Chapter 53: Problema niyo?

237 16 1
                                    

Athena's POV.

Kagigising ko lang. Medyo maaga ako gumising kasi papasok pa ako sa kompanya. Medyo malayo layo rin kasi ang condo sa Yoo's company.

Pumunta na ako sa kitchen. Nagtimpla na lang ako ng coffee at pagkatapos kinuha ko yung bread na binili namin kahapon sa Supermarket. Wala na kasi akong oras para magluto.

"Good morning ate," bati sakin ni Francis Nicole at humalik sa pisngi ko. Kagigising lang din niya.

"Good morning. Anyway mag coffee ka na lang at bread pero may cereals din diyan if you want. Hindi na ako nagluto ng rice baka kasi malate ako eh." Paliwanag ko sakanya.

"Okay lang ate," sabi niya at umupo sa tabi ko.

"Oo nga pala, wala ka bang pasok ngayon?"

"Wala ate. 1 week po akong walang pasok kasi nagre-ready ang mga teachers para sa foundation week po namin," sabi niya.

"Tell me kung may kailangan kayo sa school ha. Especially sa mga gastusin niyo."

"Opo ate. Salamat po."

"Osya maliligo na ako. Baka malate pa ako," sabi ko. Tumango na lang siya bilang sagot niya.

Tumayo na ako. I need to prepare myself para pumasok na sa trabaho. Mahaba haba nanaman ang araw ko for sure.

-----

At Yoo's Company.

Maglu-lunch na pero hindi pa rin ako tapos sa mga gawain ko. Kung alam ko lang sana na maraming gagawin ngayon, edi sana nagbaon na lang ako for lunch ko. Kaya ko naman kasi kumain habang nagtra-trabaho. Ngayon hindi talaga ako makakain at makakabili ng pagkain sa sobrang dami ng trabaho.

Tumayo muna ako saglit sa swivel chair ko. Nag-inat-inat muna ako. Nangangalay na kasi akong nakaupo eh. Pagkaupo ko ulit sakto namang lumabas ng office niya si Chriss.

"Athena let's go," sabi niya. Nagtataka akong tinignan siya.

"Where?" Tanung ko.

"Let's have lunch," sabi niya.

"But I am not yet finish sa mga papeles na nasa lamesa ko," I said.

"Hayaan mo muna diyan. For now let's eat something for lunch. No buts just come with me," sabi niya at hinila na lang ako basta. Buti na lang at nahila ko rin ang bag ko. Nagpadala na ako sakanya kasi kumakalam na rin naman ang tyan ko.

Pagbaba namin sa elevator, tumingin ang mga empleyado saamin. Ang mga mata nila parang sinasabi na hindi kami bagay. Naiinis ako kapag ganyan ang tingin nila saakin.

Belat na lang sila dahil holding hands while walking ang peg namin ni Chriss. Nang makarating na kami sa parking lot, bigla na lang may humarang saamin na sasakyan. Ford ang tatak niya tapos kulay itim. Sino naman kaya ang hinayupak na'to?

Bumukas ang driver's seat. Doon lumabas si Rain. Ano na naman kaya ang ginagawa niya rito?

"Buti na lang sakto ang dating ko," sabi niya at may halong pang-aasar ang tono ng pananalita niya.

"What the hell are you doing here?" Inis na tanung ni Chriss. Nagiging incredible hulk nanaman siya.

"I came here to fetch Athena for lunch," sabi ni Rain. Ako? Eh may lunch din kami ni Chriss eh.

"She will go with me," Chriss retorted.

"No. Sakin siya sasama," sagot naman ni Rain. Ako naman pabalik balik lang sa kanilang dalawa ang tingin ko.

"Nauna ako sakanya," Chriss said.

"Pero ako ang pipiliin niya!" Sigaw naman ang isa. Seriously? They are causing a scene again.

Sa sobrang inis ko nag walk out na lang ako. Ang sakit nila sa ulo promise.

---

At Jollibee...

We end up eating here at Jollibee. May fastfoods dito na katulad ng Jollibee malapit sa Yoo's Company. Dito ko ng naisipan kumain para pwede na lang maglakad. Naiirita pa rin kasi ako sa dalawang ugok na'to. Atsaka nag cre-crave ako sa fries at coke float ngayon eh.

Hinihintay na lang namin ang mga orders namin. Pero napansin ko na kanina pa malalalim ang titigan nila sa isa't isa. Nag-iiripan silang dalawa. Mga bakla yata tong mga ito eh.

Dumating na si Kuyang waiter. "Ma'am ito na po ang order niyo," sabi niya at pinaglalagay ang mga pagkain sa lamesa. "Thank you," sabi ko.

Kinuha ko na ang order ko. Spaghetti with 2 piece of hot and spicy chicken joy, coke float and large french fries. Mabubusog na ako rito.

"Kain na," sabi ko. Kinuha na rin nila ang mga pagkain na inorder nila kanina. Parang ang intense. Nakaramdam ako ng hot temperature. Malakas naman ang aircon.

Habang kumakain ako, hindi ko maiwasan tumingin sa dalawa. Seriously? Tagisan ba ito ng titig? Yung isa naka-ngisi at yung isa naman parang nag-aapoy na sa sobrang inis. Ano ba meron?

Napansin yata ni Rain na nakatingin ako sakanila. "Athena eat more," sabi niya at binigay niya sakin ang balat ng manok.

"Here. You can take mine," sabi naman ni Chriss at binigay ang isang chicken sakin. Ano bang nangyayari sa dalawang ito?

Uminom naman ako sa coke float ko. Mabubulunan pa yata ako sa pinaggagawa nilang dalawa eh. Nang okay na ako, napansin ko na ubos na ang coke float ko.

Kinuha naman yun ni Chriss," I'll buy you one aga---" ngunit hindi pa man din siya nakakatayo, inagaw naman ni Rain," Ako na pre!" Sabi niya.

Aalis na sana siya ng biglang tumayo si Chriss at hinarangan si Rain. Nag-aapoy na si Chriss sa inis niya kay Rain.

"Brad, nakakagago ka na ah. Hindi ba sabi ko ako na bibili?" Sigaw ni Chriss.

"Ayaw mo nun para hindi ka na gagastos ulit?" Sarkastikong sagot ni Rain.

Nagsisimula nanaman akong mainis mga bes. Wag lang talaga nila ako simulan.

"I don't care kung gumastos ako ng malaki, as long as para kay Athena yun," sagot ni Chriss. Incredible Hulk ang datingan niya.

"Really huh? So do I. You know what, let's have a fight. Let's see kung sino mas magaling sa suntukan," pang hahamon ni Rain. Ano? Suntukan? Hindi pwede.

Nakatingin na saamin ang buong customers ng Jollibee. Dahil diyan, mas lalo akong nainis. Aakmang magsusuntukan na sila ng bigla akong pumagitna.

"Hoy! Tumigil nga kayo. Para lang sa coke float nag-aaway kayo? Hindi na ba kayo nahiya ha? Lahat ng customers dito nakatingin na saatin. Una, nagsuntukan kayo sa hospital dahil sa misunderstanding na naganap. Alam niyo naintindihan ko pa kayo nun. Pangalawa, nag-uunahan kayo kung sino ang bibili ng condo at ang mga kailangang gamit and such, pangatlo, yung kanina sa parking lot na sagutan niyo about lunch...," huminto muna ako. Nakakahingal pala ang speech ko.

"...at pang-apat, iyan. Iyang coke float, nag-uunahan pa kung sino bibili. Muntikan pang magsuntukan. Hindi ko na talaga kayo maintindihan. Ano ba ang nangyayari sainyo? Can anyone tell me?"

"Tch," "Tch," sabi nilang dalawa. Kitams hindi rin nila masabi ang dahilan.

"Oh tapos tahimik kayo ngayon. Ako ha! Punong-puno na ako sainyong dalawa. Ano ba problema niyo?" Sigaw ko sakanila. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"IKAW!"

"IKAW!"

Magkasabay na sagot nila. Huh ano raw? Ako? Anong ako? Bakit ako? Kinalaman ko?

Behind the SecretWhere stories live. Discover now