Chapter Eleven

5K 76 9
                                    

Chapter Eleven: "First Part "


Paul's POV


Hi! Ako nga pala si Paul Nevalga. 4th yr. na ko sa St. Paul Academy. Ako naman si Mr. Friendly sa grupo namin. Aaminin ko magaspang ako sa iba, pero minsan lang. Hindi kasi uso ang love samin eh except sa babaerong si Kenneth Tan. Joke!

Pero one day nakilala ko ang isang babaeng ubod ng ganda at ang astig pa. At sya si Aya. Isa din syang leadista tulad ko, Kaya nga mas naging interesting pa sya para sakin. Kaya naman, niyaya ko na syang makipagdate. Buti na lang at pumayag.

Sa Sabado. 8 am. Sana naman may mangyaring maganda. Wish ko lang. I think, Hindi ko muna 'to ipapaalam sa iba. Mamaya mang-asar na naman yung mga loko na yun eh.

Alex's POV

Ako naman si Alex Francisco. 4th yr. din ako sa St. Paul Academy. Ako naman si Mr. Smile, masayahin daw kasi ako eh. Makulit at magaspang din. Pero sa ayaw ko lang yung ugali ha! Pero mabait naman ako, medyo makulit nga lang talaga.

Isa akong drummer sa isang banda na naging sikat sa buong bansa. Akala ko hindi na ako makakahanap ng matinong babae. Not until I found her. I mean si Cassidy na drummer din sa banda nilang Chocolate. Ang ganda nya at kapag kausap ko sya ewan ko parang nangangatog ako. Hahahays !

Kaya niyaya ko na syang makipagdate. Sayang naman yung chance ko diba? Buti na lang at pumayag sya. Sabado. 8 am. Sana po maging maayos ang lahat. Secret ko muna 'to sa iba. Kinakabahan kasi ako eh. Daig ko pa babae. Para tuloy ang torpe kong tignan.

Gerald's POV

Ako naman si Gerald Chavez at hindi Gerald Anderson Okay!? 4th yr. na din ako same school sa kanila, at ako naman ang Bassist samin. Ako naman si Mr. Book Worm samin. Ako naman, mailap ako sa babae kasi bukod sa pagbabanda eh. Pag aaral ang inaatupag ko. Kahit sabihin pa nating sikat talaga kami sa mga babae. Ayoko pa din, meron kasi akong standards pagdating sakanila eh.

Pero nung makita ko si Nana. Parang ewan, natuwa ako sakanya. Hindi dahil maganda sya or matalino din ata? Siguro kasi.. Ang dami kong pagkakaparehas sakanya. Yun nga siguro yung dahilan.

Kaya niyaya ko na syang lumabas. Pero dahilan ko eh sasamahan ko syang bumili ng libro. Palusot ko eh! Torpeness! Pero awa ng dyos pumayag naman sya. Salamat God! Secret muna 'to haha gusto ko kasing maging maganda ang kakalabasan namin eh.

Kenneth's POV

Eysus! Kilala nyo na ako eh! Ako lang naman si Kenneth Tan. 4th Yr. at nag-aaral sa St. Paul Academy. Kilala din ako bilang Mr. Arrogant. Ewan ko ba kung bakit yun ang tawag sakin. Oh well, I'm still gwapo pa rin naman anyway.

Ako naman ang Vocalist and Rhythm at Kilala ako sa mga babae talaga. Uhm.. Okay, Aminin na natin na ako lang talaga ang di matino sa grupo namin. Siguro nahawa ako at nayabang sa bandang Phantom Red na pinangungunahan ni Jeremy. Si Jeremy na karibal ko talaga sa lahat.

Hindi kasi ako natuwa sa ginagawa nila, lalo na sa kapatid ko. Ang kapatid ko kasi ay biggest fan ng Phantom Red at matagal na syang may gusto kay Jeremy. Mahal na mahal na nga nya eh. Pero wala, hindi lang sya pinapansin nito kaya naaawa ako. Humanda ka Jeremy kukunin ko ang lahat sayo at sisiguraduhin kong magbabayad ka sa ginawa mo sa kapatid ko.

Pero nga pala muntik ko ng makalimutan. Na black mail ko nga pala si Chihara. Mahirap na kasi kapag bigla syang maagaw ni Jeremy eh kaya uunahan ko na! Sabado. 8am. Ang araw ng paghuhukom. Kaya ko 'to!

Hanna's POV

Nakita kong naguusap yung apat sa sala. Parang medyo narinig ko na about sa date? Kaya ayun, naisip ko na baka gusto na nilang maging babae. Pero mali. Mukhang mali nga ako. Narinig ko kasi na gagamitin lang nila yung mga lalaki na yun para sa sarili nila. Naku po! I need to rescue them na! Kaya naman lumapit na ako sakanila.

"Tsk Tsk" sabi ko sakanla habang umiiling iling.

"Bakit Hanna??" naguguluhang tanong naman nila.

"Dagdag kasalanan nyang gagawin nyo. Ang pag gamit sa kapwa? Tsk tsk. Bad girls." ani ko pa.

" Ano bang pinagsasabi mo? Ha? " tanong naman ni Nana.

"Nana. Alam kong ikaw ang may pakana sa mga binabalak nyo. Pero sinasabi ko sa inyo na, Ayusin nyo lang. Mahirap maparusahan ulit.." warning ko. Nag ma-gets na siguro nila eh saka sila nagsiyukuan lahat.

"Tutal date nyo naman bukas, Try nyo munang tignan kung may good side sila, Kung meron then wag nyo ng gamitin sa halip kaibiganin nyo na lang. Kung wala edi bahala na ang nasa taas nun." sabi ko naman.

"Sige po." mabilis na sagot naman nila.

Hay! Sana lang gawin ng mga bata tong sinasabi ko. Umayos sila! Pag lang nagkapalya na naman sila. Baka maging palaka na naman sila next time. Teka, Bakit ba ko laging kinakabahan kay Chihara? Anak ng tokwa naman oh! Bakit kasi hindi magpakababae kahit isang beses yung babae na yun eh! Hay, panginoon ko. Patnubayan nyo po sila. AMEN !

****

Nana's POV

Dahil may point naman yung sinabi ni Hanna kagabe. Change plan na naman kami. Ano ba! Mauutak ata kami noh! Kahit na nabago yung plano eh hindi pa rin kami magpapatalo sakanila.

Pumunta na ako sa park, kunwari hindi ko alam na sa park din pupunta yung iba.

"Kanina ka pa ba? " tanong ko agad kay Gerald.

"Ah hindi. Kadadating ko lang.." sagot naman nya.

"Mabuti naman." sabi ko sabay ngiti.

Ilang sandali dumating na din sila Aya, Chihara, Cass, Paul, Alex at tsaka si Kenneth at syempre kunwari Coincidence lang ang lahat pero planado yun.

"Oh Kayo pala! Anong ginagawa nyo dito?! " tanong naming lahat ng sabay sabay.

"May date kasi kami ni.." sagot din naming lahat ng sabay sabay ulit. Tapos sabay nagtawanan din.

"Mukhang pare-parehas yung araw at oras na napili natin ah. " sabi naman ni Gerald.

"Oo nga eh, Pano group date ba 'to?? " tanong naman ni Alex.

"Ah hindi! " napasigaw naming tatlo. Syempre, as usual walang paki dun si Chihara. Yaan nyo na!

"Ah ganun ba, Osige. Let's go!? " sabi naman ni Gerald.

"Teka, tutal nandito na din naman tayong lahat. Lagyan na natin ng twist. May limit ang date na 'to. Hanggang 8pm lang dapat. Pagsapit ng 8pm, Dapat ang lahat eh nasa garden park na. Okay ba yun ? May fireworks display kasi eh." mungkahi naman ni Aya.

"Okay!" sagot naman namin. After nun eh naglargahan na Haha saan naman kaya kami makakarating nito?

Casanova Princes turn into PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon