MAGKMHMU: 17

876 25 12
                                    

Sky's POV

Ano ba yan ang boring!

Walang paperworks, as in NOTHING!

Teka, nagtataka ba kayo kung bakit di ko kasama si Prince?

Ehem, ehem, dahil nahihiya naman ako sa owner ng Meindra ano! Bakit? Ayokong mabisto ako dito ng estudyante at maback-stab pa ako dito, madamay pa ang pangalan ni Mr.George. Kahit sa paningin ng iba, pipitsyugin ang Meindra, well nagkakamali sila. Madami rin po ang mga USI dito, short for USISERO AT USISERA.

Since, wala naman na akong paperworks, maglilibot na lang ako dito. I'll exercise gamit ang aking lovely feet.

Niel's POV

Alam mo yung feeling na sobra kang napahiya sa harap  ng madaming tao?

Actually, yun ang nararamdaman ko ngayon. Bakit? Eh kung may bastos ba naman ang may naglagay ng maduming underwear at bra sa locker mo, tapos pinagtawanan ka pa ng mga kaklase mo noh? How nice right?

Tinapon ko na yung mga bagay na yun sa trash can. Nagulat na lang ako ng biglang lumapit sa akin si Lorren.

"Daniella, pagpasensyahan mo na yung mga classmates natin." sabi ni Lorren sa akin habang busy akong inaayos yung locker ko. Alam mo ba yung salitang kabute Lorren? Parehas kayo ng gawain, mag POP-UP basta-basta.

"Pasalamat sila, kundi makakatikim na talaga sila sa akin." sabi ko habang inaayos yung gamit ko sa loob ng locker.

"Pero alam mo ba kung sino yung naglagay ng mga bagay na yun sa locker mo, Daniella?" natigilan ako dun ah. Oo nga, kalma muna Niel. Ilabas mo ang tunay mong kulay kapag nalaman mo kung sinong kutong-lupa ang gumawa nito sa'yo.

"Hindi sino ba?" sabi ko habang naka-smile kay Lorren na pang sarkastiko.

"W-wag ko na lang kaya sabihin, baka mamaya kung ano pa gawin mo kasi eh." pag-aalinlangan ni Lorren sa sarili niya. Kailangan ko talagang malaman! Okay, lilinlangin ko lang kahit nagyong araw lang. Sorry Lorren pero kailangan ko ng pangalan.

"Wala akong gagawin sa kanila. Pagsasabihan ko lang sila na sa sususnod, mag-paalam muna sila sa akin bago sila maglagay ng gamit sa locker ko." halata pa rin sa mukha ni Lorren na ayaw niyang sabihan pero, bumuntong-hininga na siya! Yes! Sasabihin na niya kung sino.

"Okay, okay. Narinig ko sina Hera at Fiera (alipores ni Aira, na mortal na kaaway ni Daniella) kanina, habang nagbibihis ako ng p.e. uniform. Sabi nila ganito, "OM GOSHIE Hera! Finally, pinansin na tayo ni SLY! OMO! Makakahiganti na rin ako kahit papaano sa Daniella na B*tch na yun," yan yung pagkakarinig ko." talagang kelangan  gayahin sila? Pero nakayukom na ang dalawa kong kamao at parang handa na akong manuntok. Talagang inuubos ng ugok na yun ang pasensya ko! Tinignan ko muna kung anong oras na at eksakto, recess. Makita ko lang talaga yung lalaking yun sa canteen, talagang di ko na mapipigilan pa ang sarili ko. Grrrrr!!

Sky's POV

LaLaLaLaLa...

Hindi pa rin nagbabago etong Meindra, though yung ibang parts ng school is under construction. How i miss this place. Nakakalungkot lang kasi, hindi ko SIYA kasama ngayon. Sana kahit isang senyales lang ang ibagay mo sa akin, hindi ko na talaga papalagpasin pa.

*Gruuuutttt (tiyan po yan ni Ate Sky)

"Grabe naman tong stomach ko. Buti na lang at walang nakarinig sa'yo dito sa garden. Makapunta nga sa canteen." sabi ko habang hinihimas-himas ang tiyan ko patungo sa canteen.

Hindi naman ganun kalayo yung canteen dito sa garden. Sa lahat ng parte dito sa school, bukod sa garden, pinakagusto ko ring lugar yang canteen. Dahil sa lugar na yan, diyan nagsimula ang lahat ng meron ako ngayon sa buhay.

Mr.Arrogant Gangster King Meets His Ms.UnstoppableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon