♡ freaky 47: Remember me PART 2

1K 56 32
                                    

yun lang ang tumatak sa akin... nakuha ko yung sinasabi ng utak ko pero hindi ko pa rin maintindihan ang lahat.

 at mas lalo akong naguguluhan dahil andito siya

"ano.. ano bang.."

hindi ko pa nasasabi mga dapat kong sabihin nang bigla akong tinulak ni Krypton sa tabi at saka sila tuluyang pumasok sa bahay namin. habang si Eiko umiiyak lang na sumusunod kay Krypton.. dumiretso sila sa sala. ang sakit sakit ng ulo ko. pero nakikita ko ang mukha niya.. ang mukha niya na kani-kanina lang ay nasa screen..

ang mukha na nasa screen, nakita ko na ng personal ngayon.. ang mukha ng taong mahal na mahal ko :'(

kumikirot.. sumasakit nanaman ang puso ko at utak ko..

ano to nagtatalo ba utak at puso ko? ano ba to?!

"arrgghh!" 

napaluhod ako bigla sa sobrang sakit habang hawak hawak ng dalawa kong kamay ang ulo ko. pakiramdam ko lumalaki ang utak ko naninikip sa bungo ko at pakiramdam ko sasabog na ako sa mga sandaling minutong ito.

nagdidilim ang paningin ko, ang gilid ng paningin ko.. pero nakikita kahit papaano ng gilid ng mata ko na nag-aalburoto sina mama at papa, may hawak hawak na telepono.. ang tahimik, wala akong marinig..pero ang mata ko nakafocus lang sa kaniya.. nakikita ko ang mukha niya.. mukha ni Eiko.. naiiyak, halatang nagdadalawang-isip kung lalapitan ba ako o hindi..

ang tahimik ng paligid ko, tibok lang ng puso ko ang naririnig ko..

*ksshh!!

hindi ko namalayan basang -basa na ako.. biglang nawala ang sakit ng ulo ko pero naninikip pa din ang dibdib ko..

tumango ako at tinignan si Krypton na may hawak-hawak na pitsel habang ang mukha niya ay galit na galit.

kinuwelyuhan niya ako at nagsisisigaw sa mukha ko.. 

"ANO BA?! TUMINO-TINO KA NGA!"

"Krypton p-plss!!"

naririnig ko si Eiko.. umiiyak habang pinipigilan si Krypton

"Wala ka bang gagawin? puro ka nalang ba sakit ng ulo?! matapos mo siyang itaboy-taboy?! gago ka ba? wala kang gagawin? luluhod ka lang diyan?!"

sobrang sakit ng puso ko, pero dahil sa lalaking to kumukulo na ang dugo ko. sinuntok ko siya para makawala ako sa bisig niya, napahiga siya sa sahig at agad-agad akong pumatong sa kaniya para hindi siya makawala.. sabay pinagsusuntok ko siya

"Onyx! Pls stop..!!" rinig kong paghahagulgol ni Eiko habang niyayakap-yakap siya ni mama at papa.. pero hindi ko ininda, dahil ang focus ko naman ngayon, etong uhog na ito. sinuntok ko ulit siya

"..gago ka din eh! kung hindi dahil sayo masaya sana kami ni Eiko ngayon! alam mo yung tawag sayo? sa mga taong katulad mo?! isang SULOT! isang MANUNULOT NG SYOTA NG IBA!" 

sinuntok ko ulit siya, sa sunod na suntok ko hinawak niya agad ang wrist ko at tinulak ako kaya napaupo ako sa sahig. agad siyang tumayo at tinulak ako pahiga sa sahig.

"MAS LALONG GAGO KA! KUNG NAKINIG KA SANA SA MGA KAIBIGAN MO! MATAGAL NA NILANG SINASABING SIYA ANG GIRLFRIEND MO! PERO ANG TIGAS TIGAS NG ULO MO! FEELING MO HARI KA! FEELING MO KELANGAN LAHAT NG TAO PAGSILBIHAN KA! HINDI GANUN! HUWAG KANG GANUN! MAHAL KO SI EIKO PERO KUNG GAGANIYANIN MO LANG SIYA, AKIN NA LANG SIYA!"

lalong uminit ang ulo ko! kahit nakahiga ako, sinuntok ko siya ng napakalakas na tipong napa-atras siya at napa-upo bigla sa sahig. sabay tumayo ako sa pinandirian ng tingin itong lalaking ito

"AKIN SIYA. KAHIT PATAYIN MO AKO, AKIN PA RIN SIYA."

yan lang ang binigkas ng mga labi ko... akin siya. akin lang si Eiko.. hindi siya pwedeng maging sayo Krypton.

"PWEDE BA TAMA NA!!!!"

kinuwelyuhan niya nanaman ako at binalak na suntukin..

nagpakawala na ng suntok si Krypton at hindi ko namalayan agad na humarang si Eiko kaya siya ang nasuntok.

sa lakas ng suntok ni Krypton, napa-atras si Eiko at dumiretso ang ulo niya sa may dingding saka tumama ng malakas ang kaniyang ulo..

"Eiko!"

bigla-biglang nawala lahat ng galit ko at napalitan ng sakit..lumuhod agad ako at ginising si Eiko pero hindi na siya magising gising.

nakikita kong natataranta si Krypton pero hindi ko siya pinapansin. kahit gago siya at nasuntok niya si Eiko wala na akong oras para makipagtalo pa sa kaniya.

agad kong binuhat si Eiko at inilabas sa bahay saka isinakay sa kotse ko.

"Anak ako na mag-drive" mangiyak ngiyak na sabi ni mama.

paalis na ang kotse namin, nakita ko na naiwan si papa at Krypton sa may pintuan ng bahay namin at tinitignan kaming lumayo. halatang nagulat si Krypton.

HINDI KO SIYA MAPAPATAWAD.

traffic. ARGH!

"Eiko.."

sambit ko habang pinagmamasdan ang taimtimn iyang mukha na nakahiga sa lap ko

"...Eiko..."

hinaplos haplos ko ang buhok niya..

"..E-Eiko..."

ang sakit.. makita na kung sino pa yung makulit na lumalapit lapit sa akin dati.. ay walang malay na ngayon...

nangingitim na yung cheekbone, noo, at ilong niya...

hindi ko alam kung humihinga pa ba siya...

"Eiko..." mangiyak ngiyak na ako.. hindi ko alam ang gagawin ko...

hinawakan ko siya na para bang isa siyang napakahalagang diyamante na hindi kaylanman madudurog ng sinuman..

pero huli na ang lahat, nadurog ko na siya.. pinung-pino..

hinawakan ko ang pulso niya..

kinabahan ako..

nilapit ko ang pisngi ko sa ilong niya

wala akong maramdaman...tumutulo na ang luha ko..

"Eiko..." malumanay kong sambit

teka isa pa..

nilapat ko ang tenga ko sa dibdib na

... wala akong narinig..

"...E-Eiko..." yung pisngi niya tuluy-tuloy nang nakakatanggap ng mga luha ko

----

halos masiraan na ako ng bait sa mga oras na ito

hindi ko alam ang gagawin ko

...

Eiko..

kung kelan namulat na ako.. saka ka mawawalan ng pulso..

...

Please lang, sana magkaroon ng himala





Meet The WarFreak II [OFFICIALLY ONGOING NA!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon