Chapter 8 Preparation

506 21 1
                                    

Keana's POV

So nag preprepare na kami ni Paul sa props namin para sa performance bukas, mga 30 mins lang siguro namin natapos ni Paul yung props namin para bukas, "Paul sure ka ba na sasama sila Pau at Sam sa saturday?" Sabi ko

"Ahh oo sabi daw ni Sam sasama sila ni Pau, bakit pag hindi ba sila sumama hindi ka sasama? Grabe ka ayaw mo ba akong kasama" sabi ni Paul tapos nag pout pa sya

"Hindi naman tinatanong ko lang naman eh" sabi ko

"Ahh, gusto mo ba practice ulit tayo?" Sabi ni Paul

"Osige tara" sabi ko

Nag practice ulit kami ng sayaw, para bukas malinis yung performance namin syempre gusto ko rin naman na manalo kami sayang naman yung effort ni Paul kung hindi man lang kami makakakuha ng place, mga nakakailang rehears na rin kami, 10 mins na lang mag bebell na, "Keana last practice na lang, ok lang ba?" Tanong ni Paul saakin

"Ahh ok sige" sabi ko

So nag practice kami for the last time, sa last na practice namin ginalingan ko na talaga, patapos na sana yung kanta kaso may part doon na parang kailangan namin maglapit ng muka, sa part na yun muntik na kami mag halikan ni Paul kasi ang lapit ng muka namin, as in yung konting galaw lang maghahalikan na kami, habang malapit yung muka namin sa isat isa nakita ko ng malapitan yung mata nya, grabe hindi ko expect na medyo brown eyes pala siya.

"Oh Keana baka ma develop ka na saakin" sabi ni Paul

Inalis ko yung muka ko tsaka umalis "Ay wow ah, Kasing kapal mo talaga yung dictionary grabe"

"Eto naman oh joke lang hahaha" sagot niya, "tara na nga ihahatid na kita" sabi niya

"Wag na sige na kaya ko na" sagot ko

"Wag ka ng mahiya saakin" sabi niya

Ay wow ahh ako daw nahihiya, hindi kaya syempre ang awkward lang naman nung kanina eh

Habang nag lalakad kami ni Paul feel ko namumula ako kasi hindi ko expect yung kanina eh, feeling ko rin hindi expect ni Paul yun, "Paul sorry kanina hindi ko naman expect yun eh" sabi ko, "ahh yun ba hahahaha ok lang hayaan mo na wag ka ng mahiya" sabi ni Paul

"Ay wow seryoso ka ba? Ok lang yun" sabi ko

"Sge na anjan kana see you tomorrow, matulog ka ng maaga para ma save mo yung beauty mo"

So kinilig ako sa sinabi niyang yun, pag dating ko doon nakita ko na sil Pau at Sam, "musta naman araw mo gurl mukang masaya ka nanaman" pangaasar saakin ni Pau, "huh ok lang naman" sabi ko

"Keana nakita namin yung kanina noh" sabi ni Sam

"Hu-huh anong kanina?" Sabi ko

"Sus yung muntik na kayong mag ano...." sabi ni Sam

"Ehhh hindi ko naman sinasadya yun eh hala grabe kayo" sabi ko

"Oks lang yan gurl sweet niyo nga eh" sabi ni Pau

"Alam mo ba na 15 sec. kayo nag tititigan ng ganoon? Ahahah" sabi ni Pau

"Ano!? Eh bakit alam mo ganon na ba katagal yun?" Sabi ko

"Syempre binilangan namin ni Sam" sabi ni Pau

"Ok kahiya talaga" sabi ko

Maya maya dumating na si Mr Bacani about sa lesson namin ngayon, makikita mo yung ibang students na pagod talaga yung iba nakatulog na yung iba naman nakikinig parin, buti na lang natapos na agad yung classe namin kung hindi baka aantukin din ako, after ng bell pinuntahan ko muna si Ysabel para mag paalam kasi kahapon hindi ako nakapag paalam sakanya, after nun dumeretso na ako sa service namin.

Pag dating ko sa bahay nagpahinga muna ako, natulog agad ako ng maaga para sa performance namin bukas ayaw ko kasing mapahiya kami ni Paul doon, pero bago ako makatulog naisip ko nanaman yung nangyari saamin kanina hindi ko alam kung kikiligin ako or mahihiya hindi ko naman kasi expect na 15 sec na pala yun eh, mga ilang minuto nakatulog na rin ako para hindi ako masyadong stress para sa performance namin bukas

Itutuloy.....

Hi guys sorry kung maikli lang yung part na ito ah pero sana kinilig naman kayo #McLisse

Love Unknown  (McLisse or JerLisse) EDITINGWhere stories live. Discover now