Chapter 52 - Close enough

40.4K 693 23
                                    

Khiara's POV

Apparently todo effort sa pagtatrack sa mga office dito sina Zhane at Kyle. Kame ni Red at Cyrus todo lista sa lahat ng possible na may galit samen.

"So hahanapin tong mga to at papa-aminin if sila ang nagpa dala ng sulat na yon?" tanong ni Cyrus

"Kaso sigurado ngayon pa lang nag-iingat na yung mga nagpadala ng sulat at nagtatago na" saad ni Red

"Unless they're amateurs" singit ko naman

"Think positive dapat, ano ba guys! Kaya naten to!" pag eencourage ni Cyrus

"Tama tama" sabi ko

  Naglista agad kame ng mga tao na posibleng may galit saakin at kay Red. Na nasa pilipinas of course di namin isasali yung nay galit kay Red na nasa Japan like duh.

Habang abala kame sa pag bebrainstorm lumapit naman sina Zhane at Kyle.

"Ano nangyare sa pang gagalugad niyo?" tanong ko

"So far... no accomplishments... you see pinuntahan na namen lahat and according to them wala nagpadala ng letter sa address nyo, so chances are.. either binayaran nila yung office ng courier para wag sabihin na nagpadala sila orrrr yung mismong nagpadala ng letter at nagdala din dito sa inyo" sabi ni Zhane

"Napagod ako" yun lang nasabi ni Kyle

"After namen maglista dito kain tayo sa labas, baka makakita tayo ng signs or something" sabi ko

"Oh ano pa hinihintay mo? Bilisan mo na maglista jan Khiara" pabirong sabi ni Zhane

"Eto na eto na tsk ito talaga oh" nagsulat na ulit sila samantalang si Zhane at Kyle ay nakatulog sa sofa

"Tingin ko kamo.. pwede sila magkatuluyan" I blurted out

"Tingin ko din.. bagay naman sila ehh" sabi ni Red habang nag iinat-inat

"So ganon, ako lang walang ka loveteam dito?" pout ni Cyrus

"Ugh wag ka magpa cute, hindi na bagay tulad nung date!" sabi ko at hinampas ng unan si Cyrus

"Haha joke lang, wag ka maingay baka magising mo yung dalawa" saway ni Cyrus

"Bahala ka jan" sabi ko at nagpatuloy magsulat

After maglista ng mga pangalan nag inat kameng lahat at nagpalagutok ng knuckles. Nangalay kame ehh.

Dahan dahan kong ginising si Kyle.. samantalang kay Zhane.

"Hoy babae gumising ka" sinipa ko yung paa niya

"Ugh ayoko" at tumihaya pa ang loka

"Kanina atat na atat ka kumain tapos ngayon ayaw mo? ano ba? iiwan ka namen" banta ko

Sa kasamaang palad hindi sya nagpatinag, aba humahagok pa. Sakto, dumating si Kyle.

"Psst Kyle paki gising nga tong bruha na to, ayaw nang sumunod saken" paki usap ko

"Umm sige" dahan dahan syang lumapit at umupo sa tabi ni Zhane

"Psst gising na Zhane, diba gusto mo kumain? kakain na tayo" dahan dahan na niyugyog ni Kyle si Zhane

"Ugh, wait lang" nag inat inat si Zhane at bumangon

Tiningnan ko nga ng masama, aba ako na bestfriend niya sa matagal na panahon ipagpapalit niya lang sa isang lalake?! Hayy nako Zhane tsk tsk. Bumaba na agad ako at sinamahan si red don.

"Nasan si Cyrus?" tanong ko

"Ewan ko don, baka nagluluksa siya lang walang sa loveteam" biro ni Red

"Si Vanessa haha" joke ko din

"Ilang araw nang hindi napunta si Vanessa dito ahh, tsaka si Fifi mula nung sinabi namen na hindi na tuloy ang kasal wala na din tayo communication sa kanya" sabi ni Red

"Siguro talagang di siya sanay sa mga bayolente na bagay" sabi ko

At sa wakas bumaba na mula sa taas sina Zhane at Kyle,  nag kukusot pa ng mata si Zhane at nahikab hikab. Si Cyrus naman galing pala sa kusina mukhang balisa din siya.

"Ok ka lang?" tanong ko

"O..oo" sabi niya

"Tara na!!" yaya ni Kyle

Umalis na kameng lahat at nagpunta sa isang random restaurant na hindi ko babanggitin ang pangalan kase baka sumikat lang to dahil samen.. joke haha.

"Nawala ata gutom ko" sabi ni Zhane

"nawala gutom mo? oh ikaw magbayad ng oorderin namen ha" sabi ni Kyle

"Joke lang haha gutom na gutom nga ako ehh, kaya ko umubos ng isang buong baka" sabi ni Zhane

"Bahala ka nga jan, ang weird mo ngayon" sabi ni Kyle

Tahimik lang kame nina Red at Cyrus. Nararamdaman ko na parang may kakaiba kay Cyrus ngayon.

Umorder lang kame at kumain, si Zhane at Kyle patuloy sa pag-iingay. Inilapit ni Red ulo niya sa tenga ko.

"Ok ka lang? ang tahimik mo ngayon?" nag aalala niyang tanong

"Kase.. parang may mali ehh.. si Cyrus kase.. ang tahimik.." sabi ko

Nakatingin pala si Cyrus samen habang nag-uusap kame tapos bumuntong hininga sya.

"Guys may sasabihin ako.." sabi ni Cyrus

Natahimik si Zhane at Kyle, bihira kase maging kalmado si Cyrus.  Parang may malaking balita siya na papasabugin.

"May nag hint sakin kung sino ang posible na nagpadala ng sulat..."sabi niya

Napahampas sa lamesa si Zhane.

"SINO?!" sigaw nyia

Napatingin tuloy lahat ng tao sa amin. Sinenyasan namin si Zhane na tumahimik.

"Sorry.. sorry, ano sino daw?" bumulong naman ang loka jusko

"Kase ano... si ano pala" panimula ni cyrus

"H..hi po.. kayo po si Jared diba..." may lumapit na babae samen

"Umm.. oo?" sagot ni Red

"Pwede po ba magpapicture at autograph?" nahihiya niyang tanong

Sinalampak ni Zhane ang ulo niya sa table samantalang si Red ay naguguluhan.

"Ano ngapala pangalan mo?" tanong ni Red

"Allyssa Timbol po" sabi niya

matapos magpapicture ng fangirl na si Allyssa ay lumisan na ito.

"Ano nga ba sinasabi ko?" tanong ni Cyrus

"Malay ko sayo" sagot ko

"Ahh si ano kase..." panimula nanaman ni Cyrus

"Hello po" may sumingit nanaman

-----


timboliskiiii ayan na interaction nyo ni red ha :3 happy? haha sa mga nagrerquest mg interaction dedication chuchu wait lang kayo ha :) HAHA byeee ang init phew 

-eyysarmi

(omg haha lab you allyssa)

THE NERD IS A SECRET GANGSTER PRINCESS?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon