Darna! (1/3)

148 21 13
                                    

Suggested Movie Title: Darna! Ang Huling Paglipad

May isang halimaw ang sumasalakay ngayon sa probinsya ng Pampanga dahil sa nais nitong paslangin ang isang napakakorning manunulat sa wattpad. Ayaw na nang halimaw na kumalat ang lagim ng kakornihan nito kaya siya na mismo ang pipigil dito. Maaari ngang masabi na maganda ang hangarin ng halimaw na ito ngunit hindi ibig sabihin nun ay dapat hayaan nalang siya na gawin ang kanyang nais.

At dahil baka ako ang tinutukoy nyang korning manunulat. Kaya naman minabuti kong humingi ng tulong sa all-time favorite superhero ng mga Pinoy na si Captain Barbell. Ngunit dahil busy pa siya sa kanyang trabaho bilang gym instructor, si Darna na lamang ang tinawag ko.

“Darna! Tulungan mo ako! Minsan kailangan din ng mga kagaya kong korni para magkaroon ng balanse sa mundo!” sigaw ko.

Kewlché: Cliché Pero KewlWhere stories live. Discover now