Chapter 2

99.2K 1K 40
                                    

Chapter 2

Mabilis na lumipas ang panahon. Marami na ang nangyari, marami na ang nagbago pero hindi ang nararamdaman ko para kay Ivan. Naalala ko pa yung naging reaksyon ko noong malaman ko na umalis na pala siya para sa scholarship niya, noon ko unang naranasan ang first heartbreak ko. Kahit na masama ang loob ay kumuha pa rin ako ng exam sa Malaya University.

Naging maayos naman ang buhay ko sa highschool kahit na alam kong may kulang. Wala akong naging balita tungkol sa kaniya dahil hindi naman niya ako pinagka-abalahan pang kamustahin.

Nakakatampo minsan pero dahil nag-enjoy ako sa mga bagong kaibigan at sa easy-go-lucky na buhay highschool hindi ko napansin na graduation ko na ulit! Haha. Nagkaroon ako ng kaibigan si Nathalia lagi ko nga siyang inaasar kay Nathaniel dahil halos magkamukha sila ng pangalan. Haha. Si Nate ay first year college na dito sa Malaya! At katulad ng daddy niya ay engineering din ang kinuha niyang course. Wala nerd talaga!

Grabe! Akalain mo yun highschool graduation ko na! Dati rati bagong salta lang ako sa Malaya - High School Department tapos ngayon heto gagraduate na ko. Naalala ko tahimik lang ako noon at walang masyadong kilala noong first day of school. Ang awkward grabe! Kung hindi ako sinasamahan ni Nate noon tuwing break and lunch time hindi ko na alam ang gagawin ko. He said na masyado daw akong mature mag-isip kumpara sa mga kaklase ko na may hangover pa daw sa elementary days. Haha. Buti na lang nakilala ko si Nathalia na tahimik din. Nagkakasundo kaming madalas pero para sa akin si Elaine pa din ang bestfriend ko.

Mas naging close kami ni Nate, minsan nga naiinis sa akin ang mga babaeng may gusto sa kanya lalo na yung higher batch. Bakit daw ako papatulan ni Nathaniel e freshman lang naman daw ako at batang bata pa. Tsk. Mas lalo pa nila akong kinainggitan ng maging prom date ko si Nate. Well ganyan talaga. Haha. Pagkatapos noon ay lagi na kaming inaasar sa isa't-isa na para sa akin ay medyo weird! Ugh! Hello! He's my bestfriend! Wala na! Hanggang dun nalang yun!

"Mamimiss kita Ja!" yakap sa akin ni Nathalia ng makalapit siya sa akin. Magsisimula pa lang ang graduation rites at medyo malayo siya sa akin dahil Romualde siya at ako naman ay De Vera. Nakakainis naman kasi in alphabetical order kami!

"Ako din Nathalia! Pero dito ka din naman sa Malaya mag-aaral diba? Please, dito ka nalang!!" pangungumbinsi ko sa kanya. HRM ang balak kong kuhanin na course alam kong di ako papayagan ni mommy dahil ang gusto niya Business Management ang kunin ko para daw mas lalo kaming yumaman. Ugh! Anong magagawa ko? Hindi kaya ng utak ko ang Business Management. Mana lang naman ako sa kanya ng talino. Hehehe.

"Oo naman! Mabuti nalang dito tayo nag highschool kasi ang balita ko hindi na natin kailangan kumuha ng another entrance exam. Haha. Ano nga palang kukuhanin mong course?" nasabi ko diba na tahimik lang kami ni Nathalia? Haha. Madaldal kami pag magkasama.

"HRM. Ikaw?" sasagot na sana siya ng bigla na lamang sumulpot si mommy sa likuran ko.

"Anong HRM ka diyan Champagne! Business Management ang kukuhanin mo! Kailangan mapalago mo pa ang trilyones natin aba! Anong mapapala mo sa luto luto na yan?" naiiritang tanong sa akin ni mama. Humarap na lang ako kay Nathalia at humingi ng pasensya. Minsan talaga may pagka palengkera/eskandalosa si mommy.

"Yun ang gusto ko mommy. Saka hindi ko kaya yung Business Management. Alam mo naman mana lang ako sayo. Medyo mahina ang utak." nakita kong nagpipigil ng tawa si Nathalia at pati ako ay di ko na din mapigilan ang pagbungisngis. Hahaha. Wala nakakatawa kasi si mommy pag naiinis.

"Aba't! Anong ibig mong sabihin mong bata ka?!! Halika nga't lumapit ka sakin at ihahampas ko sayo 'tong Prada ko!" iilag na sana akong natatawang lumapit sa amin si daddy.

TVFN 6 : Between The SheetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon