CHAPTER 13

39.8K 994 14
                                    

Baxter

Pangiti ngiti akong nag lalakad papasok sa Restobar dito sa Alegria na binyahe ko pa talaga para lang makasama ang mga weirdo kong kaibigan.

"Ito na! Ang tagal mo naman Baxter," Salubong sa akin ni Noe at tinapik ang balikat ko, napansin ko naman na tahimik lang si Dylan at mukhang malalim ang iniisip habang si Lelantos naman ay tulala at nakatingin sa Stage habang hawak na naman ang BARBIE DOLL.

SERIOUSLY?

"Malamang matatagalan ako, ang layo kaya ng Placer dito" Tumawa naman si Jin at nilapag ang hawak niyang beer

"wag mo ako lokohin Baxter, sa mukha mo pa lamang ay kita nang naka score ka sa Esposa mo" Natatawang sabi ni Victor at kinindatan pa talaga ako, napa iling ako at umupo katabi ni Dylan at tinapik ang balikat niya.

"alam kong weirdo tayo pero wag ka pahalata, bakit ka tulala diyan?" Napakunot ako ng noo na parang hindi man lang narinig ni Dylan ang tanong ko, pero hinayaan ko na ba ka may problema lang.

Lumapit ako ng upo kay Victor para mag tanong

"nasaan ang bagong kasal?" Ngumuso siya kaya sinundan ko iyon, halos mapamura ako ng makita ko si Joseph na may kahalikang iba,

Maganda, maputi, matangkad at mukhang inosente ang mukha niya.

"Iyan na ba ang married man ngayon? nakikipaghalikan na agad embes na bagong kasal" Napatulalang sabi ko, tumawa naman si Victor at tinapik ang balikat ko.

"My weird friend, I think Joseph is not in love with her Wife or in other words, sapilitang kasal" Napatango nalang ako at hindi na nag tanong tungkol kay Joseph. I think, personal problem nila iyan.

"Nasaan sila William, Daniel, Nyle at Isaac?" Umayos kami ng upo ng tumabi si Jin sa amin, uminom muna ng beer si Victor bago sumagot.

"Si Nyle umuwi na ng Manila, si Daniel naman bantay sarado ang kambal niya, si William, alam mo namang Doctor iyon kaya nauna ng umuwi kinabukasan matapos ang party sa bahay ninyo-" mag sasalita pa sana si Victor ng sumabat si Jin sa amin.

"Si Isaac, hindi namin alam kung nasaan" Tumango nalang ako kay Jin at kumuha ng Beer sa mesa tsaka iyon ininom at tumingin sa Stage ng Restobar. Natatandaan ko ang mga mukha ng mga tumutugtog sa Stage, sila ang Girls Group Band ng Alegria noong High School pa lamang kami. Hanggang ngayon nag babanda pa rin sila.

"Lan? kanina ka pa nakatingin sa Stage, may type ka sa isa sa kanila?"tanong ni Noe, at dahil honest si Lelantos ay mataman itong tumango sabay ngisi sa Stage.

"Shit! weirdo wag ka nga ngumisi! nakaka-kaba ka masyado" Asik ni Jin kay Lelantos at natawa nalang kami.

Cleassie

Nagising ako dahil sa ring ng phone kaya dali dali ko itong nilapitan at tinignan ang screen.

Beatrice Calling...

"Hello?"

"Hello? Cleassie? diba nasa Placer kayo ngayon?" Kinabahan ako sa tanong niya, bakit kaya? kukunin na niya si Cleto?

"a-ah, Oo andito kami. bakit?"
Kinakabahan na sabi ko,

"Great! andito ako sa labas ng Carmen Hotel, kasama si Vence kukunin na namin si Cleto" Nataranta ako bigla. Kukunin na si Cleto sa akin!.

"T-teka, akala ko ba next week? " Narinig ko ang pag buntong hininga ni Bea.

"we have no time Cleassie, Come on." Binaba ko na ang tawag at nag madaling nag lakad papunta sa kwarto ni Cleto.

Tiger 1: Baxter Vinagre (Completed)Where stories live. Discover now