CHAPTER 11

38.1K 1K 15
                                    

Cleassie

Habang naglalakad ako pauwi sa hotel room namin ni Baxter ay maraming nakatingin sa akin. Anong meron?

May mali ba sa mukha ko?

Pero hindi ko sila pinansin at tuloy tuloy lang ang lakad ko habang bitbit ang isang plastic ng KAMATIS.

Oo kamatis! Ito lang talaga pinunta ko sa palengke eh! Wala kasi sa fridge ni Baxter.

Pag pasok ko pa lamang sa bahay ay agad akong sinalubong ng yakap.

Yakap ni Baxter.

"God! I thought Mi esposa se extravió " (My wife is missing) Ang higpit ng yakap niya sa akin. Ang init ng katawan niya ay mas lalo kong naramdaman ng hinigpitan niya pa ang yakap niya sa akin.

"Baxter, you're doing it again. Speaking in alien language" Bumitaw siya sa pag yakap sa akin at biglang nag kunot ng noo habang nakatingin sa hawak kong plastic.

"What's that?" Tinaas ko ang hawak ko at itinapat sa mukha niya mismo,

"This is what we call Tomato. In tagalog, KAMATIS" kukuha na sana siya ng isa pero agad kong tinapik ang kamay niya

"Hindi pwede hawakan!" Banta ko at mas lalong kumunot ang noo niya

"Why? And it's not KAMATIS it's KAMATISIS" Hindi ko alam kong nagpapatawa ba si Baxter o nabubuang na siya

"Abnormal ka yata eh. Anong KAMATISIS pinag sasabi mo?!" Natawa lang siya at hinila ako papuntang kusina

"KAMATISIS kasi marami. KAMATIS isa lang yun Esposa " inirapan ko siya kasi walang kwenta ang sinabi niya sa akin

"Hugasan mo yang KAMATIS tapos ilagay mo sa plato. Lagyan mo ng asin ah! Kung wala iyang asin ipapakain ko talaga iyan lahat sayo" Napakunot naman agad ang noo niya at nilapat ang palad niya sa noo ko tapos sa leeg ko.

"You're not sick. Then why you acting like that? Weird." Hinawi ko ang kamay niya at tumayo na para makaiwas dahil kinakabahan ako,

"Pupuntahan ko si Cleto, kailangan pag balik ko nakahanda na iyan sa mesa okay?" Nginitian at hinalikan ko siya sa pisngi bago umalis na kusina

Baxter

Napa iling nalang ako nang lumabas na sa kusina si Clea,

She's being weird.
Tinignan ko ang kamatis sa plastic at bigla kong na imagine na kumakain si Clea nito habang sinasawsaw sa asin.

Nasusuka ako sa inisip ko, anong klasing bituka ang mayroon si Cleassie?

Huminga ako ng malalim at hinugasan na ang mga kamatis, pagkatapos ay nilagay ko sa plato at kumuha na rin ako ng maliit na lalagyan para sa asin.

Nang matapos na ako ay inayos ko ito sa mesa at nag tungo na sa kwarto ni Cleto.

Then I saw Clea happily talking with Cleto, naalala ko ang sinabi ni Dylan kanina.

My long lost sister, Beatrice is the real mother of Cleto. Kaya pala ang gaan ng loob ko sa kanya dahil pamangkin ko siya.

Now, I wonder how Clea handle Cleto for almost five years. Paano kung malaman ni Cleto na hindi talaga si Clea ang totoong mommy niya?

Is Cleto going to hate Clea? I hope not, because Clea is just doing what my sister told to her and Clea is just protecting Cleto from his biological father.

Natigil ang pag uusap nila ng may tumawag kay Clea kaya lumapit na ako sa kanila.

"Hello Mica?"

Cleassie

Natigil ang masayang pag uusap namin ni Cleto ng tumawag si Mica sa akin, nakita ko pa na lumapit si Baxter sa kama at tumabi kay Cleto.

"Hello Mica?" Sabi ko sa kabilang linya, matagal bago sumagot si Mica.

"A-ano kasi Clea." Narinig ko ang pag hikbi ni Mica sa kabilang linya kaya nagtaka ako at kumunot ang noo ko.

"Hey Mica? Are you crying? What happened?" Matagal ulit bago sumagot si Mica

"Aalis ako ng bansa Clea, please wag mo sasabihin kahit kanino, alam na to ni Fyonna at kayong dalawa lang ang nakaka alam nito" Tumayo ako sa kama at pumunta sa tapat ng bintana

"Teka lang Mica, I don't understand you"

"Sa Malaysia ang punta ko, uuwi ako sa bansang kinagisnan ko. Doon ako nababagay, doon ako dapat" Hindi ko alam kung anong pinagdadaanan ni Mica pero pibipilit ko siyang intindihin sa ngayon, kailangan niyang makawala sa dinaramdam niya

"Okay Mica, just inform me kung aalis ka na at pag nakarating ka na sa Malaysia, I won't tell anyone pati na rin sa parents mo. Take care"

Namatay na ang tawag, parang kanina lang pinapagalitan ako ni Mica ng dahil lang sa KAMATIS tapos ngayon umiiyak na siya sa hindi ko malamang dahilan.

Natigilan ako ng may yumakap sakin mula sa likod at hinalikan ako sa leeg, biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

I admit that I'm falling for this man, simula pa lang noong nakita ko siya na papasok sa Restaurant ni Noe. How pathetic I am, dati, ayaw ko maniwala sa Love at first sight na iyan kasi hindi naman iyan totoo, gawa gawa lang iyan ng mga taong lunod sa pag ibig. Pero parang natamaan ako sa gawa gawa na iyan at ngayon, heto ako naghihintay na magustohan man lang ng isang Baxter Vinagre.

Pero mukhang malabo lalo na pag nalaman niya ang totoo na ang kasama kong bata ngayon ay pamangkin niya, magagalit siya pag nalaman niyang nag lihim ako at Hindi ko sinabi na alam ko kung saan na ngayon ang ate niya.

Pero Hindi ko naman kasalanan na hindi ko alam na si Baxter Vinagre na pala ang kaharap ko sa Restaurant ni Noe, I didn't know that the man I fell in love with is the Brother of my childhood friend.

"What happened my beautiful Esposa?" Hinilig ko ang ulo ko sa dibdib ni Baxter, I want to feel him more.

"Tumawag lang kaibigan ko" Sabi ko sa kanya, hinigpitan niya pa ang yakap niya sa akin, ramdam ko na ayaw niya akong pakawalan.

I believe that actions is better than words but, I also believe that words is much better than actions.

Oh well, kaya ko namang mag hinatay hanggang sa masabi niyang gusto na niya ako at pag sinabi na niya iyon ay gagawa at gagawa ako ng paraan para sabihin naman niya ang three words na gusto kong marinig mula sa kanya.

Humarap ako sa kanya at malambing na niyakap siya.

"Hinanda mo na ang KAMATIS?" Natatawang tumango si Baxter at iginaya ako palabas ng kwarto

"Oh, asan si Cleto?" Napansin ko kasi na wala na si Cleto sa kama

"Nasa sala, manunuod daw ng TV"

---

Habang kumakain ng Kamatis ay ang sama ng timpla ng mukha ni Baxter kaya hindi ko na napigilan ang magtanong, para kasi siyang nasusuka.

"Baxter kanina ka pa nakatingin ng ganyan, may problema ba?" Umiling siya at tumawa ng mahina, tapos lumipat siya ng upo sa tabi ko.

Para naman akong mahihimatay sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Diyos ko.

"Maniniwala ka ba pag sinabi kong gusto kita?" Nagulat ako at nabitawan ko ang hawak kong KAMATIS sa naging tanong niya sa akin.

"B-baxter" Nilapat niya ang isang daliri niya sa bibig ko kaya napatahimik kaagad ako

"Shhhh.. I like you Cleassie Bautista, I hope you like me too" Napakurap kurap ako dahil nangangapa ako ng isasagot sa kanya.

May gusto siya sa akin? He said that he likes me, pero bakit ganito? Akala ko ba okay na sa akin na LIKE lang muna ang mararamdaman niya sa akin?

Bakit gusto ko pa ng mas higit sa like? Gusto ko ng LOVE. Demanding na kung demanding pero dismayado talaga ako.

Okay, he like me. I love him.

"I like you too Baxter Vinagre"

Tiger 1: Baxter Vinagre (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon