♡ freaky 42: far from him

964 59 4
                                    

EIKO'S POV

si bagyong Maring...lumabas ng ng bansa

at ngayong umaga?

maaraw na 

umalis ako ng bahay na mugto mugto ang mga mata kakaiyak

sobrang laki na ng utang na loob ko kay Krypton, nagsilbi siyang sandalan ko sa pag-iyak iyak ko noong nakaraang araw..

hindi kasi ako pinapasok ni Krypton sa trabaho kahapon, nagpumilit akong pumasok kasi para lang sa pag-iyak ko ie-excuse na niya ako..baliw talaga.. pero sobrang mapilit siya, kaya ayun, nag-stay lang ako sa bahay kahapon..nagmumuni-muni tungkol sa future namin ni Onyx

kinuwento ko kay Julie yung nangyari noong nakaraang araw, sabi niya kung sakali daw huwag ko munang dalawin si Onyx para wala munang gulo..

tama nga si Julie, siguro hayaan ko munang makapag-isip si Onyx

naglalakad lang ako sa gilid ng kalsada nang may tumigil na kotse sa may gilid ko

"Eiko!" bungad ni Krypton sa may bintana ng kotse niya

agad ko siyang nilapitan

"sakay na.."

"naku hindi na po, maglala---"

"i insist.."

aba ewan ko nalang, sumakay na ako sa may front seat sa tabi ni Krypton..

walang nagsasalita sa amin habang nagd-drive siya..

medyo awkward kasi pinuyat ko siya noong nakaraang araw..nag-sorry ako, sabi niya okay lang naman daw basta sa susunod ayaw na daw niya makitang umiiyak ako

at ayun, nung tinawag ko siyang 'sir Krypton' at nag-'po' pa ako sa kaniya, nagalit kitdi siya, sabi niya saka ko lang daw isya tawaging ganun kapag work hours, pero kapag hindi eh yung normal lang na tawag ko sa kaniya na 'Krypton'

..

wala namang gaanong nangyaring maganda sa trabaho ko

wala kasi ako sa mood

eh bakit wala ako sa mood?

simpleng sagot: HINDI KO NAKITA SI ONYX KAHAPON AT NGAYON. titiisin ko munang hindi magpakita sa kaniya...

..

matapos kong mag-analyze ng climate kasama si Jep,

bumuntung-hininga ako at saka lumabas ng analysis room...

may bagyo nanaman kasing paparating, at ang bagyong ito, mabagal ang takbo pero mukhang magiging malakas kasi hila-hila niya yung hanging habagat..

pinasa ko na yung paperworks kay sir Krypton..ini-vite niya akong mag-dinner, pumayag ako..siyempre he comforted me that day when i cried the most (if you remember), kahit sa simpleng kumain kasama siya makakabawi na ako..ang laki na ng atraso ko sa kaniya..nahihiya na nga ako eh, He told me he liked me, pero he still accepted the fact na si Onyx talaga ang mahal ko..bihira na ang mga ganung lalaki,

pero since 7pm naman daw kami magkikita, uuwi muna ako

nagpaalam na ako sa mga officemates ko, kitang-kita na pati sila nag-aalala sa akin...

hindi naman maiiwasan ang ganun eh

..hayy

nami-miss ko si Onyx..kamusta na kaya siya?

dahil 3pm pa lang naman..tinamad akong umuwi sa bahay, naglakad lakad nalang ako dito sa park..

andami na din naming memories dito..

Meet The WarFreak II [OFFICIALLY ONGOING NA!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon