Chapter 13 Confession

456 19 0
                                    

Paul's POV

Pag kadating ko sa school hinanap ko agad si Sam, "Paul!" Sigaw niya

"Uy Bro, naitext mo na ba?" Tanong ko

"Ay eto na, eh ano bang sasabihin ko, ikaw na lang ma type oh"  sabi ni Sam

To Keana
Hi mag meet tayo sa court mamayang uwian hihintayin kita doon wag ka ng magtanong kung sino ako basta pumunta ka na lang may importante lang akong sasabihin sayo see you!

"Thank you" sabi ko kay sam

"Bro goodluck mamaya, panigurado sasagutin ka agad noon" sabi ni Sam

"Kinakabahan nga ako eh kailangan ko pa isipin yung mga lines na sasabihin ko baka mamaya mautal ako sakanya" sagot ko naman

"Sige kaya yan, tara na pumasok na tayo sa room natin dun na lang natin pag usapan" sabi ni Sam

Keana's POV

Habang naguusap usap kami nila Pau at Ysabel dito sa room may biglang nag text saakin

Hi mag meet tayo sa court mamayang uwian hihintayin kita doon wag ka ng magtanong kung sino ako basta pumunta ka na lang may importante lang akong sasabihin sayo see you!
From: unknown

"Uyy sino yan?" Tanong ni Pau

"Ehhh hindi ko nga rin alam eh sabi wag ko na daw tanungin kung sino siya" sagot ko

"Ayieee may bagong secret admirer ka pala eh" sabi ni Ysa

"Che! Hindi rin noh" sagot ko

"Eh ano ba yung number?" Tanong ni Pau

"Wala ngang nakasulat eh unknown lang" sagot ko

"Ay gurl iba na yan, ang haba kasi ng hair mo eh hindi ko ma reach" sabi ni Ysa tapos tumawa sila ni Pau

"Malalaman mo rin naman pag dismissal, mag kwento ka saamin ahh" sabi ni Pau

"Oo na" sagot ko

Maya maya dumating na si Ms Alfonso, nag discuss siya about sa new lesson namin, habang nag didiscuss siya hindi ako makapag focus kasi hindi ko alam kung pupunta ba ako mamaya oh hindi kasi naman pa unknown unknown pa, ayaw pa sabihin kung sino grabe, "uy napapano ka ang lalim ata ng iniisip mo?" Sabi ni Pau, "ayyyy sino kaya yan si Paul hmpppfttt, wag mo muna siyang isipin magkikita naman kayo eh" sabi ni Ysa

"Huh? Hindi ko siya iniisip noh, grabe naman kayo porket malalim yung iniisip si Paul agad?" Sabi ko

"Bagay naman kayo eh, tsaka malay mo kayo pala para sa isat isa, tingnan mo kami ni Sam hindi ko nga expect na gusto niya ako eh diba" sabi ni Pau

"Oo nga tama si Pau" singit naman ni Ysa

Makalipas ng 2 oras dumeretso na kami sa canteen, "ay bongga ka Pau may sundo ka agad" sabi ni Ysa

"Syempre ganyan kami magmahalan diba love?" Sabi naman ni Sam

"Yup, tara na love gutom na ako eh" sabi naman ni Pau

"Oyyy baka langamin kasi kayo" sabi ko

Pagkadating namin sa canteen nakita ko agad si Justine, "tara libre ko na kayo" sabi ni Justine

Love Unknown  (McLisse or JerLisse) EDITINGWhere stories live. Discover now