MAGKMHMU: 34

634 27 2
                                    

Niel's POV

"Uy Niel, congrats!" bati sa akin ng mga ka-team mates ko. 

"Salamat ha. Hindi naman 'to mangyayari syempre without your cooperation and help." sabi ko habang nakangiti.

"Pero huwag ka, yung huli mong tira, akala ko masasalo pa nung Romulo yung surname? Ah basta. Paano mo yun nagawa?" tanong naman sa akin ni Zetty.

"Yun ba? Siguro, adrenaline rush na rin yun, dala sa kagustuhang manalo. Hehehehehe." sabi ko sabay kamot ng ulo.

Nagtataka ba kayo kung anong meron? Well, NANALO KAMI! And of course, PANALO AKO SA BET! Hindi ko na kailangan isipin yung kabaong gagamitin ko kung sakali paglamayan ako at hindi ko na rin makikita sa vision ko kung anong gagawin ni kuya Nathan, once na makita ang dead sexy body ko na nakahandusay sa sahig ng kwarto ko at wala ng ulo. Napalingon naman ako sa babaeng biglang sumigaw na papunta sa bench namin.

"BFF!!!!!!!!!" siguro, kilala niyo na siya. Siyempre si Sam yun at kasama si Lyre. Agad naman akong binati ni Sam ng isang hug, ganun na din si Lyre. Agad naman akong napatingin sa mga taong nasa likod nila. Teka, bakit may mga cult members silang kasama?

"Eh, sino yang mga kasama niyo?" sabi ko sabay turo dun sa anim na lalaki na nakatungo at nakasuot pa ng hoodie jacket.

Agad naman akong nagulat ng tanggalin nila isa-isa yung mga hood ng jacket nila. Nagulat ako dahil sa akala kong kulto ang mga ito, eh sila Dylan, Zero, Louie, Seven, Tristan at Sly lang pala. Ha? Ano ginagawa nila dito?!

"Daniella! Ang galing mo! Nanalo kayo, CONGRATS. First time to nangyari sa history ng Worthington. Best of all, hindi mo ipapa-deliver sa pinsan mo ang ulo mo." sabi ni Zero habang nakangiti. Oh sige Zero, ilakas mo pa ng pag-alalahin mo sila Sam at Lyre.

"Bi-net mo yang ulo mo sa pinsan mo?!" mahinhin na sigaw ni Sam. Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh.

"Ahm, oo... Pero long story na yun Sam." sabi ko sabay ngiti para makalusot.

"Grabe ate Daniella! Nakakatakot yung mukha mo lalo na nung nag-spike ka po sa kalaban. Biruin mo yun, napatalsik siya sa sobrang lakas." nakangiting-wagi na sabi ni Lyre.

"E-ehem." pagpaparinig ni Seven sa akin.

"Ah, oo nga pala may kasama pa pala kayo. Nga pala Sam, Lyre, si Dylan, si Seven, si Louie, si Tristan at si Sly." pagpapakilala ko, pero nung binanggit ko yung pangalan ng Sly fox na yun, nawalan ako ng gana.

"Hi. Ako nga pala si Serena, bff ni Daniella/Niel." sabi niya at nag-wave ng hand.

"We meet again, Serena, or should i say the girl with nice bottom." sabi ni Louie. Nakita ko naman na nag-blush si Sam sa sinabi ni Louie.

"Pervert." bulong ni Sam at sabay busangot ng mukha. 

"Hi Dylan pala." sabi ni Dylan at nakipag-shake hands kay Sam. 

"Nice to meet you, Serena." sabi ni Seven sabay halik sa kamay niya. Nagulat naman ako pati si Lyre at Sam sa ginawa ni Seven. Ano ba yan! Namamanyak ang best friend ko!

"Hi."sabi ni Tristan in a low voice. 

"Eto naman si Lyre. Ako na ang nagpapakilala sa inyo, kasi hindi pa siya ganon kasanay humarap sa tao, except sa amin ni Sam. Second year pa lang siya, tulad din ni Tristan." sabi ko habang tinutulak si Lyre para makilala siya.

Mr.Arrogant Gangster King Meets His Ms.UnstoppableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon