Chapter 5 - Bestfriend Lang

65 1 0
                                    

Ang ganda ng bungad ng araw ko ngayon kahit na tinamaan ako ng sipon dahil sa pagsugod namin ni Pauline sa ulan kagabi. Ang nakapagtataka lamang ay hindi pumasok si Pauline. Nagkasakit ba siya? Ano kayang nangyari sa kanya? Inisip ko na lamang na nagkasakit siya dahil na rin siguro nagpaulan kami kagabi. Kinabukasan, hindi pa din nagpapakita si Pauline. Baka may sakit pa din. Hindi ko na lamang masyadong inintindi at  baka kailangan niya ng pahinga. Lumipas ang isang linggo at hindi pa din pumasok si Pauline, nakapagtataka na ang hindi niya pagpasok sa school. Ganon ba siya kalala magkasakit? Isang linggo? Ano na kayang nangyayari sa babaeng ito? Ayaw ko namang pumunta sa bahay nila baka kung anong isipin ng Mama niya. Masungit kasi ang mama ni Pauline at ayaw ng lalaking bisita sa kanila. Tinetext ko si Pauline pero hindi naman siya nagrereply. Hindi niya alam na may taong nag-aalala sa kanya. Ako ba ang dahilan? Hindi ko din alam.

Isang araw na lamang ay biglang pumasok si Pauline. Maaliwalas ang dating niya at parang walang problema. Kinausap ko siya tungkol sa pag-absent niya ng isang linggo sa klase.

Justin: Hoy babae! Bakit hindi ka pumasok ha? Anong nangyari sa'yo? Tinetext kita hindi ka naman nagrereply. Kahit kila Camille hindi ka nagsasabi. Anong nangyari ha? Nagkasakit ka ba?

Pauline: Ah wala 'to. Nagkasakit lang ako. Yun lang.

Justin: Hindi ka man lang nagsabi. Nag-aalala kaya ako sa'yo! Puwede naman kasing magtext diba?

Pauline: Sorry na bestfriend! Next time, promise. *sabay inabutan niya ako ng isang maamong ngiti*

Iba talaga ang kutob ko dito kay Pauline. Parang may tinatago siya na hindi ko alam. Akala ko ba bestfriend niya ako? Akala ko ba kapag may problema eh sasabihin niya lahat sa akin?  Bakit ngayon parang iba na yung Pauline na nakilala ko? Nagmasid ako sa mga kilos ni Pauline at parang may kakaiba nga. Madalas masaya siya at minsan nama'y malungkot. Kakaiba yung kinikilos niya. At lagi pa siyang may inaabangan. Hindi na din siya sumasabay sa akin.

Nagkasabay kami ni Camille pauwi at wala kaming ibang pinag-usapan kundi si Pauline.

Justin: Camille, bakit ganon si Pauline? Parang may tinatago siya na hindi ko alam. Ano ba nangyayari sa kanya?

Camille: Hindi ko nga rin alam Justin eeh. Simula nung nagpractice kami sa may gym noon kasama yung ate niya eh ganyan na yan.

Justin: Gym? Saan? Bakit?

Camille: Yung laban sa badminton, tanga. Hindi mo pa ba alam?

Justin: Alam ang alin?

Camille: Na may boyfriend na si Pauline. Bestfriend mo hindi mo alam! Ano ka ba?!

Parang guguho na ang mundo ko nung nalaman ko na may boyfriend na pala si Pauline. Kaya siguro siya hindi pumasok dahil doon at hindi dahil sa akin. Kaya siguro siya nawala nung nagprapractice ako kasi nakipagkita siya sa boyfriend niya. Wala naman akong gusto kay Pauline pero bakit ganun siya? Hindi man lang niya sinabi sa akin na may boyfriend na pala siya. Ano ba ako sa kanya? Nakakatampo.

Camille: Hoy Justin! Ano na nangyari sa'yo? Bakit natulala ka diyan?

Justin: Ah...ehh. Wala! Hindi ko alam na may boyfriend na pala siya.

Camille: Talaga? Akala ko alam mo. Hala! Patay ako nito kay Pauline. Huwag mo sasabihin na sinabi ko na sa'yo ha? Magagalit sa akin yun, sigurado. Please Justin, please?

Justin: Oo, huwag kang mag-alala. Hindi ko sasabihin sa kanya.

Nagkahiwalay na kami ng landas pauwi ni Camille. At habang pauwi ako, iba na ang nararamdaman ko kay Pauline, hindi na tampo kundi galit. Bakit niya kailangang itago sa akin ang lahat? May nagawa ba ako sa kanya para maging ganun siya? BAKIT?

Pagkauwi ko ay tinext ko kaagad si Pauline,

Justin: "Pau, kelangan ntn mag usap ngttmpo ako sau."

Pauline: "Bkt? May gnawa ba ko?"

Justin: "Bsta. Kelangan ntn mg usap, k?"

Pauline: "Cge. Ako nlng ppnta dyan. W8 mo ko."

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na si Pauline. Lumabas kaming dalawa at pumunta sa parke na malapit sa amin. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin, naiinis pa din ako sa kanya. Bakit siya ganon? At naiinis din ako sa sarili ko kung bakit ako apektado?

Justin: Pauline, nagtatampo ako sa'yo. Bakit ganun ka?

Pauline: Huh? Ang alin? Ano ba ginawa ko?

Justin: Huwag ka na ngang magpanggap pa. Alam mo na ang sinasabi ko. May hindi ka sinasabi sa akin!

Pauline:Ano nga kasi yun? Buti sana kung sinasabi mo na diba? Hindi yung makikipaghulaan pa ako sa'yo kung ano yun!

Justin: MAY BOYFRIEND KA NA DIBA?! AT HINDI MO MAN LANG SINABI SA AKIN! *Pasigaw kong nasabi sa kanya*

Pauline: Wow. Kung umasta ka naman diyan akala mo boyfriend kita at ang lakas ng loob mong sigawan ako ha! Bakit? Kaibigan lang naman kita ha? Sorry kung hindi ko nasabi sa'yo ha. Natatakot kasi ako na baka lumayo na loob mo sa akin kapag nalaman mo na may boyfriend na ako eeh. At isa pa, huwag mo nga akong sinisigawan. Bestfriend lang kita ha! Hindi kita boyfriend at higit sa lahat hindi kita nanay o tatay! 

Justin: Sorry ha! Bawal na pala mag-alala ngayon? Nag-aalala lang kasi ako sa'yo. Kung bakit nag-iiba ka na. Kung anong nangyayari sa'yo. BESTFRIEND MO LANG PALA AKO! SORRY HA! SORRY.

Pauline: Oo, bakit? Ano bang gusto mo ha? SORRY DIN HA KUNG HINDI KO NASABI SA'YO AT NAG-AALALA KA! ANG SELFISH MO! GUSTO MO LAHAT NG ATENSYON KO SAYO NA!

Justin: OKAY! FINE! BYE BESTFRIEND! *Umalis akong galit na galit kay Pauline, naiiyak ako pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil BESTFRIEND lang naman niya ako*

Nagmamadali akong umuwi. Ayaw ko siyang makasabay, hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko ngayon. Gusto kong kalimutan lahat. Galit na galit ako sa kanya. Ang sakit ng mga salitang sinabi niya. Ayaw ko na siyang makita. Ayaw ko na makipag-usap pa sa kanya. Ayaw ko na.

First Love Never Dies But It EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon