Chapter 27: Kidnapped

313 21 4
                                    

Chriss' POV.

At Yoo's Mansion

I'm here at our mansion. Na-late ako ng gising. F*ck! I check my phone. I received 53 missed calls and 20 text messages from my cousin. Ano na naman ba gusto nito? I send her a text message.

To: Cous Justine

What do you want?

SENT!

In just a minute my phone rings. Tumatawag ang pinsan ko. I tap the answered button.

"What do you want?" I asked her over the phone.

"Where are you?" she asked me back.

"I'm at Yoo's Mansion. Why?"

"Can I ask you na huwag ka muna pumasok today?," she said. What the f*ck! Hindi ako pwedeng hindi pumasok ngayong araw. It is Athena's birthday. Sayang ang plano ko.

"No. Papasok ako sa kompanya," sabi ko.

"Please just today at hanggat maaari huwag ka munang magpa-trabaho sakanya. Give this day as her day off. Kahit ngayon lang."

"No. How about our clients?" tanong ko. To be honest, I don't care about them. Inaalala ko lang ang plano ko. Sayang lahat ng plano ko kapag di ito nangyari. Everything is settled and ready.

"Haisst. Kapag di mo ginawa ang lahat ng sinabi ko, sinasabi ko sayo may irereto akong ibang lalaki kay bezzy Athena. Try me Cous."

She said and end the call. What the f*ck! No way! Akin lang siya!

And yeah, I already admitted to myself that I like her, no I love her. So what is mine is mine.

-----
Athena's POV.

Andito pa rin kami sa restaurant kung saan ko sine-celebrate ang birthday ko. Andito lahat ng ka-officemate ko. Yung mga empleyado sa Yoo's company. Mga guards and staffs. Lahat andito  maliban sa isang tao na kanina ko pa hinihintay dumating. Yung taong nagpapa-tibok ng puso ko ngayon. Oo inaamin ko na sa sarili ko na may gusto ako kay Sir Chriss. Pero hindi ko maamin-amin kasi hindi kami bagay sa isa't isa. President siya ng kompanya samantalang ako Executive Secretary niya lang ako.

Hayss. Pero umaasa ako na kahit sana man lang umattend siya sa birthday surprise party ni bezzy Justine para sakin kung di man siya makakapunta dahil busy siya, itext man lang niya sana ako. Batiin niya ako, ganun. Pero ni isa walang paramdam.

Feeling ko tuloy hindi kumpleto ang araw ko ngayon. Feeling ko hindi ako masaya ngayong birthday ko. Nakuha ng wine sa ibabaw ng table ang atensyon ko. Gusto ko siya tikman. Gusto ko maranasan uminom ng mga alcoholic drinks. Isa pa birthday ko pa naman. Bakit hindi ko pagbigyan ang sarili kong uminom?

Kinuha ko ang isang wine glass na naka-patong sa table. Kinuha ko rin ang red wine sa table. Binasa ko muna kung ilan ang alcohol tolerance nito. Mababa lang pala siya. At isa pa grapes flavor naman ang wine kaya feeling ko hindi ko malalasahan ang alak kapag ininom ko na ito. Hindi ako madaling malalasing kasi mababa lang ang alcohol tolerance.

Binuksan ko na ang wine. Inamoy ko muna siya. Ang bango ng wine. Mas na-aattempt tuloy akong tikman ang wine na ito. Nag salin na ako sa baso ko. Ang ganda ng kulay. It is perfect to my eyes. Hinalo ko muna paikot ang wine. Ganito kasi napapanuod ko sa mga International Movies, hinahalo muna nila paikot ang wine na nasa baso bago inumin.

Inilapat ko na ang labi ko sa baso ng wine. Ang bango sa ilong nitong wine. Nakakaadik. Uminom ako konti. Napa-ngiwi na lang ako nang ininum ko ang wine. Ang tapang pala nito. Ang init sa lalamunan. Parang anytime magbubuga ako ng apoy sa sobrang init sa lalamunan ng wine pero kahit ganoon ang sarap ng lasa ng wine. Ang sweet niya at lasang lasa talaga ang grapes.

Napansin ko na papunta sa gawi ko si bezzy Justine. May dala dala siyang chocolate cake na nasa platito. Umupo siya sa tabi ko at pinatong niya ang cake na dala niya sa table.

"Bezzy try mo tong cake. For sure magugustuhan mo yan," sabi niya.

"Ah ganoon ba? Sige," I replied. Tinatago ko ang wine sa gilid ko. Ayoko kasi na malaman niyang umiinom ako. Gamit ang kanang kamay ko, kinuha ko ang tinidor upang kumuha ng piraso ng cake at sinubo ko na ito.

"Hmm. Ang sarap. This cake is perfect," I commented. Ang sarap ng lasa ng cake. Perfect ang cake na ito sa wine na iniinom ko pero ang nakakapag-taka lang bakit parang familiar sakin ang lasa ng cake?

"Talaga? Buti naman nagustuhan mo ang cake. Inorder ko pa kasi yan sa Cafèlipino eh. Yung sikat na pastry and coffee shop dito," aniya.

Cafèlipino? Bigla akong pinag pawisan sa narinig ko. Hindi ko alam pero kinakabahan ako.

"A-Ahh. Ganoon ba?" Nauutal kong sabi. Aish! Bakit ba ako nauutal?

Napansin ko na parang may inaamoy si bezzy Justine. Patay na baka maamoy niya na umiinom ako ng wine. Lumapit pa siya ng lumapit hanggang sa boom! Naamoy niya nga ako.

"You are drinking wine bezzy?," she said. Mukhang hindi pabor sakanya ang pag inom ko ng wine.

"Ehh? Birthday ko namin eh. Pagbigyan mo na ako. Please!" pagmamakaawa ako. Totoo naman kasi eh. Atsaka ngayon lang naman ako uminom ng wine para hindi ko ma-feel ang kalungkutan nang inside ko dahil kay Sir Chriss.

"Ilan na ang nainom mo?" she asked. Nilabas ko na sa gilid ko ang isang baso ng wine. Wala na rin naman saysay kung itatago ko pa.

"Isa pa lang naman," sabi ko.

"Isa pa lang? Tch. Enough na yang isa bezzy," she commanded.

"Sabi ko nga bezzy," sagot ko.

Narinig ko ang phone ko na tumutunog. Oh my golly bells baka si Sir Chriss na yan. Nilabas ko ang phone ko. Without looking at my screen sinagot ko ang tawag.

"Hello?" I said over the phone.

"PARTY PARTY GUYS!" sigaw ng isa sa mga empleyado ng Yoo's company.

"Awoooohhh!!!" sigaw ng lahat. Ehh? Hindi ko marinig kung sino ang natawag. Hindi ko marinig kung boses ba ni Sir Chriss yun.

Lumabas na lang ako sandali. Nagpaalam ako kay bezzy Justine na lalabas ako sandali kasi baka importante ang taong tumawag sakin. Tumango naman siya bilang sagot.

Paglabas ko ng restaurant nag salita na ulit ako. "Hello?" Pero wala pa ring sumasagot.

I checked my phone kung sino ang tumawag. It is unknown. Number lang ang nakalagay. This time I felt nervous. Kinakabahan ako at pinag-papawisan.

"H-Hello? S-Sino to?" Nauutal kong sabi. My knees are trembling. Natatakot na ako. I saw two motorcycles na humarurot. It stops in front of me. Bumaba ang apat na lalaki. They are wearing black leather jacket and pants. May helmet din ang mukha nila kaya hindi ko makita kung sino sila.

"S-sino kayo?" tanong ko. I was about to run pero nakorner na nila ako. Two mens holding my both side arms.

"TULONG! HELP ME! PLEASE! BEZZY JUSTINE," sigaw ko. Naiiyak na ako. Natatakot na ako. Ano gagawin ko. Napansin ko na may nilabas na panyo ang isang lalaki at may ini-spray doon.

Ito na ba ang katapusan ko? "A-Ano yan? W-Wag po kuya," pagma-makaawa.

"Tch! Too noisy," sabi nito at tinakpan na ang ilong ko. Onti onti na akong nahihilo hanggang sa ...

ALL WENT BLANK

----------

[A/N:  Belated Merry Christmas! Enjoy reading. Thank you sa 2K reads ;) keep on supporting the story guys. Love lots. God bless. ]

Behind the SecretWhere stories live. Discover now