Chapter Four

6.2K 74 5
                                    

Chapter Four : “ Mr. Annoying ”


Chihara’s POV


Habang naglalaro ako ng softball kasama ang mga bago kong team mates eh merong biglang dumating na matangkad na lalake na pumapalakpak habang naglalakad papunta sa amin. Di ko sya makita masyado kasi masyadong nakakasilaw ang sinag ng araw.

Pero napansin ko lang una nung makita ng mga babae na 'to yung lalaki na yun eh napatigil silang lahat. Bakit kaya?

“Ikaw pala, Kenneth.” sabi naman ni hazel habang papalapit dun sa lalaki.

“Oh musta? Mukhang may bago kayo ah.” sabi naman nung lalaki habang nakatingin at nakangisi sakin.

“Ah Oo, Kakasali lang nya. Sya nga pala si–” sabay baling nila sakin.

“Chihara. Ako si Chihara.” sagot ko ng walang emosyon sakanya. Baka isipin pa nyang interesado ako sakanya.

“Nice, Mataray. Gusto ko yan.” aniya habang nakangiting wagas sakin.

“Ewww” bulong ko naman habang nakakunot ang noo ko sakaniya.

Ba yan. Nandidiri talaga ako sa sinabi nya. Geez. Sabihin man nating pogi nga itong lalaki na 'to pero Antipatiko pa din sya. Kabisado ko na ang ganyang paguugali at pananalita. Para lang si Finn lang yan eh. Ako pa inumpisahan niya.

“Sige, Aalis na ko ha? Babalik na lang ako mamaya.  sabi ko kay Hazel nang hindi ko na matagalan yung awkwardness.

“Ah Sige, Nice meeting you ulit! ” sabi naman nya sakin.

“Bye Chihara.” sabi naman nung Kenneth habang kumakaway at nakangisi pa sakin.

Tumingin lang ako sakanya at tinaasan sya ng kilay. Inikot ko pa yung mga mata ko’t tumalikod na sakanya. Para bang habang naglalakad ako palayo eh narinig ko na tumatawa sya. Aba Loko ‘to ah ! Trip ata ako ng hinayupak na lalaki na yun ah! Akala naman niya papatulan ko siya. Asa pa!

Lutang at wala sa wisyo akong naglalakad pabalik sa classroom nang hindi ko namalayan na may nabunggo na pala ako. Mabilis akong natauhan pabalik at inabot ang kamay ko sakanya para tulungan sya.

“Sorry, Ayos ka lang ba? ” tanong ko agad dun sa babae.

“As if namang okay ako! Bulag ka ba? Sa susunod kasi tumingin ka sa dinadaanan mo!” mataray sabi nya sabay irap sakin.

Geez. Nakatagpo din ako ng mga babaeng tulad sa nakikita ko sa TV. Yung Mean Girl kung baga. Nako!

Hindi na niya ko pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Di ko na din siya inaalala kasi tinarayan niya lang naman ako eh. Bahala siya sa buhay niya. Ang arte niya.

“San ka ba galing? ” tanong ni Nana agad sakin pagkabalik ko.

“Nakipag laro lang dun sa softball team.” sagot ko naman habang nagpapapay gamit ng kamay sa mukha.

“Okay. So, ready ka na ba sa lesson mamaya? ” tanong pa niya ulit.

“Alin? Yung sa Diamond room? Oo naman! ” sagot ko sabay ngiti.

“Mukha atang may pinaplano kang masama Chihara ah.” sabi naman ni Aya habang nakatingin sakin na parang nagsususpetsa siya.

“Hindi ah. Sino may sabi? Ready lang ako kasi tsak na Showtime mamaya yun.” sagot ko naman sabay ngisi sakanila.

“Oy Bad! Wag kang gagawa ng disaster ha! Hindi gawain ng isang babae yun! ” maarteng sabi naman ni Cass.

Napatingin ako't napailing sakaniya.

“Ehh? What the—Ang bilis niyo namang naimpluwensyahan ng pagiging babae.” sabi ko naman habang umiiling iling pa rin.

“Shss! Baka marinig ka nila’t pagkamalan pa nila tayong mga bakla! ” saway naman ni Nana.

“Hai Hai! Wakatta.” sabi ko na lang sabay higa ng ulo ko sa may mesa.

Hai-Yes
Wakatta-I Know

***

3pm ang start ng klase sa Diamond Room kaya nandito na kami ngayon sa isang malawak na kwarto na punong puno ng mga magagandang gamit. Mukhang lahat ng estudyante sa girls department nandito ah. Kasi nandito din sila si Hazel at yung babaeng nabunggo ko kanina.

“Okay girls, Today's lesson is How to greet each other properly.” sabi nung teacher. Tapos nagturo na sya. Mga kung ano anong mga bagay na nakakaantok talaga sobra! Mag gre-greet lang ng Good Morning magba-Bow pa! Kalokohan! Uupo lang may pose pa! What the!! Pati ba naman pagkain may kaartihan pa! Ang dami namang kaartihan nito.

“Ikaw si Ms. Capistriano diba? Bakit hindi mo inaayos ang trabaho mo? ” tanong nya sakin.

“Ha? Eh. Sorry po ma'am.” sabi ko naman. Ba yan. Nahuli pa nga naman ako.

“Ma'am? Ang tawag mo sakin ay Ma'am? Madam dapat ang tawag mo samin, kuha mo? ” sabi nya sabay taas ng kilay.

“Yes, ma-Madam. ” sabi ko sabay ngiti na lang sakaniya.

“Good. Okay time's up ! Class dismiss!” sigaw nya.

Mabilis na nagalisan kaming lahat. Kinabahan ako dun ah. Grabe naman dami talaga alam tong school na 'to. Oh well, At least uwian na. Malaya na ulit ako!

Papunta na sana ako sa field ng bigla na lang dumating si Hanna na mukhang kanina pa naghihintay samin. Napaatras ako nang mapansin kong hawak hawak na nya pala sila Aya at ako na lang ang kulang. Oh shit. Takbo na Chihara!

“Chirihana! ” sigaw nya agad.

Mabilis akong napahinto at pilit na naglakad pabalik sakaniya. Delikado, Baka ipunta ako sa impyerno nito.

“Opo.” tanging nasagot ko lang.

“Okay Let’s Go.” Ngumiti sya at pinapasok na kami sa kotse. No choice na kami kaya sumunod na lang kami. Grabe 'tong babae na 'to, Kung ano ano na lang ang ginagawa samin. Hays. Kailan ba matatapos 'to? Iiyak na talaga ako.

Casanova Princes turn into PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon