Laging Huli Dumating Ang Mga Pulis (1/4)

319 33 23
                                    

Suggested Movie Title: Walong Bala Ka Lang at Kinseng Sapak

Hinostage ni Rigor ang asawa ni Carding dahil sa poot na nararamdaman nito dahil lamang sa hindi ni-like ni Carding ang kanyang bagong profile picture. Nagmakaawa si Carding na ibalik na ang kanyang asawa, ni-like na nito ang profile picture ni Rigor at gumamit na rin siya ng autoliker para naman dumami ang likes nito.

Ngunit lalo lamang nagalit si Rigor sa ginawa ni Carding at sinabing kung gusto niyang mabawi ang kanyang asawa ay pumunta sa isang tagong basement malapit sa Avenida, na makikita sa harapan ng Issetan Mall at tabi ng James Autosupply. Agad naman ito nakita ni Carding ang tago kunong basement na tinutukoy ni Rigor dahil alam ito ng lahat ng taong malapit doon.

Kewlché: Cliché Pero KewlWhere stories live. Discover now