♡ freaky 48: Pulse

376 25 4
                                    


I am freaking out every damn second. Hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay niya habang itinatakbo na siya sa ER.

"sir dito lang po kayo"

"no" no hindi ko bibitawan si eiko

"sir huwag matigas ang ulo" tinapik ng nurse ang kamay ko at nabitawan ko si eiko saka ipinasok na nila si eiko sa loob

naiinis ako, nanggagalaiti ako, sinipa ko yung dingding at nagpakawala ng sigaw. alam kong madaming nakatingin sakin pero pakealam ko ba?!

halu-halo ang galit at poot ko at hindi ko na alam kung anung gagawin ko

umiikot nanaman ang mundo ko

..Eiko 

"argh!"

nagulat nalang ako na may dalawang nurse sa magkabila kong braso ang pumipigil sakin.

"sir calm down!" sigaw ng isa

"bitawan niyo ako!"

"ONYX!" rinig kong sigaw ni tita, kagagaling lang sa pag-park ng kotse

"bitawan niyo nga siya!" nag-aalburotong pinagtatapik ni tita mga kamay ng dalawang nurse sa akin.

maya-maya may lumapit na doctor sa harap ko at masinsinan akong pinagsabihan

"ayaw na ayaw kong nanggugulo ka sa loob ng ospital ko, lumabas ka muna"

sa mga mata niya naalala kong siya ang doctor ko noong andito ako sa ospital matapos ang aksidente noon. dahil malaki ang respeto ko sa kaniya at kahit galit na galit ako, tinitigan ko nalang siya ng masama at tuluyang lumabas ng ospital, papunta sa may front garden.

ang mama ni eiko naiwan sa loob at kausap yoong doctor

kumukulo nanaman ang dugo ko nang maalala ko si krypton, tatakbo na sana ako pauwi pero may biglang tumapik sa balikat ko

"..at san ka pupunta?"

nilingon ko siya.. pero sino to?

"sino ka?"

ngumisi lang siya, asar to dumagdag pa sa init ng ulo ko eh! 

"I'm Mars"

--------------------

"Sinaktan mo si Eiko, tapos mag-aasta kang parang ama niya?"

pinunta niya ako sa may malapit na cafe para mag-usap. hindi ko maalala tong lalaking ito eh, pero pag-ngisi niya palang na parang nang-aasar kumukulo nanaman dugo ko

"Masyado ka na atang mainitin, epekto ba yan ng amnesia mo"

sabay tawa. aba gago to ah

"ano bang problema mo?" tumayo nako at aalis  na sana pero bigla niya akong hinila sa braso at pinaupo. Nagulat yung mga waitress at customers, sinubukang lapitan ng waitress etong kumag na to pero tinignan niya lang ng masama eh napa-atras na yung babae.

"huwag na huwag mo akong tinatalikuran Onyx" kita ko sa mata niya na may tinatago siya, bigla niyang nilingon ang mata niya sa labas ng cafe, sinundan ko yung tingin niya at nakita ko yung kotse sa labas..

pakunti-konti naliwanagan yung alaala ko sa gabi na nag-away kami ni Eiko habang umuulan, kumulo dugo ko at nanginginig nako sa galit, akma ko na sana siyang susuntukin

"Kasala---"

hinawakan niya ng mahigpit ang leeg ko nang nakatayo na ako, nag-aalburoto na yung mga tao sa paligid at rinig kong tumawag yung manager ng security

"Tandaan mo to, akin si Eiko. at gagawin ko lahat, para kamuhian ka niya"

nang may marinig nang sirena ng pulis, agad niya akong binitawan at lumabas saka sumakay ng kotse niya at umalis..

hinimas ko yung sinakal niya sakin na namula..

hinding hindi ko siya ibibigay sayo.

----

pagbalik ko sa ospital, nadatnan kong nag-aalburot si nanay at nagwawala yung doktor. pinapagalitan yung mga nurse at staffs.

tiningnan ko kung saan dapat nakalugar si Eiko pero tanging unan at kama lang ang nakita ko. biglang nanlamig buo kong katawan at lahat ng ingay sa paligid ko tila ba nawala. Nawawala si Eiko, may kumuha kay Eiko

walang pasintabing tumakbo ako palabas at saktong nakita ko yung kotse ni Mars na papalabas ng Hospital gate. 

"Eiko!!!"

hinabol ko ng hinabol yung kotse hanggang sa dumating sa main road, tinakbo ko kahit alam kong may mga bumubusina nang kotse sa likod ko

"Eiko! argh! Magbabayad ka Mars!"

tanging pagsigaw at pagtakbo lang nagagawa ko sa mga sandaling iyon habang binabasa yung plate number.. sunog na sunog na yung lalamunan ko pero ayaw ko pa rin pa-awat.. palayo na sila ng palayo. Hindi ko namalayan nakahiga na ako sa semento at tuluy-tuloy ang daloy ng luha ko habang nakatingin sa langit. Mga bumubusina at mga pulis naka-antabay sa tabi ko kinakausap ko pero tila ba wala akong marinig dahil pulso ko lang kumakausap sakin.

Too much.

This is too much to handle.

Too much.

Umupo ako at saka ko napansin na kay dami na ng taong nakapaligid sakin. 

vinivideo-han, tinititigan.

wala silang alam sa nararamdaman ko.

nagsimula nakong tumayo, at naglakad pabalik sa ospital.

Meet The WarFreak II [OFFICIALLY ONGOING NA!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon