Chapter 6 - Ikaw Na Naman!?

66 1 0
                                    

Lumipas ang ilang mga araw at hindi pa din kami nagpapansinan ni Pauline. Alam kong galit din siya sa akin. Buti na lamang at nandiyan si Camille upang saluhin siya sa mga panahong wala ako sa tabi niya. Marami naman akong kaibigan sa klase kaya hindi problema sa akin kung hindi kami nagpapansinan ni Pauline. Minsa'y nakita ko si Pauline na umiiyak, gusto ko siyang lapitan pero mas nangingibabaw ang pride ko. Baka nag-away sila ng boyfriend niya kaya siya umiiyak o baka naman hiwalay na sila. Ayaw ko naman mag-isip ng masama tungkol sa relasyon nila. Gusto ko din namang sumaya si Pauline. Ilang linggo na lang at matatapos na ang unang taon namin sa hayskul. Pero ayaw ko pa ding magbati kami. Tumagal ng tumagal ang away naming dalawa hanggang sa matapos ang unang taon namin sa high school.

Summer na at wala pa din akong balita sa kanya. Ayaw ko siyang itext. Baka sabihin pa niya na namimiss ko siya. Hindi naman ako ang nang-away sa kanya eeh. Inaway niya ako at pinagsalitaan ng mga masasakit na salita. Bahala siya sa buhay niya. Kahit na miss na miss ko na siya ay hindi ko siya papansinin. Minsa'y nakita ko si Pauline malapit sa basketball court pero hindi niya ako nakita, siguro isa sa mga naglalaro doon ang boyfriend niya. Hindi na din ako nagtagal at baka makita pa niya ako.

Natapos na ang summer at panibagong taon na naman ang aming kakaharapin. Hinihiling ko na sana'y hindi na lang kami magkaklase ni Pauline. Ang babaw ng pinag-awayan namin pero pinairal kasi namin ang pride namin kaya siguro ganito kami. Excited akong pumasok kahit na mag-isa lang akong papasok at uuwi ngayon. Bagong mukha naman sana ang bumungad sa akin. Sa likuran ako umupo para cool. Kadalasan kasi ng mga nakaupo sa likuran eh yung mga maiingay at malalakas ang trip na estudyante at aminado naman ako na isa ako sa kanila. Wala akong nakikitang bakas ni Pauline sa klase ng biglang dumating ang adviser namin na si Ma'am Marquez. Sa wakas! Magsisimula na ang klase at wala pa ding bakas ni Pauline sa classroom na ito.

Maingay ang klase. Kakaiba ang mga kaklase ko ngayon. Lahat sila magugulo, si Ysa na akala mo lalaki dahil mahilig makipag-away, ang lakas ng boses at nananapak. Nandiyan si Angelica na sobrang tahimik at iisipin mo na nerd pero nagulat na lang kaming lahat ng bigla niya kaming sawayin dahil sa sobra naming ingay. Busy ang lahat sa pagnonominate ng class officers ng biglang may umupo sa tabi ko at hingal na hingal. Bigla niya akong kinalabit at tinanong kung nagturo na ba, tiningnan ko ng mabuti kung sino at biglang nagbago ang mood ko, tama ka, si Pauline. Nagulat din siya nung nakita niya yung mukha ko at sabay kaming napasigaw ng, "IKAW NA NAMAN!?" Halatang-halata na naaasar din siya. Akala ko magiging maganda ang first day ko ngayong 2nd year pero hindi pala. Si Pauline pa ang nakatabi ko at higit sa lahat, isang taon na naman kaming magkasama.

Kahit na magkaklase kami ni Pauline ngayon ay hindi pa din kami nagpapansinan kahit na magkalapit lang ang aming upuan. Nagtataka na din ang iba naming kaklase kung bakit hindi kami nagpapansinan 'di gaya ng dati na halos araw-araw kaming magkasama. Nakakasawa din pala. Akala ko dati kaya kong makipagkaibigan sa kanya ng pangmatagalan pero hindi pala. Nakakasawa din pala talaga siyang maging kaibigan. Nagsisisi tuloy ako kung bakit ko siya pinagtanggol noon.

Kakaiba ang taon na ito para kay Pauline dahil pabaya talaga siya sa pag-aaral niya. Mas inuuna niya ang paglalaro ng badminton at pagcucut ng klase. Kung maraming naiinis sa kanya noon, mas marami na ngayon. Lagi din itong hindi nagpapasa ng project. Nag-iba si Pauline ngayon. Hindi ko na talaga siya kilala. Nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sina Ysa at Pauline dahil sa madalas na hindi pagpasok ni Pauline. Si Ysa ay isang palaban na babae at ipaglalaban niya talaga kung sino at kung ano sa tingin niya ang tama.

Ysa: Ikaw! Huwag kang magmataas diyan dahil kung hindi lang ikaw player ng badminton eh matagal ka ng nalaglag sa section na 'to! (sabi ni Ysa kay Pauline)

Hindi na nakaimik si Pauline dahil alam kong ayaw din niya itong patulan. Alam niyang mas lalaki pa kapag pinatulan niya si Ysa dahil hindi talaga ito nagpapatalo.

Kahit na hindi maganda ang image ni Pauline sa bago naming section eh nagkaroon pa din siya ng mga kaibigan, at isa na dito si Kim. Sweet at parang bata si Kim. Hindi palaaway itong si Kim kaya magkasundo talaga sila. Magkatabi rin sila sa upuan kaya hindi naging mahirap ito para sa kanilang dalawa. Kung naging kaklase lang sana namin si Camille eh mas hindi mahihirapan itong si Pauline. Inaamin ko, may konting pag-aalala pa din ako para kay Pauline. Ayaw ko kasi ng sinasabihan siya ng kung anu-ano. Mas kilala ko kasi si Kim kaysa sa kanila. Alam ko may rason kung bakit siya nagkakaganyan. Gusto ko siyang kausapin pero parang hindi pa ito ang tamang oras.

Minsa'y nagkabanggaan kami ni Pauline sa canteen. Napangiti siya at pakiramdam ko'y gusto niya akong kausapin. Gusto ko din naman siyang kausapin. Kaya sabay na kaming umakyat papuntang classroom. Hindi kami nag-uusap. Matapos ang pagsasabi namin ng "Hi!" sa isa't-isa ay doon na natapos ang aming usapan. Umakyat at pumasok kami sa classroom ng magkasama pero wala kaming ibang nabanggit kundi ang "Hi."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 17, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

First Love Never Dies But It EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon