MAGKMHMU: 21

745 26 2
  • Dedicated kay Crystal Jade
                                    

a/n: Happy 2k reads sa Mr.Arrogant Gangster King Meets His Ms.Unstoppable! Sana patuloy niyo pa po siyang suportahan! :))

Thank you very much!

Previous chapter:

"Kailangan nating makalayo dun sa fans club ni Mr. Stephen. Baka mamaya kung ano pa ang magawa-- Naku it's too late na! Takbo!" sabi ni Lyre, ng makita ang isang pulutong ng babae na nakatingin,mostly SA AKIN?! Ano na naman bang problema nila, at ano ang ginawa ko sa kanila para bigayan nila ako ng mga nakakamatay na titig?!

Niel's POV

Biglang hinila ni Lyre ang kanan kong braso at nagsimula ng tumakbo. Si Sam naman, ayun napasama din sa akin dahil nakahawak siya sa kaliwa kong braso. Bale, ganito yung arrangement namin. (nangungunang tumatakbo si Lyre)

* Sam-Ako-Lyre

Laki na lang ng pasasalmat ko at naka-rubber shoes ako. Yung dalawa ko namang kasama naka black school shoes na closed. Ako na talaga ang pasaway! Tinignan ko yung likod namin, at laking gulat ko, mas dumami pa ang mga humahabol sa aming estudyante.

Binilisan ko pa ang pagtakbo at ako na ang nangunguna. Sa sobrang bilis ko sa pagtakbo, (takot akong makuyog ng madlang stupidyante) nakalayo na kami dun sa mga babaeng yun pansamantala. Nang makita ko yung malaking puno ng narra, pinauna ko ng paakyatin si Sam. Kahit marunong yan umakyat ng puno, pa-girl pa rin yan at sobrang bagal niyan umakyat, lalo na't naka-palda siya. Sumunod naman si Lyre sa kanya. Mga naka-cycling shorts naman kami at hindi kami mabobosohan sa pag-akyat.

Narinig ko na ulit yung mga paa nung mga lokaret na stupidyante, este studyante pala na humahabol sa amin. Binilisan ko na ang pag-akyat para di na nila kami masundan.

Hindi  muna kami gumawa ng kahit na anong ingay o galaw. Isang maling galaw lang o ingay kasi ang gawin namin, makikita nila kami o di kaya pwede kaming mahulog dito sa sanga ng punong 'to.

"Asan na sila?" SFG1 (student fan girl)

"Tara hanapin na natin! May atraso pa sila, lalong lalo na yung Guevarra na 'yon!" SFG2

"Tama,tama." SFG3

"Bumalik na tayo sa campus! Sabihin natin kay Queen Aira hindi natin sila nakita!" SFG4

Teka, Queen Aira ba kamo? Ano bang problema nung loka-lokang yun? Ng napansin kong naglalakad na sila pabalik sa campus, sinenyasan ko sila Sam at Lyre na tumalon dun sa other side ng wall ng Meindra. Hindi naman ganun kataas yung wall at damuhan pa ang babagsakan namin kaya safe kami.

"Daniella Selene Guevarra, ano na naman ba ang ginawa mo?" kalmang tanong ni Sam. Alam kong galit na yan eh, dahil buuin daw ba ang pangalan ko.

"Wala akong ginawa, peksman! Mamatay man ang mga ipis sa kanal!" sabi ko kay Sam. Pati ipis, dinamay ko pa no! Nag-taas ng kilay si Sam at binigayan ako ng isang sigurado-ka-ba-diyang-look. Tumango naman ako bilang sagot kay Sam. Parang nanay ko lang si Sam 'no, tapos ako yung pasaway niyang anak.

"Eh bakit sinabi nung isang babae na lagot ka kay Aira? Huwag mong sabihin may ginawa kang kalokohan 'dun?!" sabi ni Sam sabay hawak sa chin niya at tumingin sa akin. Okay?! Parang ini-interrogate ako ngayon.

"Ate Sam, siguro eto ang sagot sa tanong mo." sabi ni Lyre sabay pinakita kay Sam ang cellphone niya.

From this reaction : (~.~)

Naging ganito: (O.O)

Sa sobrang pagtataka ko kung bakit ganun na lang kabilis ang pagpalit ng reaction ni Sam, lumapit ako unti para makita kung ano yung nandun. Too much of my surprise, isang picture ang tumumbad sa akin - yung picture na kung saan minouth to mouth ko yung aroganteng SLY na yun! Grabe! So eto ang ikinagagalit nung madlang girls, especially yung Aira na yun!

Mr.Arrogant Gangster King Meets His Ms.UnstoppableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon