Chapter 24

52.3K 757 74
                                    

Chapter 24

Una naming pinuntahan ni Ivan ang Mines View Park at nakanganga lamang ako sa kanya habang manghang mangha siya sa tanawin na naririto. Noong una'y akala ko ay nagbibiro lamang siya na hindi pa siya nakararating rito iyon pala ay totoo. Siya ang makwento sa aming dalawa habang ako naman ay nakahalukipkip lamang at tahimik na nakikinig sa kanya, wala naman akong dapat i-kwento sa kanya. Ano sasabihin ko? Hi Ivan! Ayos naman ako dito sa Baguio may anak na nga pala tayo, actually naglalakad na nga siya ngayon eh. Hay.

Nalaman ko rin kay Ivan na ikinasal na noong isang linggo si Elaine. Good for her, sana naman ay tuluyan na siyang nagtino. Haha. Sayang at hindi man lang ako nakapunta sa kasal niya, siguro'y malaki na ang tampo sa akin ng babaeng iyon. Haha. Si Nathaniel naman raw ay bago pa lamang sa firm ng daddy niya lalo pa't kapapasa lamang nito sa board exam. Isang araw gusto kong kamustahin si Nate, I really miss my bestfriend.

"Alam mo ba ikakasal ulit sila mommy and daddy? Nainggit daw sa parents mo kasi halos taun-taon sila magpakasal." tamad na lamang akong tumango at inaliw ang sarili ko sa panood ng mga turistang naglalakad-lakad rin rito sa Park.

"K-kanina ka pa walang kibo." nahimigan ko ang kaba sa boses ni Ivan. Ewan ko ba kung bakit siya ganito makipag-usap sa akin na animo walang nangyari. Ayoko maging hipokrita, hindi ko kayang makipag-kaibigan sa ex ko. 

Hindi ako bitter, hindi ko lang kayang maging kaibigan ang taong nanakit sa akin. Oo nga't nakalimutan ko na ang pakiramdam na masaktan ng dahil sa kanya ngunit hindi ibig sabihin na kinalimutan ko na minsan sa buhay ko nasaktan ako ng sobra. Hindi ko na alam ang pakiramdam niyon ngunit kada naaalala ko iyong mga panahong wasak ako ay masasabi kong napakasakit niyon.

Sa tuwing pagmamasdan ko ang mukha ni Ivan ngayon naiisip ko nalang na 'Minahal ko ba talaga siya?' Simula ng makabangon ako ay nakalimutan ko na ang pakiramdam na minahal ko siya. Nang makilala ko si Joseph ay para bang bumalik sa umpisa ang lahat, akala ko'y wala na akong maibibigay pa sa kanya ngunit nagkamali ako. Mahal na mahal! Iba itong pagmamahal na nararamdam ko ngayon. Immature pa ako noon at padalos-dalos sa aking mga desisyon, nakadepende ako kay Ivan at baliw na baliw sa kung ano ang mayroon sa amin noon.

Nang dahil na rin sa pagiging dependent ko sa kanya ay kinain ako ng takot. Natakot ako na hindi ko kayanin na may iba siyang kasama, natakot ako na baka hindi ko kayanin kapag nawala siya at natatakot ako na mahulog sa iba at hindi kami ang para sa isa't-isa. Nagawa kong harapin lahat ng takot kong iyon at napatunayan na hindi si Ivan ang buhay ko.

Natutunan ko kay Joseph ang maging kuntento at masaya sa kung ano lamang ang maibibigay ng bawat isa. Hindi nga talaga umaayon ang lahat pag pinilit mo ang gusto mo. Pinilit ko noon si Ivan na maging romantic at sweet ang relasyon namin, sinong mag-aakala na kung kailan hindi ko na iyon hinahanap ay saka darating ang napakalambing kong boyfriend na si Joseph.

"Wala. May iniisip lang. Ano lipat na ba tayo ng Wright Park?" bumuntong hininga na lamang siya at tumango na lamang.

"Tara na." yakag ko sa kanya habang nag-aabang ng jeep na pabalik sa rutang pinanggalingan namin kanina.

"Hindi ka ba giniginaw? Gusto mo sa iyo na muna itong jacket?" aktong huhubarin na niya ang kanyang jacket ng umiling ako. Sanay na ako sa lamig, iyong puso ko ngang binalot niya ng yelo ay hindi ko ininda ito pa kayang hangin na bahagya lamang na humahalik sa maputla kong balat.

"Sanay na ako sa hangin rito, minsan nga'y bumaba pa ang ulap rito. Mas matindi ang lamig rito kapag Pebrero lalo na kapag nasa La Trinidad kami." tumango tango na lamang siya at sinundan ako ng nagpatiuna na ako sa jeep.

TVFN 6 : Between The SheetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon