Chapter 5

91.7K 986 42
                                    

Chapter 5

Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang sundan si Ivan at ang kasama niyang babae. Tahimik lamang ako sa likuran nila habang pinanonood silang magharutan. Mukha akong tanga dito na nanggigilid ang mga luha ko. Ano bang katangan 'tong ginagawa mo Janine? Hay. Kahit na ilang beses pa akong sabihan ni mommy ibang iba yung nararamdaman ko. Please, hindi ba talaga 'LOVE' ito? Kung hindi ano 'tong nararamdaman ko para sa kanya? Huhu.

Sinundan ko sila hanggang makarating sila parking lot. Alam ko mahirap magsawalang kibo at mahirap manahimik kapag nasasaktan ka na kaya naman sasabihin ko na kung ano man yung nararamdaman ko. Hindi ako umaasa na may kapalit yun pero susugal pa din ako. Huminga ako ng malalim at tinawag sila ng buong lakas kulang nalang lumabas na yung tonsils ko.

"Ivan!!" tawag ko sa pangalan niya. Lalong kumirot ang puso ko ng makita ko na nakikipagtawanan pa siya sa kasama niyang babae at ng malingunan niya ako ay agad kumunot ang noo niya.

"J-Ja?" hindi ko na napansin ang pagkataranta niya dahil agad din naman siyang ngumiti.

"Hey Ja! What are you doing here? Hanging out?" nakangiting tanong sa akin ni Ivan pero umiling lang ako at tinignan sila ng matama ng kasama niyang err maganda at sexy na babae. Bigla naman akong nainsecure sa sarili ko. Kumpara nga sa kanila walang wala lang ako para pagtuunan ng pansin ni Ivan.

"Bakit papalit palit ka ng girlfriend? Diba si Jennifer yung pinakilala mo sakin few weeks ago?" inosente kong tanong kay Ivan bahagya akong napangisi ng makitang mamula ang pisngi ng kasama ni Ivan samantalang siya naman ay namutla.

"IVAN MY DEAR. ANO BANG SINASABI NG BATANG 'TO?!" naningkit ang mga mata ko ng tawagin niya akong bata. Ba't naman kasi incoming collge na ako ay mukha pa rin akong high school. ugh!

"Hindi na ako bata! 16 na ko no!" asik ko sa kanya. Kainis ha tumawa pa siya ng nakakainis. Nakaka-turn off naman kita pa wisdom tooth niya kung tumawa!

"Hahahaha! Are you kiddin me?! Well, para sabihin ko sayo 21 na ako! Ano naman pakialam mo bata kung iba na ang girlfriend ng KUYA mo." madiin pa niyang binanggit ang kuya. Honestly, mukha lang ba talaga kaming mag kuya ni Ivan?!

"Stop it April. Wag mo ngang patulan ang bata." mas lalo akong napanganga dahil sa huling sinabi ni Ivan. Hindi ko na tuloy napigilan pang umiyak.

"HINDI NA NGA AKO SINABI BATA!! Mahal kita Ivan! Matagal na! 12 years old palang ako mahal na kita! Hanggang ngayon mahal pa din kita! Hindi na ako bata! Bakit hindi na lang ako?!!" mas lalo akong napaiyak ng umiling si Ivan at halatang hindi siya makapaniwala sa lahat ng mga sinasabi ko sa kanya.

"Ivan! Please get rid that child coz she's getting on my nerves!" utos pa ni April sa kanya habang ako naman ay patuloy pa din sa pag-iyak. Hindi na ata alam ni Ivan ang gagawin niya kaya naman nahilamos nalang niya ang dalawa niyang palad sa kanyang mukha.

"Look Ja, hindi tayo pwede ano ka ba?" alam kong pilit kinakalma ni Ivan yung sarili niya pero halata pa din na naguguluhan siya.

"Bakit siya pwede?! Bakit yung ibang babae pwede?! Bakit ako hindi?!! Bakit?!! Huhuhu." sigaw ko sa kanya. Wala na akong pakialam kung may makakita man sa akin na umiiyak rito na parang tanga. If may namana man ako kay mommy ay iyon ang kakapalan ng mukha niya.

"Ghad Janine! You're only 16 years old for blood's sake! We can't be together!"

"And you don't even have a boobs! Do you think magugustuhan ka ni Ivan?!! Oy bata hindi siya papatol sayo! Damn!" gatong pa ni April sa masakit ng sinabi ni Ivan. Now I get it.

TVFN 6 : Between The SheetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon