibang entertainment para maibsan naman ang sakit na nararamdaman nila. Kasama din namin si Julia at iba pang mga batang cancer patient ng hospital namin. Isinama ko din si Jeboy dahil may magbabantay naman, si Charily dahil off naman niya at nag-volunteer siya na sumama.

                Nakakatuwang tingnan si Doc Red habang nakikipaglaro siya sa mga ibang batang may cancer gaya ni Julia. He's the ideal man para sa isang matatag na pamilya. May asawa na kaya siya? Or girlfriend? Malamang madami! Hindi maiwasan ni Katherine matawa sa isiping iyon.

Ang isang gaya ni Red ay imposibleng walang special someone lalo na sa gwapo nito at sa laki ng katawan na sadyang nakakapag-pasuko sa mga babae. Idagdag pa dito ang pagiging anak niya ng presidente ng exclusive hospital sa buong Manila.

Hindi maiwasan mapatingin ni Red sa gawi ni Katherine. Hindi rin niya matulungan ang sarili na mapangiti sa tuwing mahuhuli niya ang dalaga na nakatitig sa kanya. Kapag naman nagtama ang kanilang mga mata ay kinikindatan niya ito at tila may kilig naman na nararamdaman ang isa kungbaga ay mutual ang feelings sabi nga nila.

"Uyy, si bff ko ,MU na sila ni Papa Red!" pang-aasar ni Charily sa kaibigan.

"Hmp! Ikaw talaga ung ano-ano ang iniisip mo!" Atsaka niya marahang hinampas sa balikat ang kaibigan. 

"Denial queen ka pa! Alam mo Katherine, move-on ka na kay Stephen 'te! Ang tagal na nun! Atsaka give chance to others, aba, hindi ka na pabata ng pabata 'te," singhal ni Charily sa kaibigan.

Si Stephen nga ba ang dahilan kung bakit hindi ko pa din binubuksan ang puso ko para sa iba? Parang hindi e, parang may iba, may ibang dahilan, hindi ba si Nathan? Ilang saglit siyang natigilan at naisip ang nakaraan nila pero agad naman siyang nagbalik sa reyalidad.

"Natulala ka bigla diyan!?" Untag sa kanya ng kaibigan.

"Ah, wala! May naisip lang ako," iwas ni Katherine at nagpatuloy sa pag-aayos ng mga gamot na libre nilang ipinamimigay. "Teka asan na pala si Jeboy?" natanong niya nang maalala niya ang anak.

"'Andun kasama 'yung mga bagong kaibigan. Hayaan mo na, minsan lang naman makakilala ng mga ibang tao 'yung anak mo!" Ani ni Charily saka tumulong sa pag-aayos.

"TIGILAN niyo ko! Mga pangit at hinayupak kayong lahat!" Sigaw ni Julia sa mga batang inaasar siya dahil sa sobrang kaartehan niya. "Alis! Mga pangit kayo!" Pagtataboy niyang muli sa mga ito pero sa huli ay bumigay na siya at umiyak nang mawala na ang mga nang-aasar sa kanya.

Linapitan siya ng isang batang lalaki na halos kasing-edad lang niya.

"Ayos ka lang? Eto o may tissue ako," atsaka inabot iyon ng batang lalaki na sa tingin ni Julia ay mga kasing-edad lang niya.

Marahang pinag-aralan muna ni Julia ang mukha ng batang lalaki. Maamo ang mukha nito lalo na ang mga mala-kerubin na mga mata niya at mas lalo pang nagpapa-cute dito ay ang medyo kulot nitong buhok.

Kinuha ni Julia ang tissue at ibinulsa iyon. Pagkatapos ay inilabas niya ang lampin niya at pinunasan ang mga butil ng luha sa kanyang masutlang pisngi.

Naupo ang batang lalaki sa tabi niya.

"Ayos ka lang?" tanong nito muli.

"O-okay na 'ko," aniya saka muling nagbuga ng sipon sa kanyang dalang lampin.

"Ako nga pala si Jeboy, mommy ko 'yung nurse na 'yon," atsaka itinuro niya si Katherine na busy sa pag-aayos ng mga gamot.

"Mom mo 'yon? Yung makulit na nurse na 'yun na hindi nagsasawa magbigay ng kung ano-ano sa'kin!?" may pagka-disgusto ang tinig ni Julia. 

As I Lay Dying [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon