Laging Huli Dumating Ang Mga Pulis (4/4)

215 32 27
                                    

Nagawang tukuyin ni Adrianne kung saan nagtatago si Enrico dahil sinundan nito ang kanyang chakra at reiatsu. Inilabas na ni Enrico ang pangunahing sandata na sandok at handa naman si Adrianne sa mga hampas nito dahil sa dala niyang kawali. Noong lulusubin na nila ang isa’t isa ay may biglang pamilyar na tunog silang nadinig.

Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng mundo, dumating na ng maaga ang mga pulis! Inawat nila ang dalawa at nakapiling na ni Adrianne ang kanyang pinakamamahal na lola.

And they lived happily ever after.

“P@$Q*%& niyan! Badtrip ang mga pulis bakit dumating kaagad, wala tuloy climax ang movie!” reklamo ng isa sa mga manunuod. Napakamot na lamang ng ulo ang mga producer. At dahil hindi na nila alam kung ano ba talaga ang magpapasaya sa mga manunuod ng kanilang pelikula, minabuti nilang magresign na sa trabaho at nagtayo nalang ng sari-sari store.

And they lived happily ever after.

Kewlché: Cliché Pero KewlWhere stories live. Discover now