Chapter 4 - Intrams/Perya

80 1 2
                                    

Umaga pa lamang ay nakahanda na ako para sa nalalapit na Intrams ng aming paaralan. Sabay-sabay kaming pumasok nila Pauline at Camille. Nagjojogging papuntang school at nagwarm-up agad pagdating namin. May halong kaba akong nararamdaman. Alam ko naman kasi sa sarili ko na hindi ako kasing galing ng iba sa badminton. Si Pauline, praktisadong praktisado siya dahil na rin sa ate niya na player ng badminton.

Nagsimula na ang laban at ako ang unang sumalang. Kalaban ko si Ferdinand, malakas siyang pumalo at mukhang agresibo talaga siyang manalo. Hanggang tatlong set lang ang laban, kung sino ang manalo ng dalawang set, siya nag makakakuha ng gintong medalya. Sa unang set, panalo ako dahil puro outside ang tira ni Ferdinand. Sa ikalawang set, nagseryoso na si Ferdinand. Ang lalakas ng palo niya at puro smash papunta sa akin kaya hindi ko magawang labanan, natambakan niya ako.

2 minutes break muna bago magsimula ang 3rd set. Biglang lumapit sa akin si Pauline at bigla akong binatukan, "Hoy! Ayusin mo yan! Dapat manalo ka! Labanan mo yung mga smash niya sa'yo. Huwag mong hayaan lang!" (Sabay punas sa tumatagaktak kong pawis sa mukha) Nagsimula na ang huling set. Kailangan manalo ako dito. Nilabanan ko ang bawat smash ni Ferdinand gaya ng sabi sa akin ni Pauline. Nawawala na din si Ferdinand sa sarili niya at ang iba mga tira niya ay outside na. Dikit na ang score naming dalawa. Isa na lang panalo na ako at isa na lang din panalo na siya. Ako ang magseserve at nilakasan ko ang aking palo. Kitang-kita ko ang kaba sa mga mata ng mga ka-team ko. Hinabol ni Ferdinand ang shuttle cock ng hindi namin namalayan na outside pala ang tira ko. Panalo si Ferdinand. Nalungkot ako. Isa na lang at panalo na ako. Sayang.

Umupo akong malungkot. Simula na ng susunod na laban, doubles. At wala ako sa mood para manuod. Iniisip ko ang nangyari kanina. Lumapit sa akin si Camille.

Camille: Justin, okay lang yan. First time mo 'to kaya huwag mo sisihin sarili mo. Ang galing mo nga eeh!

Justin: Salamat Camille! Nanghihinayang lang ako. Isa na lang kasi! Muntikan na akong manalo.

Camille: At least, you did your best. Puwede na yun. Ngumiti ka na diyan, aawayin ka ni Pauline kapag nakita ka niyang nakasimangot.

Justin: Asan nga pala si Pauline? Bakit bigla siyang nawala?

Camille: Hindi ko din alam eeh. Sige Justin, wait lang ha? Magprapractice muna ako. Huwag ka ng malungkot diyan, okay? Smile.

Nasaan kaya si Pauline? Bakit bigla na lang siyang nawala? Hmm. Dumaan muna ako sa canteen para bumili ng maiinom. Maya-maya ay tapos na ang laban ng Single - Girls. Susunod na sila Pauline at Camille pero wala pa din si Pauline. Nagtataka kami kung bakit wala pa din siya at si Camille naman ay mukhang alalang-alala. Bago magsimula ang laban ay dumating na itong si Pauline ay mukhang hingal na hingal.

Justin: Pst. Saan ka nanggaling ha? Bakit hingal na hingal ka? Kayo na kaya ang susunod.

Pauline: Ah, wala. May pinuntahan lang ako. Sige Justin, wait lang. Magreready muna ako.

Justin: Okay, galingan mo ha! *sabay kindat*

Hindi na nakapagtataka kung ikukuwento ko na nanalo sina Pauline at Camille. Tambak ang kalaban. Ikalawang set lang ang tinagal. Sabay-sabay ulit kaming umuwi noong hapon na iyon. Nahihiya ako sa sarili ko dahil parehong may medalya ang dalawang babaeng kasabay ko samantalang ako, wala. Kahit na ganoon ang nangyari, nalaman ko na may maibubuga din pala ako pagdating sa badminton.

----------------------------------------------------

Pagod na pagod akong umuwi ng bahay. Gusto ko ng matulog ng bigla akong kausapin ng kapatid kong bunso na si Jino.

Jino: Kuya Justin, pahingi akong bente. Maglalaro lang ako sa may perya.

Justin: Oh? May perya na? Sige, teka. *Inabot ang bente pesos kay Jino*

Jino: Salamat Kuya! Alis na ako.

Justin: Huwag kang magpagabi ha at mukhang uulan ng malakas.

Jino: Opo! Kuya, may babae pala sa labas. Hinahanap ka. Sige, una na ako.

Dali-dali akong lumabas ng bahay at tignan kung sino yung babaeng nasa labas ng bahay, si Pauline.

Pauline: Justin, samahan mo ako. *sabay simangot*

Justin: O bakit? Anong problema mo?

Pauline: Wala, nakakatamad kasi sa bahay eeh. Alis tayo.

Justin: Nyek. Saan naman tayo pupunta? Gusto mo magperya tayo?

Pauline: O sige! Ayos lang. Basta libre mo ha?

Justin: Oo ba! Kahit na dapat ikaw tong manlibre diyan at ikaw ang nanalo kanina.

Pauline: Wala, wala. Tara na!

Tumatakbo kaming dalawa ni Pauline papuntang perya. Inubos namin yung isang daan ko sa paglalaro ng BINGO at yung larong ihahagis yung piso at puwede kang manalo ng baso, mug, plato, at kung anu-ano pa. Nagsasaya lang kaming dalawa ni Pauline at kitang-kita ko naman sa kanyang mga ngiti na masaya talaga siya at nakalimutan niya na kung bakit siya malungkot kanina. Nanalo kaming dalawa ng mug at plato. At wala kaming ibang ginawa kundi tumawa dahil sa ginagawa naming kalokohan. Nakita kami ni Jino pero hindi niya kami pinansin, alam kong magsusumbong na naman iyon kay Mommy at sasabihin niyang may girlfriend na ako kahit na wala pa naman.

Maya-maya naisipan muna naming kumain habang hawak-hawak ang plato at mug na napanalunan namin.

Justin: O ano? Masaya ka na? Wag ka ng malungkot diyan ha!

Pauline: Oo naman. Hindi naman ako malungkot eeh. Ikaw lang itong nag-iisip diyan. Akin na nga pala tong mug ha? Sa'yo tong plato!

Justin: Ang daya mo! Ako ang nanalo diyan sa mug eeh.

Pauline: Wala. Akin na 'to! *sabay dila*

Maya-maya ay nagulat na lang kami sa isang malakas na kulog. Umuulan na. Ang lakas ng ulan at pareho kaming walang dalang payong kaya nakasilong muna kami. Ilang minuto din kaming naghintay at mukhang walang balak tumila ang ulan. Patay ako nito kila Mommy. Sigurado isusumbong na ako ni Jino.

Justin: Pauline, sugod na lang tayo sa ulan? Ano? Ligo tayo!

Pauline: Sigurado ka? O sige, tara!

Sumugod kami ni Pauline sa ulan at wala akong ibang naramdaman kundi saya. Ang sarap maligo sa ulan. Naghaharutan lang kaming dalawa ni Pauline. Tawa ng tawa habang tumatakbo pauwi ng bahay. Hawak-hawak pa din namin ang napanalunan naming mug at plato. Basang-basa kaming dalawa pero hindi namin yun ininda dahil masaya naman kaming dalawa. Hinatid ko siya sa kanila bago ako umuwi ng bahay. Nagpaalam na siya at madaling-madali sa pagpasok dala-dala ang mug na napanalunan namin sa perya. Hanggang sa pag-uwi ko dala ko yung saya na naramdaman ko ngayong araw na 'to.

Higit sa lahat, hanggang sa pag-uwi dala-dala ko ang napanalunan naming plato ni Pauline. Pero nagtataka pa din ako, bakit kaya siya malungkot kanina at bigla na lang nagpasama?

First Love Never Dies But It EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon