Chapter 9

75.3K 886 47
                                    

Chapter 9

"Good morning Ma'am welcome to La Formosa Hotel!" masiglang bati ko sa bagong dating na guest. Dito ako kasalukuyang nag OOJT sa La Formosa Hotel. Thanks to Uncle Lyndon! So far so good naman ang stay ko dito sa hotel iyon nga lang madalas ko mapansin na halos everyday ay iba ibang babae ang naghahanap kay Ivan. Babaero talaga!

"Good morning. I'm looking for Ivan Ronquillo." maglagay nalang kaya ako ng placard sa harap ng reception desk kung saan makikita ang penthouse ni Ivan?! Kakairita na ah! Pang ilang babae na ba ang nagtatanong sa akin kung nasaan siya?!! Kaylanding lalaki!

"Ano pong pangalan ninyo?" magalang kong tanong.

"Stella Chan"

"Just a moment Ma'am" naku ngiming taasan ko na ng kilay itong babae na nasa harapan ko ngayon. Umagang umaga! Naka backless at mini skirt lang ang suot niya. Mukhang anak mayaman pero kinulang naman sa tela ang damit. Agad kong dinampot ang telepono at idinial ang number ng penthouse ni SIR Ivan. Tuwang tuwa ang loko pag tinatawag ko siyang Sir. Hindi ko talaga magets ang lalaking iyon. Grr. Makalipas ang dalawang ring ay dinampot na niya ito.

"Morning." I rolled my eyes. Kagabi kasi may kasama din itong babae na umuwi sa penthouse niya tapos ngayon may panibago na naman?! Kadiri! Baka mamaya may AIDS na siya! Eew!!

"Good morning Sir, may naghahanap po sainyo." praktisadong praktisado talaga ang pakikipag usapa ko kay Ivan kahit na naiinis na ako.

"Good morning Sweetheart! Wag mong papasukin iyang naghahanap sa akin. Ikaw nalang ang umakyat dito." napairap na lamang ako. Kung pwede lang sanang hugutin mula sa telepono ang taong kausap ko ngayon ay ginawa ko na pagkatapos ay bubugbugin ko!

"Sweetheart your face. Ano papasukin ko ba o ano?" I hissed. Baka kasi marinig ng kasama kong staff na sinisinghalan ko ang anak ng boss namin. May bahay naman kasi sila Ivan bakit dito pa siya tumitira?! Sinasayang niya ang kuryente't tubig ng hotel!

"Easy! Easy! Ang init naman ng ulo ng baby ko. Hahaha. Ikaw nalang ang umakyat dito at paalisin mo na ang istorbong naghahanap sa akin." kaysa maasar pa ay ibinaba ko na agad ang telepono at nag plaster na naman ng praktisadong ngiti sa babaeng naiinip na ata sa kahihintay.

"I'm sorry Miss Chan pero may hangover daw po kasi si Sir Ivan kaya hindi niya kayo maeentertain ngayon. Maaari daw po kayong mag drop by sa susunod." sa ilang linggo kong pagtatrabaho dito sa hotel ay gamay na gamay ko na kung paano dispatsahin ang mga babaeng naghahanap sa aking boss. Nakita kong napasimangot si Stella at halatang dismayado sa sinabi ko. Sayang naman ang effort niya! Ay effortless nga pala ang pagdadamit niya. Tss.

"Thank you Ma'am, please come again." Nakuuu! Wag na kayo bumalik dito! Hindi naman kumikita ang hotel ng dahil sainyo! Kung sana nag ccheck in kayo kaso hindi e! Gusto kong isigaw yan sa lahat ng mga babaeng pupunta dito para lang hanapin si Ivan. Palibhasa hindi nila afford dito sa La Formosa. Bwisit!

"Good morning Ja! Bad mood ka ata hija?" halos mapalundag ako ng marealize na nasa harapan ko na pala si Uncle Lyndon. Napahawak ako sa pisngi ko at napayuko sa kahihiyan. Pulang pula na siguro ako sa matinding inis. Leche! Kung alam lang ni Uncle na minumurder ko na ang anak niyang lalaki sa isip ko'y baka kanina pa ako napatalsik dito.

"Good morning Sir. Pasensya na po." actually okay lang namang tawagin ko siyang Uncle dito pero siyempre dapat professional.

"Siguro'y inaasar ka na naman ng anak ko. Haha. Pagpasensyahan mo na si Ivan ha? Namiss ka lang nun." kung hindi lang nakaharap si Uncle ay umirap na ko.

"Naku hindi po siguro ako namiss non. Hehe." If namimiss niya ang Little Girl niya ay hindi niya ako tatratuhin ng ganito.

"Siya nga pala maaari ba akong humingi ng pabor sa iyo hija?" agad naman akong tumango. Napakabait kaya ni Uncle Lyndon nakakahiya namang hindian.

"Pakidala naman ito sa penthouse ni Ivan. Ang batang iyon hindi nagpupunta sa opisini hindi ko alam kung ano ang pinagkakaabalahan dito sa hotel. Important documents iyan hija kaya sana gusto ko personal mo itong i-abot sa kanya." gusto ko mang sumimangot ay hindi ko magawa. Makakahindi ba ako?

"Sige po Uncle." nagpasalamat lang si Uncle at umalis samantalang ako naiwang nakatanga. Ayoko na ngang napapalapit kay Ivan! If lalapit man ako ang gusto ko sana kapag tapos ko na ang Nine Shots, Ah Heaven! Ang ganda ng name diba? Haha. Last two shots nalang at matatapos ko na iyon, magagawa ko na din ang plano ko para kay Ivan. Makukuha din kita Ivan Clar Ronquillo.

Huminga muna ako ng malalim bago pindutin ang doorbell. Ilang beses ko pang pinag-isipan if pupunta ba ako dito o hindi. Paniguradong gagawa na naman ng paraan si Ivan para malandi ako at wala akong tiwala sa puso ko. Hay. Kaunting haplos lamang niya'y nagwawala na ito kahit pa sabihing garapalan ang pagpapahayag ni Ivan na SEX lang ang habol niya sa akin at wala ng iba. Siyempre sariwang sariwa pa ako. Bata at virgin. Ivan, if mamahalin mo lang talaga ako buong puso ko iyong ibibigay sa iyo, kahit hindi mo pa hilingin.

Nalaglag ata ang panga ko ng tumambad sa akin ang half naked na si Ivan! Sana hindi niya napansin ang pagpula ng mga pisngi ko. Fresh pa siya galing shower! Tukso layuan mo ako! Basa pa ang buhok niya at ang basa niyang dibdib pababa sa V-Line niya. I gulped! Nanunuyo ata ang lalamunan ko sa matinding init na nararamdaman ko. Pag-angat ng mga mata ko ay nasalubong ko ang mga mata niyang nanunuya. Oo! Bahagya kong nakalimutan ang sarili ko dahil sa makalaglag panty niyang ayos ngayon. Isipin ko palang na walang kahit na ano sa likod ng tuwalya na bumabalot sa kanya ay pakiramdam ko kailangan kong damputin muli ang panty ko sa sahig.

"Satisfied?" nakita ko pa ang loopsided smile niya. Janine on Earth! Janine on Earth! Ilang beses muna akong huminga bago nagkalakas ng loob na ihampas sa abs niya ang isang folder.

"Ehem. Pinabibigay pala ng daddy mo. I-importante daw yan." gusto kong batukan ang sarili ko dahil nauutal ako. Huminga ka naman Janine! Jusko. Nakakabaliw naman kasi si Ivan! Lalo pang nagrambol rambol ang tibok ng puso ko ng tumaas ang kilay ni Ivan. Lahat nalang ba ng facial expressions and gestures niya ay sexy?!!

"Thanks sweetheart." nanunuot sa sistema ko ang mataman na pagtitig ni Ivan sa akin. Animo hinuhubaran niya ako sa paraan ng pagtingin niya. That eagle's eye. Itim na itim ang kanyang mga mata. Mapanganib.

"Aalis na ako." bago pa ko tuluyang mawala sa sariling katinuan ay napagpasyahan ko na lamang na umalis na at bumalik sa reception area. Hindi maganda na mag stay pa ako dito at makipagtitigan kay Ivan. Nanghihina na ang mga tuhod ko sa sobrang tensyon na namamagitan sa aming dalawa. Gosh! Ano ba ‘tong mga pinagsasabi ko. Parang hindi ako isang 18 years old kung mag-isip. Masyadong erotic! Kung naririnig lang ni mommy ang mga naiisip ko ay baka paluin ulit ako noon ng hanger.

Nakakailang hakbang pa lamang ako ay naramdaman ko na ang marahas na paghila sa akin ni Ivan. Bago pa ako maka-apuhap ay nasa loob na ako ng unit niya at nakasandal sa pader. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko ng marealize kung gaano kami kalapit sa isa’t-isa, ramdam ko ang mainit niyang hininga na mas lalo pang nakapagdadala ng kakaibang init at kiliti sa aking katawan. Nagtama ang aming mga mata at kitang kita ko ang masidhing pangangailangan niya. Please bigyan niyo ako ng matinding kontrol. Ilang inch nalang ang pagitan naming dalawa. Kaunting lapit pa niya’y bibigay na ako.

Hindi nga ako nagkamali sa aking iniisip. Binigyan niya ako ng isang malutong na halik sa labi. Nanunukso ang kanyang mga halik na halos mapaungol ako sa bitin. Napakagat ako sa aking labi ng maramdaman ang pagbaba ng kanyang ulo sa aking leeg. Mas lalo niya akong idiniin sa dingding at sinimulan paulanan ng mumunting halik ang aking leeg. Pilit kong pinipigilang pakawalan ang impit kong pag-ungol ngunit hindi ko iyon makontrol. Gusto ko ng sumabog sa ilang boltaheng nananalaytay sa aking ugat sa bawat dampi ng kanyang mga labi sa aking sensitibong balat. Napaungol din si Ivan ng mapahawak ako sa kanyang mga balikat. Baliktad naman! Siya ang nang-aakit! Nang magsawa sa aking leeg ay muli niyang binalikan ang aking mga labi at iyon ang mapusok niyang hinalikan. Nakadikit na ang aking dibdib sa kanyang mamasa masa pa ding dibdib. Nasa kalagitnaan kami ng aming mapusok at naglalagablab na halikan ng mapalundag kami sa tunog ng doorbell.

“ROOM SERVICE PO!” Ivan growled.

“PUCHA NAMAN OH!!

to be continued...

TVFN 6 : Between The SheetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon