Chapter Twenty Nine

3.9K 60 12
                                    

Chapter Twenty Nine

Nana's POV

Ako ang nakaisip ng plano, So kailangan ko 'tong seryosohin. Pambihira! Bakit kasi kailangan pang humantong sa ganito ang lahat eh! Gusto naming maging babae sa kadahilanan na natututo na kaming magmahal ng totoo. Pero kung ganto rin naman, mukhang mahihirapan na kami. After siguro nilang malamang yun, magbabago rin siguro yung mga pananaw nila samin. Hays. God.

"Nana!" sigaw ni Gerald nang Makita niya ako.

" ..." syempre kailangan ko siyang iwasan kaya hindi ko muna siya papansinin.

"Nana!" tawag pa niyang muli sakin.

Wala akong naririnig. Wala akong naririnig!

"Huy!" ika niya sabay biglang kiliti sakin.

"Anak ka ng!" napasigaw ko bigla.

"Uy Nana! Ba't ba hindi ka nalingon? Kanina pa kita tinatawag ah." sabi ni Gerald.

"Who the hell are you?" sabi ko sabay taas ng kilay.

"What?" at napakunot siya ng noo na parang nagulat siya sa sinabi ko.

"Sorry pero layuan mo muna ako." sabi ko lang sabay takbo palayo. Muntanga lang ako! Sht Nakakainis! Anong bang problema mo Fiona!? Sorry talaga Gerald! Balang araw maiintindihan mo din kung bakit ko 'to ginagawa.

Chihara's POV

Dahil ako ang pinaka maton sa aming apat, ano sa tingin nyo ang gagawin ko kay Kenneth?

A. Snob at mag-Walk out ?

B. Suntukin siya?

C. Trash talkin siya?

D. Sipain ang mukha nya?

E. Sumigaw ng 'RAPE !' Pag lumapit siya?

F. Ipahiya siya sa lahat ng estudyante?

G. Dalhin siya sa isang malayong lugar at dun siya Murderin?

Ano ba naman! Puro kalokohan naman 'tong mga nasa isip ko eh ! Ano be yan! I'll go for letter A na lang I guess. Tanong, mag work naman kaya? Eh may sa demonyo yung hayup na yun eh! Hindi tumitigil sa kakakulitan!!

Okay, here comes the demon.

"Hi Chihara my loves" sabi nya sabay kaway.

Eww, My loves mo your face! Kadiri ka! Ah No! Bawal nga palang mag react! Snob nga pala dapat.

"Ayii, hindi siya nagre-react.. Nagustuhan mo yung my loves noh?" sabi pa niya.

Kapal mo Kenneth Tan! Kung hindi lang kita kailangan isnobin naku! Kung ano na ang ginawa ko sayo!

"Ay, ayaw pa ding tumingin. Ngingiti na yan!" sabi pa nya ulit.

Tigil Tigilan mo na ako!

"Uy Loves, Mahal, Hon, Wife.. Mamansin ka naman!" sabay kiliti nya sa bewang ko. Di ko na kaya 'to ~! Uwaaaa !

"Ayaw mo kong tigilan ha! Etong sayooo.." sigaw ko sabay suntok sakanya ng malakas. Ayun, Talsik naman si Tanga.

"Buti nga sayo Kenneth Tan. Hmp!" sabi ko sabay dila at tumingin lang ako ng masama sakanya sabay walkout.

Ano ba naman yung mga tinatawag nya sakin, nakakadiri na ang baduy at ang korni pa ! Kasuka ! Pwe!

"Nana. Aya. Cassidy. Kailangan talaga nating mag-usap. Mag-cut muna tayo tsaka pumunta sa tapat ng simbahan. Need na agad. ASAP."

Send.

Tinext ko agad sila. Kailangan na kasi naming umaksyon eh or else baka mas lumalala pa 'to. Kilala ko ang mga lalaki na yun. Ang iba kasi sakanila hindi talaga makukuha sa tingin lalo ng hindi pa makukuha sa mga salita. Okay sana yun kasi napapakita nila ang nararamdaman nila. Eh kaso, Too Complicated nga eh.

Hay girls! Mag-reply na kasi kayo!

Casanova Princes turn into PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon