♡ freaky 53: Bundok ng Mayrosa

321 19 3
                                    


"Ah teka medyo malayo layo pa tong hinahanap niyo, pero kung susundan niyo yang ilog na yan padaloy pababa, yung unang mga kabahayan na makikita niyo, yon na yung baryo ng Mayrosa"

"salamat salamat" 

tinupi ni papa yoong mapa na hawak niya at saka nakipag-kamay sa matandang babae na nakaupo sa may tabi ng isang puno. mahigit isang oras na rin naming tinatahak ang kagubatan ng Mayrosa nagbabakasakaling may malapit na bahay o kaya baryo.

nagpatuloy kami sa paglalakbay pero bigla nalang napaupo si Julie sa daan

"haay! kapagod! pahinga muna tayo please"

sabay na tumabi sa kaniya si Ched at halos humiga na sa sahig ng putik sa daan

"siguro pagbaba natin ng bundok, kalansay na ako sa dami ng fats ko na nasunog.. sobrang init!"

"sige pahinga muna tayo" ani ni papa, umupo na din si papa sa may ilalim ng puno at saka uminom ng dalang tubig.

habang namamahinga sila, naglakad lakad ako saglit at may natuntong ako sa hindi kalayuan na parang bahay

"papa! may bahay don! yun na ba yung baryo?"

napatayo sina papa, at lahat sila lumapit sakin sabay tinignan yung tinuturo kong bahay

"pero malayo yang bahay sa ilog na sinusundan natin" ani ni Julie

"oo nga" agree naman tong si Ched

hindi ko sila pinansin, at tuluy tuloy akong lumapit sa may bahay.. hanggang sa napansin kong nag-iisang bahay lang ito.. may bubungan, yung mga silid ay gawa lang sa bricks, parang bahay na hindi natapos.

"tao po..?" dahan dahan kong binuksan yung pintuan na yero, maingay ang pagkabukas kaya nagulat ako nang may biglang lumipad papalabas na ibon..

walang tao

diretso akong pumasok at napansin ko na abandonado ang bahay na ito

"Onyx..?" narinig kong papalapit na din sina Ched

"Aaaahhhhh!!!"

napalingon ako sa gulat.. sino yon, may sumigaw.. pinakiramdam ko.. kung saan nanggaling..

"Wala kapitbahay dito! gubat to! kaya sumigaw sigaw ka lang! wala kang mapapala! " 

Sino yon? lumingon lingon ako, pinagmasdan ko ang loob ng bahay..walang tao,, mukhang wala namang nakatagong pintuan..

"Onyx!" bumalik ako sa tamang pag-iisip ko nang tinapik ako ni papa sa balikat

"Anong nangyayari sayo?" sa mukha nilang tatlo bahid ang pag-aalala

"may nakita ka ba o ano? natakot ako bigla, basta basta ka kasi lumilingon tapos pinagpapawisan ka pa, parang sinaniban" ani ni Julie

sino kaya yon.. si Eiko ba yon.. parang boses niya yung sumigaw eh..

"pwedeng lumabas muna kayo?"

hindi naman sila prumotesta at lumabas agad..

naniniwala ako na ang mga narinig ko ay hindi gawa gawa ng utak ko.. malakas ang pakiramdam ko sa mga ganitong pangyayari. inobservahan ko ang paligid

ang nakapag-tataka.. magulo. yung kumot nakahilata mula sa kama hanggang sa sahig. may mga natumbang gamit. may mga bahid ng pakikipaglaban o kaya gustong lumayo sa isang nakakatakot na nilalang.

agad akong lumabas ng bahay at nagulantang silang tatlo na napalingon sakin

"okay ka lang?"

Meet The WarFreak II [OFFICIALLY ONGOING NA!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon