Chapter 5

20.2K 469 35
                                    

Just Leave

Nakatitig lang ako sa kanya at hindi alam ang pwedeng gawin. Kung iwan ko na nga lang sya dito? O kaya mas maganda kung itapon ko na sya sa dagat para hindi na nya pahirapan ang buhay ko. Kaso sayang ang mukha at katawan. Ibenta ko nalang kaya sya para na din magkapera ako?

Napatigil ako sa pag-iisip ng pwedeng gawin sa kanya ng bigla syang umungol at parang may binubulong na hindi ko maintindihan. Tiningnan ko kung gising sya at pinitik-pitik pa sya para makasigurado pero mukhang masyado syang lasing para magising.

“Buhay nga naman parang life, anong gagawin ko sayo, Luke?” desperada na may halong inis na sabi ko.

Akala ko hanggang mamaya ko na lang syang tititigan dito ng bigla akong may naisip. Bakit ngayon ko lang iyon naisip? Dapat pala kanina ko pa iyon ginawa.

Tinext ko si Gian at sinabi kong sunduin kami. Tutal ay magkaibigan naman sila kaya sya na ang bahala sa lalaking ito.

HALOS isang oras din akong naghintay sa lalaking iyon dahil malayo-layo din itong pinuntahan namin. Sya na ang nagbuhat kay Luke papunta sa sasakyan. Kainis, ngayon ko lang ulit naramdaman ang gutom na kanina ko pa iniinda. Humanda talaga sa akin ang lalaking yun kapag nabalik na sya sa wisyo.

“Nakakainis naman yang kaibigan mo. Iinom-inom tapos hindi naman pala kaya. Ginutom lang nya ako sa paghahanap sa kanya.” iritado kong sabi kay Gian nung nagbibyahe kami paalis ng resort.

Ngumisi sya sa akin. “Right, let’s eat first bago ko kayo ihatid sa condo ni Luke.” untag nya kaya napataas ako ng kilay. Okay na sana yung kakain na muna kami pero nagpanting yata ang tenga ko sa kasunod nyang sinabi.

“Bakit kasama ako sa condo ng lalaking yan? Malaki na sya at kaya na nya ang sarili nya.” sabi ko at inirapan pa ang lalaking tulog na tulog sa likuran namin. Sya ang sarap-sarap ng buhay, samantalang ako dito gutom na gutom.

“Trabaho mo yun, Vane.” wika nito na parang ito na ang pinakaobvious ng bagay sa mundo. Muntik ko na ngang mabatukan ang sarili ko dahil hindi ko agad iyon napagtanto.

Napairap ulit ako sa kawalan. “Oo nga pala.” sarkastikong sagot ko at tumawa lang sya.

KAYA ayun, pagkatapos namin na kumain dumiretso na kami sa condo daw ni Luke. Minsan kapag hindi sya umuuwi sa bahay nila ay doon sya tumutuloy.

Laking pasasalamat ko kay Gian dahil nalibre na naman ang pagkain ko. Dapat pala ay lagi ang nagsasasama sa kanya para makakatipid ako lagi nang sa ganun ay makapagtricycle din ako pag umuuwi ako sa gabi. Nakakatakot lang maglakad sa gabi dahil parang may lalabas lagi na aswang sa harap ko.

Hinatid kami ni Gian hanggang sa loob ng condo unit ni Luke. Nagulat nga ako na halos triple ng bahay namin ang condo nya o hindi lang. Oh, bakit pa nga ba ko magugulat? Sa yaman ng lalaking ito, kaya nyang bilhin ang lahat.

Tumingin ako sa paligid. Malinis at masyadong lalaking-lalaki ang dating sa akin. Black at white lang halos ang kulay, ang sakit sa mata pero mukhang mapapakain ako ng halos isang taon kapag binenta ko ang isa man lang sa gamit nya dito sa loob.

The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon