Chapter 12: Justine: The Bridge

366 27 3
                                    

Justine's POV.

"Bes aish. Nakakainis naman eh. Bakit ba kasi kami magkasama sa iisang kwarto?" reklamo ni Bes Athena

"Aba malay ko. Hindi naman ako ang nagpa-reserved ng hotel eh," sagot ko pabalik.

"Aish naman eh."

"Sige na. Pumasok ka na. Papasok na rin ako. Bye," pagkasabing pagkasabi ko yun, binuksan ko na ang pintuan ko. Haha. Nakakatawa talaga ang reaksiyon nilang dalawa.

Kung ang iniisip niyo ay ako ang may gawa nito, well you are right. Planado ang lahat. Paano nangyari? Well ganto lang naman yan...

*Flashback*

Naglalakad ako sa may mall. Si bes Athena ay nag restroom lang. Pumasok ako sa department store para magtingin tingin na maaaring gamitin sa pag-alis namin.

Pumasok ako sa section ng mga shades. Ang cute nung isang shades. Grabe. Bagay kaya sakin to?

Kukunin ko na sana ang shades upang isukat to pero may kamay na humarang dito.

"Ah sorry," sabi nito.

Shocks. Kilala ko ang boses na yun. Kaibigan siya ni Chriss. Tumingin ako sa gawi niya at tama nga ako. Siya yung kaibigan ni Chriss.

Nakatingin siya sakin. No. Wrong. Nakatitig siya sakin. Bakit ganon? Bakit parang may umusbong dito? Bigla akong may naramdaman. Feeling ko anytime babagsak ako.

Yung titig niya nakakatunaw sobra. Ano gagawin ko? Yung feeling na gusto ko siya batiin pero biglang umurong yung dila ko.

Na'blanko utak ko. What words should I say? Ano gagawin ko?

"Uhm. Miss okay ka lang?" tanong niya. Bumalik ako sa katinuan nang magsalita siya.

"U-ugh yes," nauutal kong tugon. Ang gwapo niya. My gash.

"Okay. Nga pala sige ikaw na ang bumili niyang shades."

"Pero di ko naman yan bibilhin, isusukat ko lang kung bagay sakin,"

Behind the SecretWhere stories live. Discover now