Chapter 1: Meet Angel Athena

1.5K 42 7
                                    

Athena's POV.

Hoo! Ang hirap pala maghanap ng trabaho? Akala ko madali. Ang hirap maging mahirap. I sigh.

Makatawid na nga sa kabilang kanto...

*BEEP BEEP*

Shit! Muntik na akong masagasaan.

"HOY! SAYO TONG DAANAN? PSH. MASAGASAAN KA SANA" sigaw ko.

Wala akong pakealam kung marinig niya man o hindi. Pero sana marinig ni---

"Miss excuse me, ayos ka lang?"

OMG! Ang pogi namang pulis 'to. My gosh!

"Ugh eh. O-Opo. Okay lang ako" ano ba yan Athena, nauutal ka pa. Nakakahiya ka.

"Sigurado ka ba?" Tanong ni Mamang Pulis. My gosh. Konti na lang iisipin kong may gusto 'to sakin.

Mag sitigil ka nga Athena, act as a dalagang Pilipina na Koreana.

"Opo. Thank you po for helping me," sabi ko. Aba, syepmre. Kailangan pa rin ako mag thank you. Tinulungan niya pa rin ako tumayo.

"Ano ba ginagawa mo at nandiyan ka?" tanong ulit ni mamang pulis. Matanong ho siya, in fairness.

"Tatawid lang naman po ako. Naghahanap po kasi ako ng matra-trabahuan eh. Kailangan ko po kasi," sabi ko.

Totoo naman kasi. Totoong kailangan ko ng trabaho lalo na ngayon na independent na ako.

"Ganoon ba? May alam ako na babagay sayo. Pumasok ka sa company na'to. Balita ko naghahanap sila ng Executive Secretary ang may ari ng kompanyang ito. At satingin ko naman bagay sayo yung trabahong yun" sabi ni Mamang Pulis.

Ay mapanuri siya. One point ka na sakin Mamang Pulis. Hindi lang makisig, marami pang impormasyon.

"Talaga po? Sige po. Sana makapasok po ako" sabi ko. Sana matanggap ako. Napapagod na rin kasi akong maghanap ng trabaho.

Nakailang apply na ako sa mga kompanya pero ni isa wala pa akong napapasukan. Yung ibang managers naman, pinangangakuan ako na tatawag na lang sila. Pero mga paasa. Nauwi sa wala. Hayss.

"Matatanggap ka iha. Tiwala lang. Osya aalis na kami, kailangan pa namin maglibot sa buong kamaynilaan" paalam ni Mamang Pulis sakin.

"Salamat po ulit" sabi ko naman.  Salamat sakanya, kung hindi dahil sakanya, hindi ako ligtas. Hays.

Ay teka, nalimutan ko magpakilala. Ako nga pala si Angel Athena Anicete. 20 years old na. Hindi ako ulila. My mommy ako. Kaso humiwalay ako sakanya dahil gusto ko maging independent. Hindi naman kasi habang buhay aasa ako sa nanay ko. Kailangan ko na rin tumayo sa sariling paa ko.  Alam niyo na, para sa present and future.

Ayt. Makapasok na nga sa loob ng kompanya.

Aja Angel Athena! Fighting! Hoo!

THIRD PERSON'S POV.

Pumasok na si Athena sa loob ng kompanya. Urong sulong siya kumbaga. Kinakabahan man siya pero kailangan niya na talaga magkaroon ng trabaho.

Papasok na sana siya ng elevator ng may nauna sakanyang pumasok.

"Psh bwiset na lalaki" pabulong na sabi nito. "Hindi man lang marunong mag excuse, hayss"

Nang makarating na sila sa third floor, agad namang lumabas ang lalaki dahilan ng pagkatumba niya.

"Arghhhhhh" nangangalaiti ito sa galit.

Inayos niya ang kanyang sarili bago siya nakipila sa mga mag apply sa trabaho.

"Ang dami naman. Hindi yan. Ako makukuha. Aja!" lakas na loob niyang sabi nito sa sarili.

Ilang minuto at siya na ang sunod sa pila.

"Next!" sigaw ng isang admin.

"Kaya ko to. Aja!" sabi nito ulit sarili bago pumasok sa loob.

"Please take a sit." sabi ni interviewer.

"Thank you po"

"What is your name? And tell me about yourself"

"I'm Angel Athena Anicete. 20 years old at graduate po ako ng college"

"Okay. Di na mahalaga kung graduate ka sa college o hindi. Ang kailangan namin ay masipag. Kaya mo bang mag fax ng mga papeles, mag scan o kahig ano"

"Kayang kaya po Ma'am" taas noo niyang sabi.

"Okay then. You are hired! Mag sisimula ka na bukas. You can go now Ms. Athena"

"Thanl you po Ma'am" ngiti nitong lumabas ng kompanya.

"I'M HIRED!!!!"

Hindi pa nakuntento at isinigaw pa niya.

Behind the SecretWhere stories live. Discover now