Chapter 6

44.2K 1.1K 7
                                    

Cleassie

Paglapag ng eroplano saktong 5am isa kami ni Nicka sa naunang bumaba. Pagkalabas namin sa Airport ay may pumarada na Limousine sa harap namin. White Limousine.

"Ano na Clea? Tulala teh?! Galaw galaw din diyan! Hindi mo ba namiss ang Limousine niyo?" Hindi ko siya sinagot at pinagbuksan ng pinto si Cleto. Sumakay na din kami ni Nicka.

Walang pinagbago ang Limousine na ito. Naalala ko na ito ang ginagamit namin pag may dadaluhan kaming party ng mga kabusiness partner nila mama at papa.

"Mommy? Sa inyo po talaga itong sasakyan? Ang ganda po!" Sasagot na sana ako ng inunahan ako ni Nicka.

"Yes baby Cleto. Pamilya niyo ang may-ari ng Limousine na ito na nagkakahalaga ng ilang milyon! Imagine?! Ganyan kayo kayaman!" Sinamaan ko ng tingin si Nicka at ang loka loka ay ngumisi lang.

Nabigla ako ng tinampal ni Nicka ang braso ko.

"Bakit ba?!" Angil ko sa kanya. May tinuro siya, isang Limousine din na black na nakasunod sa Limousine namin.

"Oh? Ano ngayon?" Tinignan niya ako ng Hindi-mo-alam? look. Kinunutan ko siya ng noo kaya naman tinampal niya ang noo ko. Napadaing ako at sinapo ang noo ko.

"Bob* ka ba?! Sa mga Vinagre ang Limousine na nakasunod sa Limousine mo gaga!" Sa sinabi niya ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko, huminto ang pag ikot ng mundo ko.

Ano ba itong nararamdaman ko? Naloloka na ba ako? Kailangan ko na bang magpakonsulta?

"Helo! Cleassie Bautista, nakikinig ka ba?!" Napa igtad ako sa kinauupuan ko at sinampal ng mahina si Nicka. Sanay na siya diyan kaya okay lang yan.

"Kahit mahina ang sampal mo masakit pa rin! gag* nito! Bakit ka tulala?" Umiling lang ako sa kanya. Nakita kong lumapit si Cleto sa Back seat at doon lumuhod paharap sa nakasunod na Limousine na pag-aari ng mga Vinagre.

"Nakwento sa akin ni Mica na tinuturing ni Cleto si Baxter as his father. Ano ng plano mo? Magmamatigas ka pa rin ba?" Nagpakawala ako ng malalim na paghinga at humarap sa kanya.

"Masama na ba akong ina?" Tanong ko kay Nicka na agad naman ikinailing nito.

"Hindi ka masama Clea, you're just doing your responsibility as a Mother and you are just keeping your son for his safety." Ngumiti siya kaya ngumiti na rin ako.

Paano na? Pumayag akong umuwi kasama si Nicka dito sa Alegria pero nandito din naman si Baxter. What should I do now?

Hindi kami pweding magkita dahil sa tuwing nagkikita kami ay laging may hindi maipaliwanag na feeling akong nararamdaman at hindi iyon pwede.

Lumingon ako sa Black Limousine ng lumihis sila ng daan papasok sa Brg. Anahaw kung saan nakatira ang mga Tiger Players ng ANHS.

Tumingin si Cleto sa akin na may lungkot sa mga mata kaya sobra akong naawa sa kanya. Kung pwede ko lang kunin ang lungkot na nararamdaman niya.

Kami naman ay pumasok kami sa Brg. Ouano kung saan nakatira ang mga mayayaman din na mga angkan dito sa Alegria.

Nahigit ko ang hininga ko ng pumasok na kami sa gate ng bahay namin.

"Mommy ang laki ng house ninyo." Manghang sabi Cleto. Ngumiti lang ako sa kanya at humarap kay Nicka

"Huwag ka na magalala. Kaya mo iyan." Sabi niya akin. Huminto sa gilid ng fountain ang Limousine at naunang lumabas si Nicka pero bago pa siya umalis ay nag paalam siya sa akin.

"Uuwi na ako sa bahay. Tawagan mo ako pag may nangyari." Tumango ako sa kanya at huminga ng malalim. This is it!

Nauna akong bumaba at sumunod naman si Cleto na agad kong kinarga. Kinuha ng ibang tauhan ni Papa ang bagahe namin kaya nag lakad na ako papuntang entrance ng bahay namin, or should I say Mansion.

Tiger 1: Baxter Vinagre (Completed)Where stories live. Discover now