MAGKMHMU: 36

486 27 0
                                    

Niel's POV

"Hmmmmm..."

Ang bango! Ano yung naaamoy ko? Pagkain ba yun? Unti-unti kong minumulat ang mga mata ko. Teka, bakit nasa kama ako at naka-pajamas? Di ba nasa loob ako ng kitchen freezer ng school? At wait, isang kwarto na may touch of silver all over the place? Hindi naman ganito ang kulay at kalaki ang kwarto ko eh, sky blue yung akin at one-fourth lang yata ng kwartong ito ang kwarto ko! At grabe, hindi ba uso ang maglinis ng bahay? Feeling ko nasa dumpsite ako eh. So, the big question is, ASAN AKO?

Mga ilang minuto ng pag-iisip kung sang lupalop ako naririto ngayon, bigla na lang bumukas ang pinto ng kwarto at may niluwang pigura ng lalaki na pamilyar sa paningin ko.

"Glad that you're awake." poker face na sagot ni Sly. Oo si Sly ang niluwa ng pintuan. Nakita ko rin na may hawak siyang tray ng pagkain at isang baso ng tubig.

"Ikaw?! Asan ako? At ano ang ginawa mo sa akin?! Bakit naka-pajamas ako? Nasan ang uniform ko?! Sagot!" bungad ko sa kanya. Sa kinatatayuan ko ngayon, feeling ko para akong teacher na may pinapagalitan na estudyante ngayon.

"Psh,Why can't you just say thank you for ones? Anyways your in my condo. I was the one who save you from being locked inside that freezer." sabi niya at nilagay yung tray sa bed side.

"I-ikaw? Unbelievable." okay, i'm speechless. Bumalik ulit ako sa kamang hinihigaan ko kanina, shocked. Paano niya ko nailabas dun sa freezer? Eh ang pagkakaalam ko, nasa bruhildang Aira na yun ang susi sa padlock ng freezer? Pero alam ko, bago ako tuluyang napapikit, may narinig akong pagsipa sa pintuan ng freezer. So siya ang sumipa sa pintuan ng freezer?! Edi siya na malakas!

"Don't get me wrong. That girl, uh, what's her name? Uh, the thin one, who's wearing an eyeglass, she bumped into me, while i'm strolling around. It was just an opportunity that i was the only one who is near the area." sabi niya. So si Lyre pala ang nagsabi sa kanya na tulungan niya ako. Kinuha niya sa tray yung kutsara at soup in a bowl at binigay sa akin. Agad ko naman 'tong tinanggap at nagsimulang humigop ng sabaw.

"Hmm, ang sarap naman nitong soup, ikaw gumawa?" tanong ko.

"No. The girl who is wearing an eyeglass cook that. I don't know about cooking. She brought it here a while ago." sabi niya habang nakatingin sa akin.

"Ganun ba? Teka, ilang oras na ba akong nakaidlip?" tanong ko.

"One day, actually. You've been lying in my bed for almost one day." sabi niya. Agad ko namang naibuga yung hinihigop kong sabaw. One day? Pano yan, ano na kayang iniisip ng kuya Nathan ko?!

"Damn it! My shirt, aish!" bigla niya akong binigyan ng matalim na titig. "Don't worry. Your friend has taken all of it. Oh yeah, she said that you're in luck, since your brother was not around in your house. Also, she was the one who changed your clothes. I have no intention of undressing a girl who's not even my type of girl." sabi niya habang pinupunasan yung part na nabugahan ko ng sabaw. Grabe ha! Nagpaliwanag nga, may kasama namang pang-iinsulto. So, si Sam ang nagpalit sa akin.

"So, asan ang mga kaibigan ko?"  pagtataray na tanong ko.

"One stranger is enough inside my condo. I don't know and i don't care. I'll call your friend who seems to be your neighbor also, since she's concern for you." sabi niya.

"S-salamat pala." mahina kong sabi. Argh! Kahit naiinis ako, kailangan ko siyang pasalamatan sa pagsagip niya ng buhay ko.

"Your welcome." nakatalikod niyang sabi, habang papunta sa drawer at kumuha ng bagong shirt. Biruin mo yun, narinig niya yung sinabi ko?!

"Pwede ba akong magtanong?" pag-iiba ko ng topic.

"What's that?" sabi niya habang nakatalikod siyang nagpapalit ng damit. Oh my gosh! Sexy back alert! Hindi ba pwedeng sa Cr siya magpalit?Tinakluban ko naman yung buong mukha ko gamit yung kumot na gamit ko, para di ako ma-distract.

"Mukha ka namang mayaman, at ang mga friends mo, bakit nasa Meindra kayo at nag-aaral sa isang public place like that in the first place? Di ba dapat nasa classy kayong school? Yung tipong, nakikipagsabayan kayo sa luho ng mga rich kids?" tanong ko habang nakapikit yung mata ko at nakatalukbong pa rin ng kumot. Nagulat na lang ako dahil yung kumot na pinangtaklob ko ay inalis niya at lumapit siya sa mukha ko, na siyang ikinagulat ko, pagbukas ng mga talukap ng mata ko.

"You really want to know?" sabi niya habang naka-ngiting demonyo. Nag-nod na lang ako in response. Mumay naman, feeling ko yung dugo ko nai-stock sa pisngi ng mukha ko! Bigla naman siyang lumayo at tumayo.

"Me and my friends are grounded. This is a punishment, studying in a public school, communicating to people who aren't like us rich people." sabi niya. Parang na-offend naman ako sa sinabi niya. Oo aminado ako, wala kaming pera ngayon ng kuya ko, pero still we once came, from a family who si rich.

"The only answer to this punishment, is that if we want to change, to become better person, or should i say "responsible" enough to the eyes of our parents." pagpapatuloy niya.

"Oh! Ang dali lang naman pala ng pinapagawa ng mga magulang niyo eh. Magbabago ka lang ng asta at pananalita. Para namang may mawawala kapag sinubukan." sagot ko.

"Like, i am going to. That's not my style. I rather be a rock and stay the same." pagmamalaki niya.

"Alam mo, sa sinabi mong yan, hindi ka talaga magiging responsible na tao." sabi ko habang nilalagay sa bed side yung bowl soup.

"Yeah right. Like you can get my old life back." naka-kunot niyang tanong.

"Hell i can! For starters,tignan mo nga 'tong kwarto mo. Yung mga damit mo, nasa sahig na lang, hindi mo malaman kung malinis yan eh. Eto pa, mukhang di ka naglilinis, ang alikabok ng mga furniture mo, yung carpet mo, ang buhangin. And wait, ano 'to? underwear? Yuck! Alam mo, sa kinikilos mo, grounded ka na for life." sabi ko. Hindi siya yung tipo ng lalaki na clean freak katulad sa mga storya na nababasa ko.

"Tell you what, alam kong gusto mo na maibalik yung dati mong life. Yung tipong malaya ka sa pag-spend ng pera, right?" parang bigla naman siyang nabuhayan sa sinabi ko.

"And what are you proposing?" sabi naman niya habnag nakakunot-noo siya.

"I'll help you bring back your old life. Hindi ka na magtitiis sa Meindra. Tutulungan kita sa pagiging grounded niyo. I'll help you change, to become a better person, na gustong mangyari ng magulang mo." matapang na sabi ko.

"And what if you cannot change me nor my friends for the better?" naka-smirk niyang tanong.

"Edi, may consequences. Ano deal?" sabi ko at ini-stretch ang right hand ko sa kanya. Base sa looks niya nagdadalawang-isip pa siya.

"Consequence din yun. Pwede mo ako pahirapan. Going once.." sabi ko habang nakangiti. Ako na ang pinaka-weird na tao na nasasayahan pa sa pinagsasabi ko na hahayaan ko ang kinaiinisan kong tao na pahirapan ako.

"Deal." walang kahirap-hirap niyang sabi and take my hand.

--------------

a/n: So, next chapter is the first part of the climax scene. Sa mga nagtatanong kung ilang chapters ang aabutin ng MAGKMHMU, estimate ko po mga nasa 50-60+ na chapter. Sa mga bagong readers, hello nga po pala sa inyo! Salamat at patuloy niyo pong sinusoportahan ang Mr.Arrogant Gangster King Meets His Ms.Unstoppable pati na rin ang iba ko pang works, mapaon-going story man yan or short story. Spread the love!~ <3

VOTE! COMMENT! READ!

---bLueBuNNyNote :)

Mr.Arrogant Gangster King Meets His Ms.UnstoppableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon