Amnesia (1/3)

316 33 20
                                    

Suggested Movie Title: My Amnesia Girl, Boy, Bakla, Tomboy

Mula sa pagiging sanitary engineer(janitor) ay naging Vice-President for Finance si Carlo iyon ay dahil nakita ng Presidente ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya na naka-flat one pala ito sa Basic Accounting 1 nung siya ay nag-aaral pa. Hindi man nagawang umabot ng ikalawang semestre sa kanyang unang taon ng pag-aaral sa kolehiyo ay nabigyan pa rin siya ng pagkakataon upang tuluyang mabago ang kanyang buhay.

Ang naging unang sahod ni Carlo bilang Vice-President for Finance ay ipina-utang niya lahat sa kanyang mga kamag-anak at kaibigian na naghihikaos sa buhay. Noong una ay ayaw niyang gawin ito, ngunit nangako naman ang mga ito na babayarin ito sa loob ng isang buwan.

Kewlché: Cliché Pero KewlWhere stories live. Discover now