Chapter 4: A Change In Margarette's Life

6K 95 36
                                    

Chapter 4: A Change In Margarette's Life

Just_Chals_96: ito ang gabi ko, matatalo kita ngayon!

Lakas loob kong tinayp sa keyboard sabay enter. Hindi ako papatalo sa Ironic_Volvo na yan. Wala syang alam na ang taong kinakalaban nya, kaya syang talunin dahil sa mga nalalaman nitong hindi nya alam. Pasalamat sya hindi ko pa alam kung sino talaga sya, dahil kung alam ko na kung sino sya siguradong malalaman ko rin ang teknik na ginagawa nya. Hindi lang sya, kung hindi ang buong UFC.

Ironic_Volvo: talaga? Weh? Sige nga, patunayan mo!

Biglang nagminimize ang chat box, hindi ko namalayan na bigla na lang natamaan ang character ko ng isang malakas na putok mula sa baril na gamit ni Ironic_Volvo. Patay, umaarangkada na sya!

“Hoy Chalstine, huwag mo na kasi syang ichat. Kung ako sa’yo dapat niratrat mo na eh! Bahala ka na nga, magpapataas na lang ako ng level!” inismiran ako ni Steven pagkatapos akong sermunan.

“Oo nga Cha, ikaw na lang ang natitirang mababang level sa atin. Kung ako sa’yo, galing-galingan mo naman.” Dagdag naman ni Aaron.

“Kaya ko ito! Matatalo ko rin yang Ironic_Volvo na yan!” mas inayos ko ang pagupo, kapag sinabi kong mas maayos kailangan ang dalawang paa ko nakatungtong sa upuan.

“Nakanangs! Bumwebwelo pa! Hahahaha!” biglang tumawa ng malakas si PJ, dahilan para lahat silang apat magtawanan ng mas malakas.

Hindi ko na lang sila pinansin. Ang mahalaga ngayon, makapaguwi ako ng magandang balita kay Kuya D mamaya pagdating ko sa bahay para hindi ako pagalitan. Kailangan magbunga ng maganda ang clash na ito ngayong gabi.

Gagawin ko lahat, ubusan na ng bala kung kinakailangan. Pati ang pinakamatindi kong armas na hiningi ko kay Kuya Dustin, gagamitin ko na rin kung sakaling magkaubusan na ng lahi.

Pero hindi pa rin ako nanalo. Ako na naman ang tampulan ng tukso ni PJ.

“Ano ba yan Cha?! Hindi ka na naman nanalo kay Ironic_Volvo eh. Alam mo, masusuya na yan na kalabanin ka. Sayang ang pagkakataon kaya dapat kapag ganyan ginagalingan mo eh.” Sermon sa akin ni Steven.

“Basta ako masaya ako nakapagpalevel ako! Yes!” abot tenga ang ngiti ni Dave.

“Oy teka! Isang buwan na lang mula ngayon, gaganapin na yung annual meet up! Oh pupunta tayo ha!” halos idikit na ni PJ ang mukha nya sa screen ng monitor. Binabasa nya ang iba pang detalye ng meet up.

“Ibig sabihin, may isang buwan pa tayo para talunin ang UFC! Buwahahaha!” sumigaw ng malakas si Aaron, nagtinginan ang lahat ng nasa computer shop.

Hinayaan ko na lang sila. Nalulungkot kasi ako. Paano ko maipagmamayabang kay Kuya D na natalo ko ang pinakasikat at pinakamaepal na member nila kung hindi naman yun nangyari ngayong gabi? Siguradong sa pagbabalik ng mga kaibigan nya sa bahay namin, magyayabang na naman sila.

"Chalstine, Log In!" (Completed)Where stories live. Discover now