Chapter 49: LQ

357 18 1
                                    

Paul's POV

Nagising na ako ng maaga para sunduin si Keana sa bahay nila kaya kumain muna ako tapos naligo at nag bihis tapos umalis na, mga ilang minuto nakarating na rin ako sa bahay nila Keana

"Ay ser nauna na ho si Ms Keana eh" sabi nung Driver nila

"Po? Eh saan po siya sumabay?" Tanong ko

"Ahh sa service niya po ser kanina pa umalis eh mukang nag mamadali nga siya eh" sabi mung Driver nila

"Ahh sige po salamat mauna na po ako" sabi ko naman kaya umalis na ako

Nag drive naman ako ng mabilis para makapunta agad ako sa school pag ka dating ko doon nakita ko lang sila Ysa, Pau, Nikko at Sam

"Asaan si Keana?" Bungad ko

"Ahh andoon nauna na mukang bad mood pre" sabi ni Nikko

"Oo nga ano ba nangyare doon?" Tanong naman ni Ysa

"Tara na nga" sabi ko kaya sabay sabay na kaming pumunta sa classroom at andoon nakita ko na si Keana at buti na lang wala si Thea

"Babe sorry na please" bulong ko, pero hindi niya akong pinansin, maya maya dumating na si Ms Alfonso at nag discuss sa isang oras at yung isang oras binigay niya para sa by pair activty

"Ako ng gagawa akina yang papel!" Sabi ni Keana

"Hindi na tutulungan na kita" sabi ko, hindi na kang siya sumagot at natapos na rin namin yung activity kaya nag recess na kami pero si Keana nauna

"Uyy anong nangyari doon" sabi ni Pau

"Sundan na lang natin" sabi ko kaya sinundan namin si Keana at kung saan siya nakaupo umupo din kami doon

"Gurl may problema ba?" Tanong ni Ysa

"Wala naman" sabi ni Keana

"Sus anong wala sa muka mong yan parang inalon ka naman ng biyernes santo" sabi ni Nikko

"Sige na mauuna na ako nawalan ako ng gana kumain eh" sabi ni Keana sabay tayo pero hinila ko siya papunta saakin kaya malapit yung muka namin sa isat isa, "Ano pwede na bang umalis?" Sabi ni Keana

"Hindi" sagot ko

"Uyyy ano yan LQ" sabi ni Sam

"Bakit sno ba ang nauna" sabi ni Keana

"Please sorry na" sabi ko

"Excuse me, may gagawin pa ako" sabi ni Keana at umalis na

"Uyy anong ginawa mo sa bestfriend nami ahh?" Tanong ni Pau

"Paul ano yan sinaktan mo si Keana?" Tanong ni Ysa

"Hi-hindi" sagot ko

"Anong hindi eh mukang iwas na iwas sayo si Keana eh" sabi ni Ysa

"Bro ano ba kasing nangyari?" Tanong ni Nikko

Flashback

Pagkahatid mo kay Keana natulog na ako para makapag pahinga pero nagulat na lang ako ng pag ka gising ko andun na si Thea, "hi Paul" sabi niya

"Anong ginagawa mo dito, umalis ka na!" Sabi ko

"Bakit ayaw mo ba na andito ako?" Tanong niya

"Pwede ba umalis ka na!!" Sabi ko, tapos narinig ko na lang na paakyat dito si Keana pinipigilan siya ni yaya pero nung malapit na siya nagulat ako ng halikan ako ni Thea kaya naman tinulak ko siya agad at hinabol si Keana

"Babe!" Sigaw ko pero binaliwala lang niya pero hinabol ko pa rin siya at hinawakan ko yung kamay niya

"Babe let me explain" sabi ko pero nakatanggap ako ng sampal mula kay Keana

"Ano pa ang ieexplain mo Paul!? Nakita na ng dalawa kong mata na kahalikan mo si Thea tapos sasabihin mo let me explain!?" Sabi ni Keana habang tumutulo yung luha niya

"Please hindi ako ang humalik sakanya siya ang nauna" sabi ko naman sabay hawak sa kamay niya

"Siya? Tapos ano itetext mo pa ako!? Ano ba Paul kung ayaw muna saakin sabihin mo lang at sige papakawalan kita!" Sabi ni Keana

"Hi-hindi kita tinext, at hindi ko alam na pupunta ka kasi natutulog ako at nagulat na lang ako na andoon si Thea, please maniwala ka" sabi ko naman

"Wala na eh!" Sagot ni Keana sabay pasok sa sasakyan niya

Tinawag ko pa siya noon pero mukang hindi niya na ako narinig kaya pumasok na ako sa bahay

"Oops sorry babe hindi ko alam na anjan pala si Keana" sabi ni Thea

"Pwede bang umalis ka na sa pamamahay ko!!" Sabi ko, sabay hila sa braso ni Thea at kinaladkad ko siya palabas ng bahay namin

"Paul ano ba!" Sabi ni Thea

"Anong Paul ano ba? Para sabihin ko sayo may gf na ako kaya please lang tantanan mo na ako!" Sabi ko

End of flashback

"Ano!?" Sabi ni Pau

"Eh nag sorry na nga ako sakanya pero hindi niya tinatanggap" sabi ko

"Nakuuu ikaw kasi eh!" Sabi ni Sam

"Kami bahala jan bro" sabi ni Nikko

Kaya after ng recess dumeretso na kami sa classroom dumaan ang mga oras pero iwas ng iwas parin si Keana hanggang sa mag dismissal sabi ko ihahatid ko na siya pero hindi siya pumayag dahil gusto niya daw mag service

Itutuloy...

Sorry po fam kung short lang ito hayaan niyo babawi ako hehehz please vote po fam

Love Unknown  (McLisse or JerLisse) EDITINGWhere stories live. Discover now