Nag-iyakan ang mga kamag-anak at kaibigan ni Carlo. “Huwag ho kayong malungkot” sabi ng isang doktor. “Nagka-amnesia na nga ang kaibigan namin hindi pa kami malulungkot?! Anung klaseng doktor ka?! May damdamin kaba?!” sigaw ng isang kaibigan ni Carlo.
“Mini amnesia lang naman ang dinaranas ng pasyente ngayon dahil mini bulalakaw lang naman ang tumama sa kanya kaya partial lang ang nakalimutan niya.” sabi ng isang nars. “Partial? Alin ba ang nakalimutan niya?” tanong ng isa sa mga kamag-anak ni Carlo. “Ayon ho sa pananaliksik namin sa wikipedia, eh dapat kayong matuwa dahil tanging ang mga utang ninyo sakanya ang kanyang nakalimutan.” sagot ng isang doktor.
Nagkaroon ng moment of silence sa buong paligid ng ospital at biglang napasigaw ang isa sa mga kaibigan ni Carlo.
“Banzai! Yahoo! Nakalimutan na niya ang mga utang natin sakanya! Tiba-tiba tayo! Tara DoTA na!”
And they lived happily ever after.
BINABASA MO ANG
Kewlché: Cliché Pero Kewl
HumorSawang-sawa kana ba sa mga tila paulit-ulit na lang na tema ng mga kwento ngayon? Sang-ayon ako sayo kahit na hindi ko alam kung tumango ka sa tinanong ko. Tara, sumabay kana sakin at gagawa tayo ng mga kwentong trying hard upang hindi maging cliché!