Chapter 12 Awkward

487 18 1
                                    

Keana's POV

Pagkapasok ko sa gate 1 nakita ko agad si Justine at parang may hinihintay siya, "Keana tara sabay na tayo" sabi ni Justine

Hinawakan ko yung muka niya "hala may lagnat ka ba?" Tanong ko

"Ha? Hinde at papano mo naman nasabi na may lagnat ako?" Sagot ni Justine

"Eh kasi naman parang ang bait mo ngayon?" Sabi ko

"Hindi ah mabait naman talaga ako eh, tara na nga" sagot ni Justine tapos hinila niya yung kamay ko

"Sige mauna na ako kita na lang tayo mamayang recess" sabi ni Justine saakin

"Sige" sagot ko naman

Pagkadating ko doon andun na sila Ysabel at Pau, "hi gurl musta araw mo bakit ka naka smile?" Tanong ni Ysabel saakin

"Huh? Halata ba?" Tanong ko

"Oo naman, siguro kayo na ni Paul noh?" Sabi ni Pau

Ano ba yan naalala ko nanaman tuloy yung kahapon grabeeeee kahiya akoooo, "heh! Hi-hindi noh" sagot ko

Maya maya dumating na si Ms Alfonso at nag discuss na siya, ako naman hindi ako makapag focus kasi naisip ko yung kahapon, hindi ko talaga expect na mahahalikan ko si Paul ayyy grabe, hayyy please lang maalis ka muna sa utak ko eh hindi ako makapag focus eh, tapos isa pa yung Justine na yun biglang bumait parang may nakain na ewan, dati naman kasi hindi siya ganon yung tipong nakita niya palang ako gusto niya na akong inisin, hayyyyy please Keana please wag mo munang isipin yan at mag focus ka ngayon

"Uy gurl tara na" sabi ni Ysabel

"Huh? Bakit recess na ba?" Sagot ko

"Anong recess ka jan? May pinapagawa si Ms Alfonso na activity by 3 kaya gawin nanatin" sabi ni Pau

"Ay sorry wala ata ako sa sarili ko" sagot ko

"Anong "ata" wala talaga eh sino ba kasi yang iniisip mo?" Tanong ni Ysabel

"Huh? Wala bakit porket wala sa sarili may iniisip na" sagot ko

"Hayyy hayaan mo na siya Ysabel kilala naman natin kung sino yung iniisip niyan eh" sabi ni Pau

"Hayy! Tara na nga mag start na tayo"

Pagkatapos ng 2 oras nag bell na at pumunta na kami sa canteen, pag ka dating namin sa canteen lumapit agad si Sam kay Pau

"Love? Anong gusto mo tara bili na tayo" sabi ni Sam kay Pau

"Sige love" sagot naman ni Pau

"Oyyy dahan dahan ahh baka mamaya langamin kayo" sabi ni Ysabel

Maya maya nakita ko na Si Paul at Justine, at sa totoo lang nahihiya parin ako kay Paul dahil sa nangyari kahapon, "Keana libre kita anong gusto mo?" Tanong ni Justine

"Aba! Totoo ba yan? May lagnat ka ba? Anong nakain mo?" Tanong ko

"Tara na sige na bumili ka na" sabi ni Justine

Pagkatapos namin bumili umupo na kami sa isang table, "Gurls, sasabay na lang pala ako mamaya kay Sam" sabi ni Pau saamin ni Ysabel

Love Unknown  (McLisse or JerLisse) EDITINGWhere stories live. Discover now