Chapter Twenty Seven

3.9K 57 2
                                    


Chapter Twenty Seven

Chihara's POV

After ng mga nangyari nagkita kita na lang kaming apat sa isang Restaurant para mag-usap usap.

"Okay na kami ng family ko!" masayang balita kaagad ni Cass.

"Ako din!" sigaw naman ni Nana at Aya.

"Well. Ako naman hindi." sagot ko naman sabay inom lang ng iced tea ko habang nakasimangot.

"Sabi na eh!" sabay sabay naman na sagot nila.

"Ah Bahala sila! Wala na talaga akong pakialam sakanila! Nakakaasar!" iritadong sigaw ko naman.

"Naku, okay lang yan girl." sabi naman nila sabay yakap sakin.

"Thank you! Buti pa kayo nandito lagi para sakin." sabi ko at ngumiti na lang ako sa kanilang tatlo.

Hay. Buti pa talaga 'tong mga 'to, bukod na Magaganda na sila, Mababait, Mapagmahal at Super Supportive pa! Tsk! Makikita nyo lang talaga Pamilyang Capistriano kayo! Makakatikim din kayo sakin!

"Ano Girls.. I think we need to talk to god about ourselves." sabi naman ni Aya.

"Tama. Pero paano at saan naman?" tanong naman ni Cass.

"Saan ba kinakausap si God? Saan pa edi sa Simbahan!" sagot naman ni Nana.

"So Paano? Tara na!" sigaw naman ni Aya sabay tayo.

Mga 'to talaga eh. Masyado laging Hyper. Hay nako. Sige na nga, Okay fine. Let's go na nga! Sundin na lang natin sila.

****

Nang makarating na kami eh syempre sinawsaw muna namin yung mga darili namin sa holy water at nag-sign of the cross kami tapos kanya kanya ng luhod.

"God.." sabi namin ng sabay sabay.

"Handa na po akong magbago talaga ng buo at mangangakong mag-aayos habang buhay." sabi ni Cass.

"Handa ko na pong baguhin ang paraan ng pananalita ko." sabi naman ni Aya.

"Handa na po akong makuntento at maging masaya sa araw araw." sabi naman ni Nana.

"Handa na po akong kalimutan ang lahat." sabi ko naman.

"Please. Gawin nyo na lang po kaming mga tunay na Babae!" sabi namin ng sabay sabay habang nakapikit at napaluha.

*Enter the Light*

"Hi Girls!" biglang eksena ni Hanna in her angel form. Wew. Pero infernes kakaiba at mukhang kagagalang galang talaga ang ayos niya ngayon.

"Uwaaaa!! Hanna?" sigaw agad nilang tatlo.

"Shhss! Oo, Ako nga 'to ! Ah Oo nga pala! Nag send agad yung message ninyo sa panginoon and may reply agad sya." Balita niya.

"Ano naman yun?!" Tanong naman namin ng sabay sabay.

"Ang sabi niya, Magiging ganap lang kayong babae kung.. Magagawa niyong masabi sa mga taong mahal nyo ang tunay niyong mga katuhan. "

At agad na huminto ang paghinga at mga puso namin dahil sa sinabi niya.

"Ano?!!" napasigaw namin ng malakas dahil sa gulat.

"Sorry girls, Pero yun kasi talaga ang utos sakin eh."

"P-pero.. Ang hirap nun." sabi agad ni Nana.

"Kung maging babae man kami, hindi ko na alam kung matatanggap pa nila kami" sabi naman ni Aya.

"Tama! Ang hirap naman nun!" sabi naman ni Cass.

Napatayo ako't aktong kukunin ko sana yung phone ko para tawagan si Kenneth para matapos na, nang biglang ma-realize ko naman na wala na pala yung phone ko sa bulsa ko.

"Teka? Yung cellphone ko!?" tanong ko agad.

"Aba malay ko." sagot naman nilang apat

"Mahalaga pa ba yun kaysa dito?"

"Oo naman syempre!" tapos napatakbo agad ako sa labas. "Uwaaa Cellphone ko!"

Ang dami dami kong tinatago dun eh! Syempre cellphone ko yun!

"Ito bang hinahanap mo?" biglang bigkas ng lalaking matangkad sakin habang hawak niya yung cellphone ko na kanina ko pa hinahanap.

"Cellphone ko yan ah! Oh? Ikaw na naman?! " sabi ko dun sa lalaki I mean si kuya yun. Syempre kailangan di ko siya kilala.

"Naiwan mo kasi 'to dun sa company namin, pinilit kong habulin ka pero wala ka na. " sabi ni Kuya Kier.

"Ah Salamat!" sabi ko lang sabay kuha sakanya.

"Ano nga palang ginagawa mo sa company namin kanina?" tanong naman niya sakin.

"Wala! Naligaw lang ako." sagot ko naman. Pero syempre Joke lang yun.

"Ha-ha! Pero seryoso, Ano nga?"

"Bakit? Masama bang pumasok sa company niyo? Masama bang maligaw ang isang Singer na tulad ko? " sabi ko sabay taas ng kilay sakanya. Emphasis sa word na singer para hindi niya ako maliitin. Alam ko ang ugali ni Kuya, siya yung tipo ng lalake na pagdidiskartehan ang mga babae dahil alam niyang makapangyarihan siya. Well, guess what Kuya hindi ako ganun at plus.. kadiri pa.

"Oh? Singer ka pala, Talaga?" napangiti siya na akala mo na-amused sya.

"Ay hindi! Kasasabi ko lang diba?! Tsk." napa-roll eyes lang ako.

"Sorry naman ha?"

"Chihara!!" sigaw naman nung tatlo sabay labas din ng simbahan. At bigla rin silang napatigil at napatingin samin.

"Ah, Sige salamat na lang sa pagbabalik mo sa phone ko." sabi ko na lang sabay lapit kala Aya.

"Ah. Chihara pala ang pangalan mo ha?"

"Naku kung ako sayo h'wag mo ng tandaan!" tumalikod na lang ako't tinulak yung tatlo papasok dun sa kotse.

"Anong ginagawa ng kuya mo dito?" tanong agad ni Nana.

"Don't tell me hindi nya alam na ikaw si Jeremy?" tanong naman ni Aya.

"Oo. Hindi ko na lang sinabi sakanya kasi baka mas maging problema pa." sagot ko naman.

"Hay naku girl! Problema na nga yung trial natin dagdag pa yun." sabi naman ni Cass.

"I know! Tsk! Anak nang! Pambihira talaga! Pahamak talaga si Kuya! Kainis!" at napabuntong hininga na lang ako ng malakas so sobrang inis.

Casanova Princes turn into PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon