Chapter 10

26.7K 818 344
                                    

Two-Piece

SA huli wala na din akong nagawa kundi sundin si Luke. Paano ba naman kasi pati ang bruhildang si Wax, tinakwil ako at pinilit na kunin yung kwarto na binibigay sa akin ng boss namin.

“Bakla, bakit balot na balot ka? Teh, nasa beach tayo para mag-swimming, hindi para magsimba.” iritadong utas ni Wax at tinaas pa ang shades na suot nya para lang tingnan ako mula ulo hanggang paa.

Inirapan ko sya at umupo sa tabi nya. Napaka-oa talaga ng baklang to. Kung makasabi naman ng balot na balot para namang naka-saya ako. Nakat-shirt at shorts naman ako at mas komportable ako dito kesa sa mga two-piece na sinusuot ng mga ibang babaeng empleyado na kasama namin. Pero sa loob nito ay suot ko yung two-piece na binigay ni Wax, sobra kasi kung makapilit ang baklang to. Pero syempre hindi ko iyon balak ipakita.

“Paano ka makakaakit ng hot fafa dyan kung ganyan ka? Ay nako bakla, hubarin mo na yan at ipangalandakan ang maganda mong katawan.” pag-aaya ni Wax pero agad ko ding tinanggihan.

Walang makakapilit sa akin na magsuot ng ganun lang. Kung maiikli nga na damit, ayoko, iyon pa kaya. Hindi lang talaga ako komportable na ipinapakita ang katawan ko.

“Bakla! Tingnan mo yun oh!” tili ni Wax sabay turo sa dalawang tao na papalabas ng hotel.

Napataas agad ang kilay ko ng makita si Alliah na halos kita na ang lahat sa kanya dahil sa suot nyang black na bikini.

“Grabe! Ang pugita, akala nya yata ahas sya, grabe kung maka-sunggab kay Sir Luke. Jusme, bakla, ang sarap tustahin ng babaitang yan.” inis na sabi ni Luke at parang gustong-gusto ng ibato yung malaki nyang pamaypay dun kay Alliah.

Natawa nalang ako dahil masyado talaga syang highblood sa Alliah na yun. Nakakainis naman talaga sya at masyadong malandi.

“Tama na yan, Wax. Maghanap na tayo ng hot fafa mo ng sumaya ka naman.” sabi ko at hinila sya papalayo.

Iritadong tinanggal nya yung pagkakahawak ko sa kanya kaya tinaasan ko sya ng kilay. Anong inaarte nitong baklang to? Ang laki ng simangot nya sa akin at tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa.

“Alam mo, bakla. Mas dyosa pa ang katawan mo kaysa dun sa pugita na yun. Ayaw mo lang i-reveal. Kung ako may ganyang katawan, aba nirampa ko na yan dito sa buong resort. Nags-stress ako sayo!”  sabi nya at sinubukang itaas yung shirt ko pero agad kong pinalo yung kamay nya.

“Ano ba? Ikaw nalang magrampa ng katawan mo dahil ako wala akong balak.” untag ko at nagmarcha pabalik sa hotel namin at agad naman syang sumunod sa akin.

“Hindi mo ba napapansin, bakla? Type ka halos lahat ng empleyadong lalaki ng LVCruz! Lalo na si Tyron, kung makatingin sayo kanina akala mo lechon ka na handa ka ng sunggabin.” malanding sabi nya at tinuro pa si Tyron na katrabaho namin.

“Ewan ko sayo.” utas ko at inirapan sya.

NAGKWENTUHAN lang kami ni Wax at kung ano-ano pang pamimilit pa ang ginawa nya para lang mapagpalit ako pero syempre di ako nagpapilit.

Malapit nang mag-gabi pero hindi pa tuluyang lumulubog ang araw. Nagka-isa sila na maglaro muna ng spin-the-bottle and truth or dare. Si Wax naman agad na sumali kaya nahila din ako at napilitan. Nanonood lang sa tabi si Luke at yung pugita-- este si Alliah na hindi ko man lang nakita na humiwalay sa kanya.

Ayoko sanang sumali dahil parang napaka-isip bata naman ng laro namin pero dahil wala akong magagawa pag si Wax ang namilit kaya sumali na din ako at ayaw ko din naman masabihan na KJ.

Nagsimula na kami at halos lahat ay dare ang pinipili. Parang gusto ko nang umayaw dahil yung mga dare nila ay sobrang hirap at sobrang.. uh paano ko ba to sasabihin? Basta.

“Sa wakas natapatan ka din!” masayang sambit ni Tyron na syang nag-ikot ng bote.

Napakamot nalang ako sa batok ko at bahagyang napasulyap kay Luke pero agad din akong nag-iwas ng makitanag nakatingin sya. Bahagya akong napailing at binaling ko nalang ang tingin ko kay Wax na medyo lasing na din dahil nakailang shots na din sya dahil sa dare.

“Ako na ang magbibigay ng dare!” natatawang sabi ni Wax.

Pinanlakihan ko sya ng mata dahil alam kong hindi maganda ang mangyayari kapag sya ang magbibigay ng dare pero hindi man lang nya iyon pinansin. Nginisihan pa ako!

“Hubarin mo yang damit mo at ilantad ang sexy body mo sa iyong two-piece!” excited na tili nya at nag-cheer pa yung mga kasamahan namin.

Pinipilit ko si Wax na palitan yung dare pero ayaw nya talaga. Napatingin ako sa iba kong kasamahan na hinihintay ang susunod kong gagawin. Ang ilan din sa kanila ay nakatwo-piece lang din kaya sumunod nalang ako sa gusto nila. Ayoko naman na maging unfair, sila ginawa nila ang dare na para sa kanila kaya gagawin ko na din yung akin. Humanda nalang sa akin si Wax mamaya.

“Oh eto na.” matabang na untag ko at binato kay Wax yung tshirt at shorts ko.

“Woooooh!” sigaw nila at napatawa nalang ako kahit medyo naiilang pa ako sa tingin nila.

Tumingin ako kay Luke pero nakatingin sya kay Alliah kaya napairap nalang ako. Bakit ba ko naiinis?

Ako ang nagpaikot at kung mamalasin ay sa akin na naman tumapat. Buti nalang talaga ay pina-shot nalang nila ako.

LUMIPAS ang oras at hindi ko na namalayan na medyo malalim na ang gabi at nakakailang shot na din ako. Hindi ko din napansin na nakatwo-piece lang ako.

“Rest room lang ako.” tawag ko kay Wax na agad namang tumango at bumalik sa pakikipagtawanan sa mga kasamahan ko.

Tumayo ako at naglakad sa kanila papalayo. Medyo nahihilo na din ako dahil sa nainom ko. Pagkatapos kong mag-ayos ay babalik muna sana ako sa kwarto ko para kumuha ng damit ng biglang may humila sa akin.

Napasigaw ako sa gulat at handa na sanang suntukin kung sino man yun kaso nakita kong si Luke pala yun na ang seryoso ng tingin sa akin.

“Anong ginagawa mo dito?” hinihingal na tanong ko. Hindi pa din ako maka-recover sa gulat.

Hindi nya ako sinagot pero binato nya ako ng isang puting tuwalya. Napataas ang kilay ko dun at tiningnan sya.

Nag-iwas sya ng tingin. “Ayokong nagsusuot ka ng ganyan. Ibalot mo nga yan sa sarili mo.” iritadong untag nya na mas nagpataas sa kilay ko.

“Ano bang pakialam mo? Oo, boss kita pero wala kang paki sa susuotin ko. Sabihin mo yan sa girlfriend mo wag sa akin.” inis na sabi ko. Umakyat na yata sa ulo ko ang alak at hindi ko na naisip na boss ko ang kausap ko.

“Bahala ka na nga.” inis na utas nito at umalis sa harap ko pero bago sya tuluyang umalis ay humarap ulit sya sa akin. “She’s not my girlfriend, Vanessa.” at umalis na ito.

Napangisi nalang ako at hindi ko alam kung bakit. Lasi na yata talaga ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon