CHAPTER 9

37.5K 1K 23
                                    

Cleassie

Habang naglalaro si Cleto ay nakabantay lang ako sa kanya dito sa cottage. Si Baxter naman ay may lakad daw kaya hinayaan ko na, alangan naman pigilan ko. Mula dito ay tanaw ko si Cleto na nagtatampisaw sa mababaw na parte ng dagat. Kay gwapong bata.

Kinapa ako ang phone ko sa bulda dahil nag vibrate. May tumatawag.

"Hello?"

"CF! My gosh! Kamusta? Pasensya ka na at ngayon lang ako nakatawag! Si Vence kasi sobrang busy sa trabaho kaya ako nag aalaga sa kanya!" Napangiti ako ng marinig ko ang boses niya na matagal ng hindi umabot sa tenga ko. Pero dumaan din ang lungkot sa puso ko dahil alam ko na kukunin na niya ang dahilan ng pagpapatuloy ko sa aking buhay.

"Okay lang ako CF, kailan ba?" Tanong ko sa kanya. Medyo matagal bago pa siya sumagot sa tanong ko.

"Next week CF, I'm sorry." Tumulo ang butil ng luha ko at agad ko iyong pinunasan dahil ayokong makita iyon ni Cleto lalo na at nakatingin siya sa akin mula sa dalampasigan.

"It's okay. Nasa vacation pa kami" Pilit kong binubuo ang boses kong sira na dahil sa pag iyak ko. Pinipilit kong huwag mahulog ang mga butil ng luha ko.

"Ah ganoon ba? Okay lang. Basta next week okay? Bye" Pagbaba ng tawag ay hindi ko na nakayanan kaya napaiyak na ako ng tuloyan pero naka talikod na ako kay Cleto.

Ang sakit lang na ang iningatan ko ng apat na taon ay mawawala na sa akin. Ngunit ayaw kong maging selfish kaya hahayaan ko na lamang. Pinunasan ko ang mga luha ko at humarap kay sa dagat. Nakita kong naglalakad si Cleto papalapit sa akin.

"Mommy! Umiyak po ba kayo?" nag aalalang tanong ni cleto sa akin. Umiling naman agad ako at niyakap siya ng mahigpit.

'Balang araw ay maiintindihan mo rin ang lahat ng nangyayari Cleto'

"Tara na anak, kailangan mo na mag bihis kanina ka pa sa dagat, mamaya umitim ka niyan. Gusto mo ba iyon?" Umiling naman siya at umalis sa yakap ko tsaka nag suot ng tsinilas niya.

"Ayaw ko po umitim mommy! Papangit po ako hihihi!" Natawa lang ako kay Cleto, hinawakan ko na ang kamay niya at naglakad na kami patungo sa Beckham Hotel kung saan kami naka check in.

---

Habang naglalakad kami ni Cleto sa hallway ng Hotel ay nakarinig ako ng ungol kaya agad kong tinakpan ang tenga ni Cleto. Grabe naman! Rinig na rinig dito sa labas ang ungol!

"Mom? What was that?" Humarap ako kay Cleto at lumuhod. Itinuro ko ang pinto ng 2245 room.

"Iyan ang room natin, mauna ka nang pumasok at may pupuntahan muna si mommy, okay?" Kahit nag tataka si Cleto ay sumunod pa rin siya sa utos ko.

Ewan ko din ba kung anong pumasok sa isip ko at sinundan ko ang ungol na iyon!



Baxter

Damn this woman!

"Ohh" umuungol siya sa harap ko habang nag sesexy dance at isa isang hinubad ang damit niya. Honestly I don't feel anything when she strip her clothes in front of me. Iba pa rin talaga pag si Clea ang nakahubad sa harap ko.

"Stop what you are doing July. You can't turn me on" Ngumiti siya ng mapang akit at tuloyang hinubad ang bra niya kaya ngayon ay naka panty na lamang siya.

Tss.

"Oh come on Baxter, alam kong nagpipigil ka lang" I just faced her with my famous poker face and cold Aura. I don't know what to do with this fucking girl! Siguro kung ang mga kaibigan kong weirdo ang nakakita ng ganitong katawan ngayon ay maglalaway na agad sila.

Yes, she's sexy but that is not enough para lang mag init ang katawan ko. For me, her body is nothing, compare to Clea's body.

"Qué cosa haces? July?" (What are you doing? July?) I asked her, I need to get out of this fucking room. Baka hinahanap na ako ni Clea at Cleto.

"Don't speak in Latin Baxter. I can't understand you"

"I don't care" Tumayo na ako at naglakad papunta sa pinto. Mabuti nga at hindi na siya sumunod pa, pag bukas ko ng pinto ay nakita ko si Clea sa hindi kalayoan.

Nilalapat niya ang tenga niya sa bawat pinto na madadaanan niya. What is she doing? Naglakad ako palapit sa kanya at hinawakan siya sa balikat dahilan para magulat siya.

"Ay babaeng malandi!" Kumunot agad ang noo ko sa sinigaw niya. What the fuck?

"Babaeng malandi?" Mukha namang nataohan siya kaya agad siyang umayos ng tayo.

"Nagulat lang ako sayo, tsaka may narinig kasi akong umuungol na babae buti nalang talaga at natakpan ko ang tenga ni Cleto ng marinig ko iyon. Saan ka nga pala galing?"

Cleassie

Nag hintay ako sa sagot ni Baxter, inaabangan ko kung ano ang isasagot niya. Alam ko naman talaga kung saan siya galing dahil nakinig ako sa labas ng pinto kanina.

Kasama niya si July, ano namang mapapala ko pag pumasok pa ako ng tuloyan? Masasaktan lang ako. Kaya ng maglakad siya palapit sa pinto ay nagpanggap agad ako na sa ibang pinto ako nakikinig at pati na rin ibang pinto dinamay ko sa acting ako.

"May importanti lang akong pinuntahan" as expected. Yeah I know that he won't tell me na kasama niya si July sa iisang hotel room at ang bruha, ginamit pa talaga ang room na hindi soundproof.

Pinapamukha niya ba sa akin na parausan lang ako ni Baxter? Isinasampal ba niya sa mukha ko ang katotohanang wala namang talagang gusto sa akin si Baxter?

Sa totoo lang, kahit 'I like you' lang ang marinig ko mula sa bibig niya ay okay na ako. Hindi ko naman hinihingi ang 'I love you' dahil alam kong hindi niya iyon maibibigay sa akin.

"Okay" tanging sabi ko sa kanya at naglakad na para pumasok sa room namin. Mainit ulo ko at gusto ko magalit pero naalala ko na wala pala akong karapatan.

Pumasok na kami sa room namin, deretso lang ang lakad ko papuntang kwarto ng hawakan ni Baxter ang kamay ko kaya nilingon ko siya.

"Galit ka ba?" Umiling lang ako at binawi ang kamay, pero hindi pa man ako nakakahakbang ay niyakap na niya agad ako mula sa likoran.

"Baxter, inaantok ako. Gusto ko matulog" Sinubokan kong kumawala sa yakap niya pero mas hinigpitan niya ang yakap niya sa akin kaya wala na akong magawa kundi pabayaan siya.

"Galit ka eh, sorry na kung ano man ang nagawa ko sayo okay? Ayaw kong may galit ka sa akin" God! Alam ba niya na bumibilis ang tibok ng puso ko pag nagsasabi siya mga ganyan? Buti nalang talaga at naka talikod ako sa kanya.

"Inaantok na talaga ako Baxter" Sabi ko tsaka sinubokan ulit na umalis sa bisig niya pero ayaw niya talaga akong pakawalan. Tsk.

"Malapit na mag lunch tsaka ka inantok?" Kung kanina kinilig ako, ngayon galit na ako. Gusto ko mag mura ng mag mura dahil galit ako.

Bakit nga ba ako galit? Ewan! Basta galit ako. Yun lang.

"Kung hindi mo ako bibitawan, aapakan ko talaga paa mo" Galit na sabi ko sa kanya kaya naman agad niya akong pinakawalan at hinarap sa kanya.

"Clea, nag babago ka ng mood. Anong nangyayari sayo?" Nag tatakang tanong niya. Kahit naman ako at nagtataka rin sa mood ko. Bakit nga ba?

"Hindi ako alam. Basta inaantok ako" Naglakad ba ako papunta sa kwarto, at alam kong nakasunod si Baxter sa akin pero hinayaan ko na. Inaantok na talaga ako.

Pagpasok ko ay deretso agad ako sa kama at humiga, narinig ko pa na sinara ni Baxter ang pinto ng kwarto.

"Mi Esposa, ako nalang bahala kay Cleto, mukhang inaantok ka nga" Hindi na ako sumagot at tuloyan na akong natulog, ang huli ko lang narinig ay ang pag tunog ng ringtone ng Phone ni Baxter.

Tiger 1: Baxter Vinagre (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon