Chapter 1

75.4K 1.6K 69
                                    

Cleassie

Lakad dito, Balik doon, kuha ng order dito, lista doon. Iyan ang drama ng buhay ko araw araw dito sa Menoitios Restaurant na pagmamay ari ni Mr.Menoetius Menoitios. Weird diba? Magkatunog ang pangalan at apelyedo pero magkaiba naman ang spelling.

"One Togarashi beef and Daikon Roll, Chicken Satay, Grilled reef fish chilli tomato jam and Tabouleh and Fish curry with brown and wild rice." Hindi makapaniwalang napatingin ako sa babaeng nag order. Siya lang mag isa pero pang apat na tao ang in-order niya?

Hindi na yata normal ang babaeng ito. Hindi ko nalang iyon pinansin.

"Okay ma'am just wait for a couple of minutes." Sabi ko at yumuko sa kanya then naglakad na papunta sa kitchen.

"Mica, ayan oh paki asikaso naman." Mica, Micaella DeAsis. Kaibigan ko since high school at hanggang ngayon.

"Bongga naman ng mag jowang nag order nito balak yata magpataba." namamanghang sabi ni Mica at ibinigay na sa chief ang order tapos ay bumalik siya sa tabi ko.

"Hindi magkasintahan ang nag order noong pagkain dahil mag isa lang ang babae kanina." Sabi ko sa kanya habang kinakalikot ang ibang gamit dito sa loob ng kitchen.

"Talaga? Mataba ba iyong babae?" Umiling lang ako sa tanong niya dahil tamad akong mag salita ngayong araw, wala ako sa mood.

"Edi hanip siya." Sabi lang niya at umalis na sa tabi ko.

Ako naman ay lumabas ulit at kumuha ng mga order ng iba. Pagod na talaga ako pero okay lang dahil ilang minutes nalang ay matatapos na ang trabaho ko.

"Clea! May darating na bisita si Sir Noe, pagbuksan mo daw sila." Nagtaka naman ako sa inutos ni Mica na sumunod pala sa akin dito sa labas.

"Asan ang mga guard? Bakit ako?" Imbes na sagutin ako ay hinablot niya ang hawak kong menu at itinulak ako, buti nalang talaga at magaling ako sa balance.

"Wag na maraming tanong, bilis na doon at baka dumating na sila." Bago umalis ay sinamaan ko muna siya ng tingin pero tumawa lang ang baliw.

Inis akong naglakad papunta sa main door ng restaurant at hinintay ang bisita ni Sir Noe.
Mula dito sa loob ay kita ko ang naglalakihang police dog sa labas ng glass door. Yes Police Dog talaga dahil mahilig sa aso ang may ari ng Restaurant na ito.

Maya maya lang ay may nakita akong pumarada na kotse sa parking lot, mukhang mamahalin iyong kotse at hindi ko naman alam ang pangalan ng sasakyan na iyon. Mula sa loob ay lumabas ang tatlong lalaki na sobrang gwapo!
Pwedeng pakiss mga kuya? Sabi ko nalang sa isip ko dahil ang hot talaga nila! Pwede na akong mamatay dahil nakakita na ako ng mga gwapong nilalang.

Pero ang mas nakakuha ng attention ko ay ang huling lumabas galing sa driver seat, mula dito ay kita ko ang kislap ng mga mata niyang kulay asul, ang katawan niyang sobrang hot, ang mga braso niyang may naglalakihang muscles, ang ilong niyang sobrang tangos, ang mukha niyang sobrang gwapo! Sigurado akong may abs ang lalaking ito. Pandesal na pandesal talaga!

Nagising ako sa katotohanan dahil tumahol ang tatlong Police Dog sa labas ng glass door at handa ng lumapa ang mga ito kaya lumabas ako at nilayo ng konti sa pinto para makapasok ang bisita.

"Ay naku mga Sir, pasensya na po. Sige pasok na ho kayo." Sabi ko sa kanila habang hinihila ko ang kadina ng mga aso. Nakita ko na sobrang irita na ang mukha ng lalaking may asul na mga mata.

"Idiot! Sa susunod na makita ko yang mga asong yan ay ipapatapon ko iyan sa lanfill!" Inis na sabi niya habang nakaduro pa ang daliri sa mga aso. May issue ba sa aso ang isang to? Kung magalit parang ewan eh.

Tiger 1: Baxter Vinagre (Completed)Where stories live. Discover now