Chapter 39: Official

381 28 2
                                    

Keana's POV

So maaga akong nagising ngayon kasi medyo excited na ako sa Christmas eh 2 days na lang bago mag Christmas kaya medyo excited ako heheheh, naghilamos muna ako at bumaba na para kumain ng breakfast

After kong kumain ng breakfast pumunta na ulit ako sa room ko at nag surf ng internet, habang nag susurf ako nag message saakin si Paul

Paul: hi good morning
Me: good morning din
Paul: labas tayo mamaya ahh, sunduin kita
Me: labas? Eh saan naman tayo pupunta?
Paul: eh basta magsuot ka ng maganda, basta 7:00 pm sharp sunduin kita ahhhh, see you mamaya bye bye
Me: eh saan nga tayo pupunta?

Hindi ko alam kung saan kami pupunta hindi man lang niya sinabi agad agad ng log out, ngayon iniisip ko kung ano naman yung susuotin ko, buti na lang nakita ko na agad yung susuotin ko color blue siya na dress, ano naman kaya naisip ni Paul kaya lalabas kami ngayon

Hanggang sa gumabi na nag bihis na ako at nag ayos ng buhok tapos hinintay ko na lang si Paul sa baba natural medyo maaga pa naman, maya maya dumating na rin si Paul

"Ano tara na?" Tanong ni Paul

"Eh saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko namang pabalik

"Basta, tara na" sabi ni Paul tapos hinila niya yung kamay ko, tapos sumakay na kami sa sasakyan niya, hindi ko alam kung anong trip niya pero ang ganda dito parang siya pa ata nag pa set up eh

"Ang ganda naman" sabi ko

"Tara kain na tayo, upo na tayo doon" sabi ni Paul, kaya umupo na kami, pag kaupo namin doon may foods na ang sarap ng pagkain nila dito grabe siya, feel ko nga naparami yung kain ko eh kasi naman hindi ako nag lunch hehehe

"Ano ayos ba?" Tanong ni Paul

"Oo naman ayos na ayos ang sarap ng pagkain tapos ang ganda pa dito" sabi ko naman

Maya maya natapos na rin kaming kumain, "wait lang mag ccr lang ako ah" sabi ni Paul

"Ahhh osige" sagot ko naman, kaya ako na lang tuloy mag isa dito, mga ilang minuto wala pa rin si Paul pupuntahan ko na sana siya sa cr kaso lang nag sara naman lahat ng ilaw, muntik na ako mag panic pero buti na lang bumukas yung ilaw banda dito sa side ko kaya hindi na ako masyadong natakot, tapos mga ilang minuto biglang bumukas yung tv sa harapan ko nagulat tuloy ako

Hi

Unang pag kita ko pa lang sayo na ramdaman ko na yung tibok ng puso ko

At yun ay nung niligtas kita sa mcdo

Kala ko masungit ka nung nakita kita sa school pero hindi pala

Kala ko parang snob ka lang sa ibang people pero hindi ang friendly mo

Alam ko ang fc ko nung nakipag friends ako sayo, pero ok lang din sayo

Ikaw din yung babaeng kilala ko na walang arte

Kala ko nga wala na akong chance sayo eh

Pero hindi meron pa

Nung time na yun wala akong ibang iniisip kung hindi ikaw, naiyak pa nga ako noon eh

Pero ngayon hindi ko din naman expect na aabot tayo sa ganito

Una parang strangers lang tayo

Tapos naging friends agad tayo, dahil mabait ka pati ako syempre

Then after that alam ko may misunderstanding tayo kasi tinago ko sayo yung feelings ko

Pero naging maayos naman tayo diba

Sorry ulit kung hindi agad ako nag confess ng feelings ko for you

Pero ngayon parang ang bilis ng panahon

After friends.....

Niligawan na kita at buti na lang boto parents mo saakin

And now.....

Gusto ko lang sabihin ay....

After noon biglang sumara yung tv at nakita ko na lang si Paul na palapit saakin, "will you be my girlfriend Ms Keana Garcia?" Tanong ni Paul, na may hawak na pandora na crown ring

Gosh yung tibok ng puso ko mas bumilis, "ye-yes" nautal na sabi ko, tapos sinuot saakin ni Paul yung sing sing, at yinakap niya ako kaya napayakap din ako tapos naramdaman ko na lang na may tumulo na luha sa mata ko

(Btw hindi po engagement rin yung binigay ni Paul ahhhh)

"Thank you" sabi ni Paul

"Ako nga dapat mag pa thank you sayo eh" sabi ko naman

Tapos maya maya sumayaw kami, tapos umupo kami ulit hindi ko maiwasang pag masdan yung sing sing na binigay saakin ni Paul ang ganda kasi eh, "nagustuhan mo ba?" Tanong ni Paul

"Oo naman, ang ganda nga eh thank you talaga" sabi ko

"Your always welcome my Princess, basta lahat gagawin ko maging masaya lang ang Princesa ko" sabi ni Paul, kinilig naman tuloy ako sa sinabi niya

Maya maya umalis na kami at hinatid na ako ni Paul pauwi sa bahay, "thank you ulit, grabe ang saya ko ngayon" sabi ni Paul

"Welcome, sige na mauuna na ako ahhh ingat ka sa pag drive mo goodnight i love you" sabi ko

"Wala man lang goodnight kiss?" Tanong ni Paul, hindi ko tuloy slam kung anong masasabi ko

"Grabe siya, sige na mauna ka na" sabi ko

"Sige na kahit sa cheeks lang" hirit pa ni Paul, kaya hinalikan ko na lang siya sa cheeks

"Thank you, sige goodnight i love you" sabi ni Paul

After noon umalis na siya at umakyat na ako sa kwarto ko nag hilamos muna ako at nag palit ng damit

After noon umalis na siya at umakyat na ako sa kwarto ko nag hilamos muna ako at nag palit ng damit

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"This is the best day ever!"

Itutuloy...

Sa wakas sila naaaaaa, thanks you po sa pag support ng story ko vote lang po ng vote love ya all

Love Unknown  (McLisse or JerLisse) EDITINGWhere stories live. Discover now