As I Lay Dying: Prologue

10.5K 225 50
                                    

        Nakakainis talaga si Nathan, sunod ng sunod sa'kin. Hindi ako tinatantanan. Kung ano-ano pa ang ibinibigay sa'kin as if naman girlfriend niya ako. Atsaka nakakahiya na sa mga friends ko at baka sabihin pa nila ang cheap ng taste ko at ang mukhang retarded na 'yon ay pinatulan ko na. Grabe kaya ang itsura niya; payat na siya at halos lumuwa na ang mga mata tapos ang itim pa niya. Para talaga siyang sinumpang tao! Basta kahit kailan hinding-hindi ko papatulan ang mukhang abnormal na 'yon!Pero kung sabagay in some ways useful din naman ang Nathan na 'yon. May taga-gawa ako ng projects and assignments ko. Uto-uto din kasi siya. O di ba? Para naman pakinabangan ko din ang bugok na 'yon.

Naglalakad sa hallway sina Katherine kasama ang apat pa niyang barkada nang salubungin sila ni Nathan na may dalang mamahaling chocolates at namumulang bouquet ng red roses.

"Para sa'yo Kath," syempre nakangiti si Nathan nang iabot niya iyon. Kinuha naman ni Katherine ang bouquet at chocolates at nang may dumaan na isang kapwa estudyante ay ibinigay niya ito. Tuwang-tuwa naman ang pinagbigyan.

"Para sa'yo 'yon.. hindi para sa kanya.." biglang may tampo sa tinig ni Nathan pero wala namang galit.

"Ilang beses ko ba sasabihin sa'yo na tigilan mo na ako Nathan? Mula pa noong first year tayo hanggang fourth year na tayo hindi mo na 'ko tinantanan! Nakakabwusit ka na! Nakakairita!"

"Mahal kasi kita Katherine. Oo nga, first year pa lang tao ay nanliligaw na ako hanggang ngayong ga-graduate na tayo 'di mo pa rin ako sinasagot.." may pagka-pilosopong sagot ni Nathan.

"Wag mo na 'kong susundan please? Nakakairita ka na e!" atsaka na sila nagpatuloy sa paglalakad. Sa may bandang dulo naman ng hallway ay naghihintay ang boyfriend ni Katherine na si Stephen. Nang magkalapit na ang dalawa ay naghalikan ito kahit na maraming estudyanteng nagtitinginan sa kanila. 

"Ano ginugulo ka na naman ng bugok na abnormal na 'yon?" tanong ni Stephen at dinuro pa si Nathan na nakahalukipkip sa sarili dahil sa pagkakapahiya ni Katherine.

"Oo eh, ayaw talagang magsawa. Ilang beses ko na ngang pinagsasabihan pero ayaw papigil, patay na patay sa'kin," bungisngis ni Katherine.

"Gusto mo upakan na namin?" maangas na wika ng binata.

"W-wag!" Mabilis niyang sagot. Parang biglang natakot ang dalaga. Kilala niya ang boyfriend niya. Isang salita lang niya dito ay gagawin na nito. 

"Para tigilan ka na niya at para matahimik ka na."

"Hayaan mo na lang siya.. di naman niya 'ko sinasaktan e," kinalma ni Katherine ang sarili, bigla siyang nag-alala kay Nathan ng wala sa oras. Kahit naman gaano niya ka-disgusto si Nathan ay di naman niya magagawang ipabugbog ito. Hindi naman siya ganoong kasama.


Natakot ako bigla kanina pero mabuti na lang nakinig sa'kin si Stephen. Alam ko ang mangyayari kay Nathan dahil kilala ko si Stephen, kapag siya ang nag-trip siguradong basag na basag at palong-palo. Sa payat na 'yon ni Nathan siguradong hindi niya kakayanin ang mga suntok at tadyak ni Stephen at ng mga barkada nito. Mabait naman sa'kin si Nathan kaya dapat ko siyang protektahan kay Stephen kahit papaano. Dapat pala ay hindi na ako magkwento tungkol sa pangungulit ni Nathan kay Stephen at baka marindi at pag-tripan nga.


Mag-isa lang sa library si Katherine nang dahan-dahang lumapit si Nathan dala ang project  na pinagawa ng dalaga para lang makapasa siya sa 3rd quarter nila.

"Eto na 'yung project mo Kath o, ganda 'di ba?" atsaka iniabot ang box na may transparent na salamin.  Maganda nga ang gawa ni Nathan dahil mula ito sa puso niya. Pagmamahal ang naging puhunan ng landscape na ito. Isang perfect place para sa perfect couple kung—meron man.

As I Lay Dying [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon