The Boss

111K 778 63
                                    

INTRODUCTION

“Bakit kahit anong lapit ko sa kanya, ang layo pa din nya sa akin? Bakit kahit anong pilit kong mapansin nya ko, sa iba pa din sya nakatingin? Bakit kahit anong bago ko, sobrang magkaiba pa din ang mundo namin? At bakit sa sobrang dami ng lalaki sa mundo, sa kanya pa ko nabaliw?”

“Ma, magta-trabaho ako.”

Desidido kong sabi kay Mama na ngayon ay dumadaing sa sakit nya habang nakahiga sa kama. Mahirap lang kami at tangin si Mama lang ang nagtataguyod sa amin na ngayon nga ay may sakit na kaya hindi nya na kayang magtrabaho.

“Hindi, Vanessa. Kaya ko pa, konting pahinga lang to.” sabi nya kahit bakas naman sa itsura nya na hindi nya na kaya.

Umiling ako at umupo sa tabi nya. Kahit naman papaano ay nakakuha ako ng dalawang taong kurso sa isang community college dito sa amin kaya makakahanap ako ng trabaho. Kahit mahirap, kakayanin ko.

“Ma, 22 years old na ako at dapat nga tumutulong na ako sa inyo. Pupunta ako sa mga Vera Cruz, sasabihin ko na magbibitaw ka na sa kanila. Kailangan mo ng magpahinga.”

Punong-puno ng pinalidad ang boses ko at lumabas sa gawa sa kawayan naming bahay. Kailangan kong pumunta sa mansion ng mga Vera Cruz para ipagpaalam si Mama saka ako maghahanap ng trabaho sa bayan.

Medyo basa ang daanan dahil sa pag-ulan kagabi, buti nalang talaga pinasemento na ni Mayor Luisito Vera Cruz ang daan kaya hindi na maputik dito.

Maya-maya ang nagulantang nalang ang pagkatao ko ng may biglang humarurot na sasakyan at naramdaman ko nalang ang malaming na tubig sa mukha ko at basang damit ko.

“Bastos!” sigaw ko dun sa sasakyan na biglang huminto, siguro ay napansin nya na may nabasa sya dahil sa talsik galing sa mabilis nyang pagpapaandar sa sasakyan nya.

Agad akong lumapit doon at pinaghahampas ang itim na bintana ng sasakyan nya.

“Hoy bastos ka! Kahit walang sasakyan dito dapat nag-iinga--”

Napahinto ang bunganga ko sa kakasalita ng bumukas ang bintana at nakita ko ang seryosong mukha ng isang lalaki na nakatingin sa akin. Laglag ang pangang tinitigan ko ang mukha nya na sobrang gwapo. Hindi naman sa uhaw ako sa kagwapuhan dahil may mangilan-ngilan naman dito sa bayan namin pero iba ang isang ito, parang nakakapaglaway. Kaso.. mukha syang pamilyar.

Nabalik ang sa aking sarili ng makita kong ang pagtaas ng kilay nya. “Sorry, miss.” sabi nya at humarurot pa din paalis.

Ugh! Hambog ang isang iyon!

Kinalimutan ko nalang ang pangyayari at nagpatuloy nalang talaga sa aking misyon na pumunta sa mansyon ng mga Vera Cruz kung saan nagta-trabaho si Mama simula pa nung dalaga sya.

Agad akong sinalubong ni Manong Ben na guard nila. Medyo maingay nga ang mansyon ngayon, nakakapanibago.

“Oh iha napadalaw ka? Nasaan si Tesa, hindi ko yata sya napansin ngayon.” sabi nya nang makarating ako.

“Inatake na naman si Mama. Magpapaalam nga muna ako kay Mayor para umalis muna si Mama dahil hindi na nya kaya. Ako muna ang maghahanap ng trabaho.” malungkot na sabi ko. Matagal bago sumagot si Manong Ben dahil mukha syang nag-iisip.

“Ang alam ko ay naghahanap sila Mayor ng bagong sekretarya para sa panganay nilang anak.  Bakit hindi mo subukan? Ang alam ko malaki ang pasahod dun.”

Naningas ako sa kinatatayuan ko at inulit ko pa sa utak ko ang sinabi ni Manong Ben para makasigurado na tama nga ang rinig ko.

Panganay na anak ng mga Vera Cruz.. yung lalaki kanina!!

Sya si Luke Vera Cruz, ang unang lalaking nagpatibok sa puso ko.

The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon