Chapter 2 - Bestfriends

83 1 0
                                    

Lumipas ang ilang araw at mailap pa din ako kay Pauline kahit na madalas kaming nagsasabay. Hindi naman siya nagtataka kung bakit ganun yung pakikitungo ko sa kanya kasi alam naman niya na bago pa lang kaming magkakilala at nagkakahiyaan pa. Dumating ang ilang araw na halos araw-araw na talaga kaming magkakasabay kasama ang kaibigan naming si Clif. Sabay-sabay kaming kakain ng street foods at sabay-sabay din kaming uuwi. Tutal mga tanghali ay nasa bahay na kami at magkakalapit lang naman ang mga bahay namin ay nagkikita kaming tatlo upang gumawa ng mga assignment at para magkakilanlan na din.

Kapag papasok sa school lagi kaming magkakasama hanggang sa gumaan na yung loob ko kay Pauline. Mabait naman pala siya, natural lang talaga sa kanya ang pagiging madaldal. Isa pa, hindi naman talaga siya masungit at mataray. Dahil lang siguro sa kilay na halos magsalubong at sa nanlilisik niyang mga mata kaya siya napagkakamalang mataray. Masayang kasama si Pauline kasi ang O.A. niya tumawa, humahagikhik. Lagi din niya akong napapatawa kasi mahilig siyang magdrawing. Alam niya naman ang mga gawain naming mga lalaki kaya minsan ay nagdrawing siya ng isang babaeng nakahubad at tawa na lang kami ng tawa. Nag-aasaran tungkol pisikal na kaanyuan namin pero hindi naman namin dinadamdam.

Isang araw, naalis si Clif sa grupo namin dahil nalipat siya ng ibang section. Nakakalungkot dahil dalawa na lang kami ni Pauline. Nasanay kaming tatlo kami parati magkakasama at hindi na rin namin pupuwedeng magawa yung dati dahil ibang teacher na din ang hahawak kay Clif, magkakaiba na kami ng assignment. Dumating yung panahon na kaming dalawa na lang talaga ni Pauline ang magkasama hanggang sa pag-uwi. Kaming dalawa yung parating nagkikita at nagsasama sa mga kakuwelahan namin. Maituturing ko siyang best friend ko. Minsa'y tinawag na din niya akong best friend niya. 

Dumating ang panahon na ang daming nagagalit at naiinis sa ugali ni Pauline. Dahil nga sa aura niya, ang daming naiinis sa kanya at paminsa'y pabalang siyang sumagot lalo na sa mga hindi niya ka-close. Maraming mga babae ang nagagalit at naiinsecure sa kanya dahil sa ganda niya. Oo, maganda talaga si Pauline. Isa siya sa mga magagandang babae sa paaralan namin. Hindi ko iniiwan si Pauline sa mga pagkakataon na wala siyang ibang makapitan. Ako lang naman ang puwedeng umunawa sa kanya dahil kaming dalawa lang ang magkasama, lalo na siya dahil ako lang pinakamalapit sa kanya bukod kay Clif na nalipat ng ibang section.

Kinausap ko si Pauline tungkol sa mga nangyayari sa paligid niya at kung aware ba siya dito. Nasasaktan daw siya pero wala daw siyang magagawa at kailangan niyang lumaban.

Justin: Pauline, huwag kang mag-alala. Nandito lang talaga ako para sa'yo. Best friend tayo diba? Naiintindihan ko naman kung bakit ka ganyan. At ako lang naman ang mas nakakakilala sa'yo. Hindi ka talaga nila lubusang kilala gaya ng pagkakakilala ko sa'yo. Lagi tayong magkasama, magkasangga tayo. Ngayong wala si Clif tayong dalawa lang talaga ang magkakasama lalo na sa panahon ngayon.

Pauline: Salamat talaga Justin at naiintindihan mo ako. *Umiiyak*

*Biglang niyakap ni Pauline si Justin at sinabing "Salamat at nandiyan ka parati. Mahal kita........

bestfriend."*

First Love Never Dies But It EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon